THE PAINTED NIGHT
©ReehomyyzCRISELLA
NApabuntong-hininga ako. I closed my eyes, trying to have a good rest on my soft comfy bed. Pero hindi ako hinahayaan ng isip ko, pati puson ko'y gano'n din. Ang sakit maging babae!
Rinig sa buong kuwarto ko ang ingay ng isang kanta na nag-p-play sa cellphone ko. Kanina pa ako nakikinig ng mga kantang palagi kong pinakikinggan kapag gusto kong ma-relax ang isipan ko. Hindi ko kasi maintindihan ang utak ko ngayon. Wala naman akong problema, pero nagpupumilit ang utak ko na mag-isip ng mga problema. Bakit kaya gano'n?
Ewan ko ba sa utak kong ito, mas’yadong magulo. Pakiramdam ko tuloy, ako lang din ang nagbibigay ng dahilan para ma-stress ang sarili ko. Kaya ayoko talaga kapag ganito ako. Kainis!
Pinilit kong mag-isip ng mga positibong bagay, pero may mga sumisingit pa ring mga panget o negatibo. Batid ko namang hindi ko iyon maiiwasan, pero hangga't maaari gusto ko pa ring maiwasan para hindi mauwi sa kung saan. Nakakapagod din kasing mag-isip nang mag-isip.
I was about to close my eyes again when an idea popped into my head. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinagilap kung nasaan ang cellphone ko. Madali ko naman itong nahanap dahil tumutugtog ang isang kanta na nagmumula ro'n. Nasa ilalim iyon ng unan nang matagpuan ko. Natakpan lang pala.
Pinatay ko ’yong kanta. Naisip ko na magtingin-tingin na lang ng mga photos sa album ko. Gusto kong tingnan ang mga paintings na ako ang may gawa. Nagpipinta ako. Hilig ko ang pagpipinta at kapag natatapos ako sa isang obra ay kinukuhanan ko ito ng litrato at shine-share sa socmed.
Imbis siguro na abalahin ko ang sarili ko sa pag-iisip ng mga negatibong bagay, ito na lamang ang gagawin ko.
Malaki ang ibinibigay na epekto sa akin ng mga paintings, lalo na kung ako ang nagpinta. Pinapakalma ako nito at tinutulungang bitawan pansamantala ang magulong mundo na meron ako.
Sa gitna nang ginagawa ko ay napatigil ako nang may marinig na nalaglag na bagay. Mabilis ang mga matang hinanap ko kung ano ba iyon.
Napunta ang tingin ko sa isang paint brush. Sa palagay ko ay 'yon ang nalaglag base sa side vision ko kanina.
Iniwan ko muna ang ginagawa at nilapitan iyon. Kinuha ko ang nalaglag na paint brush at isinuksok sa dapat nitong kalagyan, kaysa ibalik pa ulit sa isang maliit na lamesa. Pero natuon ang atensyon ko sa isang bagay nang mapadako ang tingin ko roon. It was my painting. Ako ang gumawa niyon.
May kasamang pag-iingat nang alisin ko ang manipis na puting tela na nakataklob do'n. Nilukob ako ng kakaibang pakiramdam nang masilayan ko na naman ang gawa ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ito. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat sa pakiramdam. I honestly don't know. Pero alam kong may something talaga sa painting na ito. Something I can't figure out.
Kung titingnan ay simple lang ang nakapinta rito. Isang gabi na mayroong lalaki't babae na naglalakad. Ang lalaki ay nababalot ng saya ang mukha at may hawak itong isang piraso ng rosas, habang 'yong babae naman na nakasunod sa kan’ya ay malungkot at umiiyak.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang painting.
"Ano ba'ng meron sa'yo?" puno ng kuryusidad na tanong ko. Oo, kinakausap ko ang bagay na ito.
Nabulabog ang pag-iisip ko sa bagay na nasa harap ko nang marinig ko ang sunud-sunod na katok.
Sino ba iyon? Istorbo naman!
Kaagad kong ibinalik ang telang pantaklob dito, at pinagbuksan ang taong nasa labas ng kuwarto ko, pero wala namang tao nang buksan ko ang pinto.
Ano na naman bang trip ito?
YOU ARE READING
The Painted Night (COMPLETED)
NouvellesThe Painted Night (One Shot) Hindi ko alam na ganoon pala ang ipinapahiwatig ng ipininta ko. Akala ko wala lang... Crisella & Tross