Chapter 5

37 4 0
                                    

Habang naglalakad kaming apat dito sa hallway ng school, bigla nalang may humarang sa daanan namin. Si Coleen, ang queen kuno ng school.

“Kailangan mo?” bored na tanong ko sa kanya. Angas pre, tinaasan ako ng kilay at umirap. Tusukin ko kaya mata nito?

“Nakita kitang pumasok sa bahay ng boyfriend ko kahapon. Nilalandi mo siya ano?” sumbat niya sakin.

“Ha? Ano?” baliwalang tanong ko pa.

“Bingi ka ba?! Sabi ko---”

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko 'to. ANONG KARAPATAN NIYANG SIGAWAN AKO?!

“Boba! Wala ka namang boyfriend e.”

Nakitang kong halos mamula ang buong mukha ni Ateng Coleen dahil sa inis. Why ba? Di nga siya kilala ni Yvo'ng adarna e huhu.

“Bitch! It's Yvo, he's my boyfriend!” isa pang tanga 'to. Kita di siya mahal/kilala, nagpipilit pa.

One sided love pa nga.

“Oh talaga ba?” nagcrossed arm ako at taas kilay siyang tiningnan, “Hanapin mo sa impyerno yung pake ko.”

Galit niya akong dinuro, “YOU!” akmang sasampalin niya na ako pero agad na sinalo ni Erich yun.

“Hindi ko tanggap kung sasaktan mo ang isang yan. Ako lang pwedeng manakit diyan.” seryosong sabi ni Erich at marahas na binitawan ang kamay ni Coleen dahilan para mapaatras siya.

“Tara na! Hurting animals is a crime!” aya ni Jessa habang mataray na nakatingin kay Coleen at sa grupo niya.

“Tara, baka mahawaan tayo ng kalandian dito.” segunda pa ni Ali.

Bago kami umalis, hinarap ko muna si Coleen at nginisihan. “Piece of advice from me, wag masyadong mag imagine ha? nakakamatay, bye!” nginitian ko siya ng matamis at kumaway pa bago tumalikod at umalis na.

Huwag niyong kalabanin ang mabait at matinong tao na gaya ko. Hindi niyo magugustohan.

“Gago HAHAHAHAHAHAHA. Priceless ng mukha ni Coleen. Sayang hindi ko na video!” sabi ni Ali at sabay sabay na humalakhak ang tatlo. Mga baliw.

“Tapos si Erich ang arte. Dami alam ampt HAHAHAHAHAHA!” si Jessa sabay mahinang hinampas ang balikat ni Erich.

Ang luka-lukang si Erich naman ay ngumisi at ang nag-flip hair. “Dapat lang sa kanya iyon ‘no. Akala ko kung sino makaasta e.” paliwagan ni Erich. Tumango naman ang dalawa‚ sumasangayon sa sinabi ni Erich.

“True. Reyna reynahan e.” aniya ni Ali. Tumingin naman agad sa akin si Jessa.

“Eshaaa. Pag-iinitan ka noon. Mag-ingat ka.”

“I don’t mind. Kaya ko naman lumaban.” sagot ko.

“Kahit na. Kilala mo naman tatay nun.” tutol ni Jess.

“Pareho sila ng ugali. Manang mana kaya mag-ingat ka pa rin.” sabat ni Ali

“Hayaan niyo. Nandito naman tayo tsaka hindi pababayaan ni Tristan ‘yan.” sabi ni Ali kaya naman nanahimik na ang dalawa hanggang makarating na kami sa classroom namin.

Living With Him Where stories live. Discover now