Chapter 7

91 7 0
                                    

Amethyst's POV

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko nang biglang tumunog ang tyan ko. Kakatapos ko lang kumain gutom na namam ako.

Hindi naman ako ganito dati eh. Siguro dahil konti lang yung kinain ko kanina.

Bwiset kase yung dragon na yon kung ano ano tinatanong. Daig pa yung nag-iinterview sa mga news tv.

Kaya dali-dali akong bumangon at kinuha ang wallet sa bag ko. Binuksan ko ang pinto at tsaka lumabas.

Patakbo akong bumaba ng hagdan, nadatnan ko pang nasa salas si mama habang nanonood ng kdrama.

"Oh nak saan ka pupunta?"tanong niya pero hindi ko ito pinansin.

Derediretso lang akong tumakbo hanggang sa makalabas ng bahay.

Sa seven eleven nalang ako bibili ng pagkain. Ito lang naman ang malapit dito sa bahay kaya nilakad ko nalang.

Nang makarating ako dito sa seven eleven ay pumili na ako ng bibilhin ko.

Nang makapili na ako ay dumiretso na agad ako sa cashier para magbayad.

Lalabas na sana ako nang makita ko si kaizer na nakaupo mag-isa sa tabi ng malaking glass wall. Nilapitan ko ito at gulat naman itong tumingin sakin. Tumawa naman ako dahil sa itsura nito nang makita ako.

"Bakit nag-iisa ka?"tanong ko sabay upo sa harap niya.

"Hahaha Wala trip kolang."sabi nito habang tumatawa.

Kahit kailan talaga walang kwentang kausap to. Ang tino tino ng tanong ko tapos isasagot trip kolang?

Gago bato, kung hindi lang to lalaki kanina kopa to sinabunot.

Hinampas ko ang braso nito at hinimas naman niya ito. Deserve mo.

"Ang tino tino ng tanong ko tapos trip kolang ang isasagot mo. Naka shabu kaba?"sabi ko habang naka kunot ang noo. Tinawanan naman ako nito na lalong kinainis ko.

"Sorry naman, naisipan kolang magkape dito. Tinatamad kase akong magtimpla sa bahay."

The fck? Pati pagtitimpla ng kape tinatamad pa? Mambabae hindi?

"Ikaw bakit ka nandito?"tanong niya.

"Bumili lang ng pagkain."

"Weh? Baka naman alam mong nandito ako kaya pumunta karin dito kase gusto mong makita tong gwapo kong muka?"hinampas ko siya sa braso at umiwas naman ito.

Agang-aga lumalabas na naman ang pagka ashumero niya. Alam ko namang gwapo siya pero hindi na niya dapat yon sinasabi kagaya ko.

Maganda po ako! Hindi niyo lang ako makita hehe.

Bakit ba kase to pinanganak na  ashumero? Gusto kona tuloy itong ipadala sa psychiatrist eh baka kase may tama sya sa utak, kaya kung ano ano sinasabi.

Swerte nalang dahil hindi ganyan ang kuya ko. Pero minalas naman dahil sa ugali nitong mala dragon.

Hays hindi naman siguro araw araw nirerelga non no? Jwk lang hindi naman nireregla ang lalaki.

Ay shunga!

"Alam mo wala namang bagyo pero parang ang lakas ng hangin. Ramdam moyon?"

"Huh? Di kita gets."ay dapat ko pa ba iexplain para magets niya? Shunga talaga to kahit kailan.

Nanggigigil ako. Gusto kong manapak ng tao. Yung kaliwa at kanan sana para mas bet.

Ihampas ko kaya sa kanya tong lamesa para naman magising sya sa katotohanan.

The Only Girl In Section D Where stories live. Discover now