Sunshine's POV
Kasalukuyang dala-dala ko ngayon ang tatlong bote ng Red Horse, upang dalhin sa bahay sapagkat ako ay nautosan nang aking mabuting ama.
Ang hirap maging bunso, si Ate naman talaga ang inutusan kasi nag-aaral ako para sa entrance exam ko bukas eh, ipinasa pa nga sa akin ang utos.
Alas 9:45pm na nung dumaan ako sa isang shop na may orasan sa labas ng bahay, at buti nalang may bukas pa na tindahan, at nakabili pa ako, kasi lagging nagwawala si Papa sa tuwing wala ang red horse niya.
"Shine?" – rinig ko sa likuran ko kaya napalingon ako, at nakita ko si Vin na kaklase ko.
"Magandang gabi, bakit?"- tanong ko agad sa kanya at ngumiti lang siya.
"Gabi na ah, bakit nasa labas ka pa?"- tanong niya sabay tingin sa bitbit ko.
"Inutusan lang, ikaw?" – tanong ko pabalik.
"Hinahanap ko Lola ko, nawawala kasi sa bahay eh kaya hinanap na namin baka dipa nakalayo. Sabihan moko ha kung may makikita kang matanda, may kwentas siyang parang maliit na bolang crystal."- sabi niya saka siya umalis at nagpaalam.
"Sige."- sabi ko kahit di niya marinig.
Naglakad na ulit ako at maya-maya ay may nakita akong matanda, hinanap ko agad ang kwetas niya at suot nga nito ang para bola nang mga manghuhula sa mga pelikula, pero kasing laki lang ito ng kamao ko, at lumiliwanag pa nga.
Linapitan ko agad si Lola at parang ganun din siya, mukha siyang nagmamadaling lumapit sa akin.
"Iha, kanina pa kita hinahanap, malapit na ang oras."- bungad nito sa akin na mukha pa talagang nag-aalala siya kesa sa mga naghahanap sa kanya.
"B-bakit po Lola?"- tanong ko nalang.
"Malapit na ang oras pomunta kana duon."- sabi niya sabay turo sa isang puno na nasal abas ng Gate naming.
"Okay po Lola, pero Lola chat ko lang apo mo ha? Hinahanap ka na nila po."- sabi ko pero tinulak na niya ako nang mabilis at pilit na pinapunta sa puno, sa huling tulak niya ay...
*PEEEEEEEEPPPPPPPPPP*
Isang Liwanag ng sasakyan ang lumapit sa akin at diko na alam ang sumunod na nangyari.
YOU ARE READING
I AM MIDNIGHT
FantasyWith dreams of attending the prestigious Academy of Knowledge, I was about to take the entrance exam that could change my life forever, but a sudden accident involving a reckless driver altered the course of my life drastically. When I opened my eye...