Chapter 6

36 3 0
                                    

“Class dismissed.” kasabay ng paglabas ni Ma'am ay siya ring pag-ingay ng mga kaklase ko. Pagkatapos ko kasing kumain kanina ay dumiretso ako dito tulad ng sabi ni Kuya. Ito na naman po tayo, palengke ulit.

‘Yesss!’

‘Gala tayo! Sino sama?’

‘Libre mo?’

‘Ano ka?walang libre libre ulol.”

‘Tanginamo kuripot!’

‘Alis nga, bwesit.’

‘Ano na? taraaa!’

“Eshaaaa!” sigaw ni Jessa habang papalapit sa akin.

“Isa ka pa, ang ingay ingay na e.” bungad ko sa kanya sabay batok.

“A-araaaaay! Masakit yun ah!”

Nagkabit balikat ako, “Talaga, Jesaa? May batok bang hindi masakit?” sarkasmong tanong ko.

Pinukol niya ako ng masamang tingin. “Aissh! Pasalamat ka, mahal kita.”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

“Aww! Thank you, be!” ani ko sabay takbo palabas. Nandon sina Erich at Ali, e.

“Tangina mo‚ Esha!” sigaw ni Jesaa.

“Labyuu, mareee!” natatawang sigaw ko pabalik.

Those three, the only bestfriends I have. Isa sila sa mga rason kung bakit pilit kong kinakalimutan ang lungkot ko at magpatuloy sa buhay. I am soo lucky to have them.

“Hoy! Tulala ka d'yan, tara na!” napatingin ako sa pwesto nung sumigaw. Yung tatlo, nasa hallway na habang sinisenyasan akong lumapit kaya tumakbo na ako papunta sa kanila. Yawa hindi man lang ako hinintay.

“So, san tayo?” tanong ni Erich ng makalabas kami sa gate. May usapan kasi kaming gagala ngayon kasi maaga naman ang uwian namin. Good timing lang at nagtext sakin si Yvo na mahuhuli rin siya ng uwi dahil may gagawin sila. Ewan kung asan niya nakuha number ko.

“Esha, di ka ba magpapaalam sa kuya mo?” tanong ni Ali kaya napatingin ako sa kanya.

“Sabi ko nga.” kinuha ko na ang cellphone ko.

To: kuya kong pangit.

Kuyaaa! Gagala kami nina Erich, ha?Promise uuwi ako agad mamaya sa bahay ni Yvo.

Sent.

Ilang segundo lang ay nagreply agad siya.

From: kuya kong pangit.

Oo sige. Umuwi ka ng maaga, ha? Magtatanong ako kay Yvo. Malilintikan ka talaga sakin pag gabing gabi kana umuwi.

Natawa nalang ako at tinago na ang cellphone ko. Mamaya nalang ako magrereply pag-uwi.

“Tapos na? Tara dun sa kanto, masarap daw barbeque dun.” aya ni Erich.

Nagkatinginan kaming apat saka sabay sabay na tumawa at tumakbo.

Barbeque here we comeee!

“Sarap!! Gago! balik ulit tayo roon sa susunod.” tuwang tuwang sambit ni Ali.

“Tanga ang takaw mo! Halos ubusin mo yung binibenta nilang barbeque.” singhal sa kanya ni Erich na ngumunguya pa.

Kakagaling lang namin dun sa kanto. Bumili at kumain kami ng barbeque dun. Well, tama nga si Erich, masarap yung barbeque dun HAHAHA.

“Oo! Balik tayo doon sa sabado o kaya sa ling--” napatigil ako sa pagsasalita ng napansin kong biglang huminto sa paglalakad si Jessa.

“Bakit, Jess?”

Nakatingin kasi siya sa isang direksyon habang nakakunot ang noo.

“Si Calix ba yun?” biglang tanong niya at nginuso ang tinitingnan niya. At dahil nga curious kaming lahat, sinundan namin ng tingin ang tinitingnan niya.

“Anak ng pating, be. Si Calix nga 'yan.” napatingin ako kay Erich dahil sa sinabi niyang iyon. Agad ko namang nakita si Calix sa isang gilid. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa pero nandoon siya. Mag-isa.

Gago, pag itong si Erich naging marupok ulit ewan ko nalang. Sasampalin ko iyan kung magpapauto na naman kay Calix. Andaming palusot e huling huli na sa akto. Umiling na lang ako at bumaling kay Erich. Naabotan ko siyang nakatingin sa direksyon kung nasaan si Calix.

“Gusto mo puntahan? Go.” sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tumaas naman kilay niya. “Ulol be, doon siya sa Kali niya, hindi na ako marupok‚ duh.” aniya ng gaga sabay flip hair. Taray. Parang hindi lang naging uto uto kay Calix noon.

“Halaaa, si Erich ba talaga yan?” Ako.

“Baka sinapian, be?” Jessa.

“Balita balita sa radio'ng sira, si Erich ay hindi na marupokpok!”

Sabay sabay kaming natawa at tumakbo dahil sa sigaw na iyon ni Ali. Potangina mga baliw HAHAHAHAHA.

“Unahan tayo! Kung sino ang huling makarating sa park, manglilibre ng barbeque sa sabado!” sigaw ko sabay takbo ng mabilis.

“Aba! Hoy tanginamo Esha!”

“Ang daya hoy!”

“Balik dito, Eshaaaa!”

Rinig kong sigaw ng tatlo pero hindi ako sumunod.

“Bagal niyo! Habol!” sigaw ko habang tumatakbo. Marami na ang nakatigin sa akin/sa amin pero wala akong pake alam, duh buhay ko 'to. I'm born to express, not to impress. Tsaka sayang ang libreng barbeque!

Woaaaah! May libreng barbeque ako sa sabadooo!

Living With Him Where stories live. Discover now