8 : Pride and Prejudice

4.7K 171 32
                                    


Pride and Prejudice is the second novel by English author Jane Austen, published in 1813. A novel of manners, it follows the character development of Elizabeth Bennet, the protagonist of the book, who learns about the repercussions of hasty judgments and comes to appreciate the difference between superficial goodness and actual goodness

——

Charity

The house felt so empty.

Wala na iyung tuwing umuuwi ako, sinasalubong ako ng mabangong luto ni lola.

Halos madilim na sa labas ng makauwi kami ni Lucas. Ramdam ko ang lungkot. Nagsalin na ako ng panligo niya at inihanda ko na iyung damit na pamalit niya. I stared at the ceiling. Hindi ko mapigilang mapaluha sa nangyayari. It pains me to the core knowing that anytime soon, I will lose my lola. Intubated and so helpless. I am slowly losing hope but Ashton seems to never give up. Parang walang balak sumuko. The hospital bills, I know he's covering all the expenses. Dahil ang sabi sa akin ng finance kanina, okay na daw iyung bills ni lola.

Napayuko na lamang ako. I've known Ashton to be very strong in situations like this. Sa aming dalawa, siya ang masnakakaunawa, masnakakapagdesisyon. Minsan, tuwing natataranta ako sa mga bagay bagay, siya ang yumayakap sa akin at sasabihing siya na ang bahala sa lahat. Without knowing it, I have realized nnow that I have been reliant to him.

Naglakad ako papunta sa kuwarto ko.

Pati iyung kuwarto ko. It felt so empty. Loads of memory gushed through me. Lahat nalang ay kay Ashton. The banters, the late night talks. The love makings. Lahat ng sulok na ata ng kuwarto ko nabinyagan na namin ni Ashton. Kaya ang hirap kalimutan ang nakaraan. His smell still lingers in my room.

Alam kong may mga gamit parin siyang natitira sa kuwarto ko.

Halos alas otcho na ng makatulog si Lucas sa kama ko. I just watch him sleep as I pack my things. Naki usap muna ako kay Jellay para samahan si Lucas dito sa bahay para makapunta ako sa ospital at mabantayan si lola.

" Pasensha na medyo naleyt ako." Wika niya ng pagbuksan ko siya ng pinto.

" Sorry. Alam kong pagod ka na din." Wika ko sa kaniya. Tipid itong ngumiti.

" Ano ka ba. Okay lang iyun. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon. At alam kong maskailangan ka ng lola mo sa ospital. Nandun si Doc Montenegro. Gabi gabi iyun nagtatambay sa ICU dahil gusto niyang siya mismo ang naka antabay dun para kung sakaling magcode ulit ang lola mo, andon siya. The dedication he has for your lola is very different, Cha. You should see it for yourself" Wala akong naging tugon sa sinabing iyon ni Jellay. Niyakap ko lamang ito at nagpasalamat. Maspanatag ako kung siya ang kasama ni Lucas dahil naging malapit na rin sila ng kapatid ko.

Nagtaxi na ako papunta ng ospital. True to what Jellay said. Andun nga si Doc Montenegro, nakaupo sa may harapan ng Telemetry, nakatingin sa monitor.

" Hi Charity" Bati sa akin ng mga kapwa ko nurses. Tipid akong ngumiti at binati din sila. Napatingin din si Ashton sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

" Kanina ka pa niyan hinihintay" Bulong sa akin ng isang kasamahan kong nurse pagkapasok sa unit ng lola ko.

" Ha?" Wika ko. Ba't naman ako hinihintay?

" Ikaw bukambibig niyan. Kanina pa. Di na matigil. Tinatanong kung darating ka daw ba. Sabi nung charge nurse namin mukhang hindi ka daw darating kaya ayun umabot sa puntong sinabihan pa kaming tawagan ka daw at papuntahin dito" Bulong pa niya. They did not even conceal that matter from me. Talagang nilaglag nila si Doc.

Just strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon