CHAPTER 2

6 0 0
                                    

REN's POV

Mabibigat ang hakbang na lumapit si AL sa babaeng 'yon. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Dahil kung dito lang din pala ang punta niya, bakit iba ang direksyon na nilikuan niya kanina?

~FLASHBACK~

Good morning.

Time check...5:30am.

Agad akong bumangon at nag-asikaso.

Ligo.

Toothbrush.

Bihis.

Saktong 6:00am ay natapos ako kaya bumaba na 'ko para kumain.

"Good morning, ijo." bati ni Manang, nanay-nanayan ko.

"Good morning, Manang."

Tinignan ko ang nakahapag sa lamesa at nakita ang hindi mawawalang itlog (simply fried and an omelette), bacon, bread, hotdogs, at higit sa lahat...kanin.

"Oooh, nakakatakam naman 'tong breakfast na niluto mo, Manang." ani ko na hinihimas ang tiyan.

"Aba, eh syempre at alam kong unang araw mo sa eskwela ngayon." sagot niya habang inaayos ang ibang plato sa lamesa.

"Really? You're the sweetest, Manang."

Natatakam akong naglagay ng omelette at kaunting kanin sa plato ko. Gustuhin ko 'mang kumain ng marami ay hindi pupwede dahil may usapan kami nila Al at Ethan na kakain sa Canteen ng LRIS nang 7:30am.

*NOTE: Ang pangalan po ni Al ay AL. Baka kasi malito kayo sa letter l. L po iyan.*

"Ano't iyan lang ang kakainin mo? Eto pa oh. May bacon pa na paborito mo." lumapit si Manang nang makitang iyon lang ang kinuha ko at akmang maglalagay ng bacon sa plato ko.

"O-oh no, my dearest Manang. May usapan po kami nila Ethan at Al na... mag breakfast sabay-sabay sa school mamaya, hehe." pilit ang ngiting tugon ko at nginiwian niya naman ako.

"Bakit? Anong oras ba kayo kakain? Hindi ba't alas-otso ang simula ng klase niyo?"

"Sasamahan pa po kasi namin si Al para makapag sign-up sa club na gusto niya. Panigurado daw ay matatapos kami around 7:30. So mga ganoong oras po kami kakain."

"Oh, eh mamaya pa naman pala iyon. Anong oras pa lang oh. Sige na, kahit kaunti lang at dagdagan mo 'yang nasa plato mo." at dinagdagan niya ng tig-isa ng lahat ng hindi ko kinuha at inilagay 'yon sa plato ko.

Kuha mo?

Hindi na 'ko nag reklamo pa at sinimulan ko na lang kumain.

"Mukhang may kakaiba diyan sa uniporme mo, ijo." biglang sambit ni Manang.

Tinignan ko naman ang uniform ko at nakitang may kakaiba nga roon. There was a white lining on its collar down to buttons before and now it's gone. Tinignan ko ang pants at nakitang medyo maluwag na 'yon kumpara dati. The same with the blazer na medyo lumaki at lumuwang na kina-kumportable ko. Pati ang necktie ay naiba ng kulay, kung dating navy blue, ngayon naman ay ganoon din, medyo naging dark lang 'yon. The logo patch is still the same and is still on its same position, the same with the name plate.

Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon