Kaagad akong napabangon sa bed ko nang magising sa isang panaginip. Masamang panaginip lang pala, Ella. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat paghinga ko.“Naulit na naman,” anas ko.
Noong nakaraan lang kasi ay ganito rin ang aking panaginip. Ganoon din mismo ang mga pangyayari. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit dumaan na naman iyon sa panaginip ko. May need ba akong malaman?
Gulong-gulo na ako at hindi mapakali ang buong sistema ko sa gabing ito. Malapit na mag-2 A.M. ng madaling araw nang tingnan ko ang oras sa wall clock na nasa kuwarto ko.
Tumayo ako. Nilapitan ko ulit ang painting na tinitingnan ko no’ng bago dumating si Tross dito. Inalis ko ’yong puting tela na nakataklob at mas lalong nag-iba ang pakiramdam ko sa mga sandaling ’to.
Noong una kong napanaginipan ang pangyayari na ito ay hindi ako nilubayan nang pag-iisip kaya’t naisip kong ipinta ang naging panaginip ko. Nasa harap ko ngayon iyon. Ako ang babae sa painting at ang lalaki sa unahan ko ay hindi ko alam kung sino. A mysterious guy.
Napahalukipkip ako. Pinagkatitigan ko nang maigi ang painting.
Bakit nanaginip na naman ako ng ganito? Is there something I need to know? Or may gusto ba iparating sa akin ang panaginip na iyon?
Ano ba talaga ang nasa likod ng painting na ’to?
---
KInuha ko ang phone nang marinig na nag-ri-ring ito. Si Tross ang caller. Bakit kaya napatawag siya?
“Hey, nakapag-ayos ka na ba?” tanong ’agad nito pagkasagot ko sa tawag.
“Yes, patapos na ako. Why?”
“Okay, see you later. Paalis na ako sa bahay namin, Ella. Sunod ka na lang do’n sa park, hihintayin kita.”
“Sige. Ingat ka.”
“Ingat ka rin,” sabi pa nito sa kabilang linya at ibinaba ko na ang tawag.
Ano kayang sasabihin niya sa akin mamaya?
Na-cu-curious na talaga ako. Pero hindi ko iyon malalaman hangga’t nandito pa ako sa bahay. Kaunting pag-aayos na lang ng aking mahabang buhok at puwede na ako makaalis din.
Kinuha ko ’yong hair brush at sinimulang suklayan ang buhok ko. Simple lang ang ayos ko ngayon. Hindi ko naman kailangan na mas’yadong maging formal ang suot o mag-dress ako. Sa park lang ang punta ko at makikinig lang ng mga salitang lalabas sa bibig ni Tross mamaya, kaya bakit pa ako mag-aayos ng bongga, ’di ba? Wala namang date na mangyayari. Usap lang. Saglit na usap lang.
I paused for a moment. Pinagmasdan ko sandali ang sarili sa salamin. Bahagya akong ngumiti. Napalis naman ang ngiti ko nang tumunog ang ringtone ko kapag may nag-me-message sa akin.
“Nakaalis na ako ng bahay. See yah:)”
From: AlbaTross
Just a text message from Tross. Nagmadali na ako ng kilos sa nabasa ko. Iniisip ko pa lang kasi na mauuna siya ro’n ay baka mainis iyon sa paghihintay sa akin kaya kinakailangan ko na ring umalis.
Nag-text back muna ako sa kaniya bago umalis ng bahay. Para maging updated naman siya na nakaalis na rin ako at sisipot talaga ako, 'no. Iyon lang ’yon!
Napatingin ako sa langit habang naglalakad papunta sa park. Napangiti ako nang masilayan ang magandang langit at mga ulap na nagkukulay kahel na. Sabagay, hapon na rin kasi.
Kinuhanan ko ito ng picture gamit ang camera sa phone ko.
“'Ayan, ang ganda,” I said with a smile. I don't know pero gandang-ganda talaga ako sa mga sky photography, e. Nakaka-inlove siya para sa akin.
YOU ARE READING
The Painted Night (COMPLETED)
Historia CortaThe Painted Night (One Shot) Hindi ko alam na ganoon pala ang ipinapahiwatig ng ipininta ko. Akala ko wala lang... Crisella & Tross