CHAPTER 2 - MIDNIGHT LEGION

4 0 0
                                    


CELESTIN'S POV


"Ano ang kaya mong gawin maliban sa pagsilbihan ako sa pang-araw-araw?"- seryosong tanong ko sakanya sabay upo sa aking upuan at nag cross legs.


"Depende po sa iyong ipapagawa, Amo."- sabi niya lang sa sabay upo sa mesa na nasa harapan ko.


"Nais ko sanang bumuo nang isang sekretong organisasyon upang mapangalagaan ang kaharian ng Aurora at ang aking sarili. Matutulongan mo baa ko?"- tanong ko sa kanya at masaya lamang siyang tumango.


"Paano ba sisimulan ang organisasyon?"- taking tanong niya sa akin.


"Simple lang sa mundong to, kelangan ko lang ng matitibay sa pakikipaglaban, at mapagkatiwalaan na mga taohan." – anya ko sa kanya at mabilis siyang lumipad papunta sa harap ko.


"Meron akong dalawa pang kasama na kasalukuyang nagtatago ngayon sa lugar kung saan di sila makikita, parehas kaming tatlo na nagtatago sa mga tao, sapagkat sinasaktan nila kami habang pinagsisilbihan namin sila. Magaling kaming tatlo sa larangan ng Mahika, sapagkat kami ay Diwata."- sabi ni Lian sa akin na tila nakikipag Negosyo sa akin na aking tanggapin ang kanyang mga kasama kapalit sa pagsisilbihan nila ako.


"Maaari mo ba silang dalhin dito?"- tanong ko sa kanya, ngunit biglang nalungkot angkanyang mukha.


"Amo, kaming mga Diwata ay makapangyarihan na mga nilalang, ngunit sa oras na tatanggalin ang isa sa aming mga pakpak, ay hindi na kami makakalipad at hindi namin magagamit ang aming kapangyarihan, ngunit kaya pa naman naming maging anyong tao."- anya niya sa akin na ikinagulat ko.


"Maging anyong tao." – gulat na tanong ko. You mean magt-transform sila into human? Omaygasssshhhh.


"Maging kasing laki at at hugis na parang katulad mo. Tulad nito."- sabi niya at bigla na lamang siyang lumaki at napatayo pa ako sa pagka gulat na matangkad pa siya sa akin. Nawala ang kanyang Pakpak, at hindi na umiilaw ang kanyang katawan, ngunit ang taenga niya ay mahaba padin. Syempre diwata siya eh.


"OH MY GOSH!!! SHOCKING!!" – wika ko na nakatingin sa kanya na di makapaniwala.


Nakasuot siya ng parang pang maid na kulay pink at white. Hanggang bewang ang haba ng kanyang kulay brown na buhok na may kaunting blond. Ang ganda nang katawan, pati na ang mukha. Kung ganito katawan at mukha ko nuong nasa Earth pa ako, nag artista nalang sana ako o nag model.


"Sa ganyang anyo niyo ba pinagsisilbihan ang inyong mga amo." – tanong ko at pilit na ikalma ang sarili kasi ang ganda niyang sobra. Maganda din naman ako, bata pa nga lang. 


"Opo, Amo."- sabi niya, sabay lagay ng kanang kamay niya sa dibdib at nag bow.


"Yung mga kasama mo, tinanggalan din ba sila nang isang pakpak?"- tanong ko pa.


"Opo, Amo"- anya niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I AM MIDNIGHTWhere stories live. Discover now