Chapter 14

61 4 0
                                    

Amethyst's POV

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniisip yung sinabi nung mystery guy na yun.

Hayst ang gulo gulo na nang isip ko. Bat ba kase ganon yun? Ano bang gusto niyang sabihin? Ano ba dapat ang kailangan kong malaman na sinasabi niya?

Hindi kaya manloloko lang yun at gusto lang makalapit sa akin kaya gumawa lang ng paraan?

Pero sa mukha niya, parang hindi naman niya kayang gawin yun.

"Are you okay?"tanong ni kuya habang nagmamaneho.

Tumango lang ako habang nakatingin parin sa labas ng bintana.

"I'm sorry, kung nagkamali ako. Hindi ko nalang sana tinanong kung boyfriend mo yun."the heck?

Anong pinagsasabi niya!! Huhuhu. Hindi naman kase yun yung iniisip ko eh.

"Hindi yun. May gumugulo lang sa isip ko."saad ko habang nakatingin sa kaniya.

Tumingin naman ito sa akin at agad ding tumingin sa harap.

"Tell me kung ano'ng gumugulo sa isip mo baka sakaling makatulong ako."saad nito at sa harap parin ang tingin.

Bumuntong hininga naman ako at binalik ulit ang tingin sa labas. Ewan koba kung sasabihin ko oh hindi. Kase parang may pumipigil sa akin na hindi ko sabihin.

Sasabihin koba?

Hayst wag nanga lang!

"Wala next time ko nalang sabihin."

"I won't force you if that's your decision."saad nito at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

Tahimik nalang akong tumitingin sa labas at napatingin ako sa mga matatayog na mga gusali.

Saan kaya kami pupunta?

Lumiko si kuya sa kanan at pumasok sa loob kung saan nandon ang mga naka parking na mga sasakyan.

Huminto naman ang kotse pagkatapos naming mag-park. Tinanggal ko ang seat belt ko bago ako lumabas.

Sinundan kolang si kuya kung saan siya pupunta at tumapat ito sa elevator at pumindot at tsaka pumasok. Sumunod narin ako, alM niyo na baka maiwan.

Ang sakit pa namang maiwan. Ay charotttt.

Nang makarating na kami sa 26 floor at lumabas na kami nang elevator at luminga linga naman ako sa paligid.

Wow parang mall lang. Ang dami kasing mga nagtitinda ng mga mamahaling gamit.

Parang mall lang talaga ang peg.

Lumapit ako sa isang malaking glass wall at kitang kitang dito yung mga naglalakihang building's sa labas. Tumingin naman ako sa baba at parang malalaglag ang puso ko nang makita kung gaano kataas ang building na pinuntahan namin.

Grabe yung mga kotse parang mga laruan lang. Jusko po paano kapag tumalon ako dito, mamatay ba ako?

Huhu syempre naman jane, ano kaba.

Hayst makaalis na nga. Lumapit ako kay kuya habang may kausap ito sa phone. Binaba naman na niya ito pagkatapos ay lumakad ito paalis at pumasok sa isang mamahaling store.

Pumasok nadin ako at napa wow nalang ako nang makita ang mga magagandang damit. Hinawakan ko ang isang damit sa harapan ko at tinignan ang presyo nito.

Anak ng ipis! Ganto kamahal? 2,679

Binalik ko nalang ito sa pinagkuhanan ko at baka masira kopa. Magbabayad pa ng wala sa oras.

Pumunta naman ako sa kinaroroonan ni kuya habang pumipili ng mga dress.

The Only Girl In Section D Where stories live. Discover now