AL's POV
Hanggang ngayon ay nanggigigil pa din ako sa babaeng 'yon!!!!
Hindi man ganon kasakit ang sakal niya pero sapat na 'yon para mawalan ako ng hininga! Ewan! Hindi ko maintindihan!
"Sa tingin ko ay hindi ganoon kahigpit ang pagkakasakal sayo. Hindi rin nag iwan ng kahit na anong hand marks sa leeg mo. Paano ka ba nasakal?" tanong ni Nurse Mary habang inaalalayan ako sa pagdampi ng cold pack sa leeg ko.
"A-Ah...Hindi niya po ako sinakal gamit ang kamay eh." napakamot ako sa sentido nang sabihin ko iyon. "Ginamit niya po yung b-buhok niya tapos yung braso niya ay parang nakayakap sa leeg ko. H-Hindi lang po ako sigurado kung sinakal niya ako gamit din yung braso niya p-pero!...sobrang tigas nung braso niya nung hinawakan ko 'yon! K-Kaya paniguradong iyon din ang dahilan k-kaya lalo akong hindi makahinga kanina!" nakangusong paliwanag ko. Tatango-tango naman si Nurse Mary habang dinadampian pa din ako ng cold pack sa leeg ko.
Bakit parang hindi naniniwala sakin 'to???!!!
"Okay." tumatango pa ulit na sabi niya. "After 10 minutes ay pumunta ka na sa klase mo. Unang araw sa eskwela—at ganito pang kaaga ay nandito ka agad sa Infirmary! Tsk..Tsk.. Nakuuu..." tyaka siya umalis at pumunta sa iba pang estudyante na nandito.
Makasermon naman 'to—parang ako lang mag-isa dito ahh! Sinamaan ko na lang ng tingin ang dinaanan niya at pinagpatuloy ang pagdampi ng cold pack sa leeg ko.
Ang weird lang dahil hindi na ganoon kasakit agad ang leeg ko. Pero sigurado naman akong sinakal niya ko kanina.
O baka OA lang ako...
Tsk! Hindi! Hindi ako OA! Sinakal niya ko! Sigurado 'yon!
Bagot na bagot akong dinampian ang leeg ko hanggang matapos ang sampung minuto tyaka tuluyang tumayo at nagpaalam kay Nurse Mary.
"I'll get going, Nurse Mary. Thank you."
"Hm. 'Wag ka nang babalik dito ah." sagot niya na nginiwian ko lang. Naglakad na ko papunta sa una kong klase at kahit na nasa klase na ang lahat ng mga estudyante ay dinig ko pa din ang mahinang pagbungisngis nila sa tuwing madadaanan ko ang bawat room sa building.
Ilang minuto lang ay narating ko ang room ko at nakatikom ang bibig na sinalubong ako ng prof.
"Mr. Del Pino, unang araw pa lang ng klase ay pinipino mo na ang anit ko dahil sa stress." halata ang inis at stress sa tono nang pagkakasabi niyang 'yon.
"Sorry I'm late, sir. May sadista pong nakapasok ng LRIS kaninang umaga at sinakal ako kaya sa infirmary ako bumagsak eh." dahilan ko at naglakad na papunta sa likod kung saan nakita kong palihim na bumubungisngis si Ethan habang si Ren naman ay pilit ang ngiting tinignan ako.
Anong trip ng mga unggoy na 'to—
Dahan-dahan kong nai-angat ang kamay at nanginginig sa gigil na dinuro ko ang babaeng yon!
>>~<<
"Nakanampucha oh! Anong ginagawa mo dito?!" inis na bulong ko sa babaeng nanakal sa akin kanina. Ano't nandito 'yang kabayo na yan?!