Chapter 19

41 1 0
                                    

Pagkatapos ng dramahan namin ni Kuya kanina ay nagpasya siyang magluto ng tanghalian namin. Nakaupo ako ngayon sa upuan na nasa mesa habang siya naman ay abala sa pagluluto. Tahimik lang kami hanggang magsalita siya.

“Erich texted me earlier, hindi ka daw pumasok kahapon at hindi ka nagrereply sa mga text nila.” aniya habang nasa niluluto pa rin ang atensyon.

Oo nga pala. Hindi ako nakapagpaalam sa kanila tapos hindi ko rin sila na-text kanina.

“Anong sinabi mo?” tanong ko dito.

“Sabi ko biglang sumama ang pakiramdam mo kahapon kaya hindi ka nakapasok.”

Kumunot ang noo ko. “You think naniwala sila?”

“Oh come on, sis,” humarap siya saakin at mahinang natawa. “You think I can fool your friends? They know you that much para hindi maniwala sakin.”

Sumimangot ako dahil sa sinabi niya. Akala ko naniwala na sila dahil tumawa siya amp.

“And about Coleen and her father, your friends knows it. They even cussed Coleen to death.”

Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Kuya. Mga baliw talaga.

“I prefer seeing you laughing than crying.” kuya suddenly uttered that make me face him.

He's smiling while staring at me. Grr?

“S-stop staring me, kuya!” Tumawa lang siya at binalik na ang tingin sa niluluto niya.

“Food is ready. Go get some plates and prepare the table.” he commanded na agad ko namang sinunod.

Nakakamiss kayang kumain dito sa bahay.

“Oh I forgot, punta ka daw sa park mamaya. Barbeque party I guess, Ali's treat.”

Nakalimutan ko, may libreng barbeque pala ako ngayong araw! Remember the race?si Ali ang natalo HAHAHA.

“Buti naalala mo, nawala sa isip ko e.” ani ko at sumubo ng pagkain. Masarap talagang magluto si Kuya pati si Yvo, ano kaya sekreto ng mga ito?

“Sis, wala ka namang isip e, magugulat pa ba ako?” aniya ni Kuya at tumawa pa ng malakas.

Sinamaan ko siya ng tingin. Gago porket mabait ako ngayon, ginaganyan na ako.

“Che! Kaya hindi ka nagugustohan ni Ali e, baliw ka.”

Agad siyang napatigil sa pagtawa dahil sa sinabi ko. Akala siguro niya hindi ko alam‚ opo may gusto si Kuya kay Ali.  Perfect combination, baliw at siraulo.

“W-what are you saying? What's with Ali? Aish.” tanong niya pa at nag-iwas ng tingin kaya ako naman ang tumawa. Pay back time.

“Don't deny it na kasi. Sabay tayong lumaki‚ I know you, sa akin ka pa ba magtatago? tsk tsk.”

Nakita kong namula ang tenga niya kaya mas lalo akong natawa, goshhh.

“J-just shut up and eat, will you?”

“Yoko. Ikaw kuya haa!”

“S-shut up!”

“HAHAHAHA Ali pala ha,”

“Sabing wala nga akong gusto don!”

“Oh talaga? Bakit namumula tenga mo?”

Nag-iwas na naman siya ng tingin kaya natawa ulit ako.

“W-wala nga akong gusto don. Kumain ka na nga!”

“Wala daw chuchu.”

“Eshaa!”

Living With Him Where stories live. Discover now