CHAPTER 1 - CELESTINE?

2 0 0
                                    


CELESTINE'S POV

Ramdam ko ang lambot sa aking higaan, kaya ako nanibago, kasi dinaman ganito kalambot higaan ko. Idinilat ko mga mata ko at maging sa ceiling ay nanibago ako. Inikot ko ang paningin ko at pamilyar sa akin ang lugar na to pero alam kong ngayon palang ako nakapunta dito.


Teka? Bat alam ko kong nasaan ko?


"S- Cel?"- gulat na tawag sa akin. Kaya lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Mama, pero patay na siya, pero alam ko din na buhay siya, diko alam, nalilito ako sa isipan ko. Ano nangyayari?


"Cel, anak!"- na-iiyak tawag ni Mama at Madali siyang naiyak at yumakap sakin, at habang yakap niya ako ay pinroceseso ko utak ko dahil naguguluhan ako.


Una, hindi ko ito kwarto, hindi ko talaga alam ang lugar na to, pero pamilyar ang lahat, alam ko kung nasan ako. Ikalawa, parang kilala ko ang mga tao dito. Ikatlo, yung mga pananamit, yung suot ni Mama ay di sinusuot ng mga tao sa 2023.


Anong nangyayari, ang alam ko ay tinulak ako nung Lola sa puno at may sasakyang sumagasa sa akin at...


Namatay ba ako?


Ano to? Reincarnation? transmigration?? Nasobra naba kakapanuod ko ng anime?


Bumalik ba ako sa panahon ng mga ninuno namin? Hindi. Alam kong wala ako sa Earth.


P*TA, napunta ata kaluluwa ko sa ibang katawan sa ibang mundo.


Hala? Panaginip lang ata to.


"Cel, totoo ba ito? Buhay kang talaga?" – tanong sakin ni Mama. 


Oong pala, patay na ang katawan nato dahil sa sakit, ayun sa ala-ala ng dating nagmamay-ari ng katawan. Pero dahil namatay ako sa tunay kong mundo, napunta ata ako dito. HOOYYY, di-ako makapaniwala, siguro overpowered din ako, CANNN'T WAIITTT TO SAY 'ILILIGTAS KO KAYONG LAHAT' char.


"Opo."-char, sabi ko lang, ano ba dapat ereact? 


Niyakap lang ulit ako ni Mama, at gusto ko nalang maiyak, kasi sa mundo ko, patay na Mama ko dun, pero dahil kamukhang-kamukha niya ang Mama ko, napayakap nalang ako pabalik.


So ayun nanga tinawag ni Mama ang lahat ng tao sa palasyo at pina-alam sa kanila na buhay ako hanggang sa nalaman ng buong kaharian pa nga, at siguro nakarating na din sa ibang kaharian. Ipinagdiwang na nga ng buong kaharian ang aking pagkabuhay at itinuring na isang himala. Himala naman talaga.


Ayon sa buhay ni Celestine Enchant, since nasa utak ko pa din ang mga ala-ala niya nang siya ay nabubuhay pa, siya ay isang Princesa sa isang kaharian na tinatawag na Aurora Kingdom. Ang Aurora Kingdom ay isa sa pinakamahirap na kaharian sa buong Aurilla (Pangalan ng planeta). Flat yung mundo nila, ayun sa ala-ala ni Celestine.


Siya ay 14 years old pa lamang habang ako ay 18 sa nakaraang buhay ko, at ayun sa patakaran ng buong Aurilla, sa pagtong-tong ng ika 15 na taon ay dapat mag-aaral na sa tinatawag nilang Aurilla Central Education or ACE. Ngunit di kayang supportahan ng kaharian ang aking pag-aaral dahil nga mahirap ang aming kaharian.  Hindi rin pinalad ng mahabang buhay si Celestine, sapagkat nung nakaraang linggo ay namatay na siya at dapat ay magiging abo na ako sa araw na nakarating ako sa mundong to at sa katawang ito.

I AM MIDNIGHTWhere stories live. Discover now