Chapter 48

1.1K 57 45
                                    

Third Person's POV



Pagkarating nila sa bahay ay walang tao puro maids lang. Marahil nasa trabaho pa ang mga ito. Hinila ni Karylle si Stephanie patungo sa garden. Naguguluhan man ay hinayaan na lang sya ni Stephanie.


" We need to talk! " Seryosong sabi ni Karylle kay Stephanie.


" a-about what po? " Tanong ni Stephanie


" about you, me and the family. Wait me here. May kukunin lang ako sa kwarto. Wag kang aalis dyan " Seryosong sagot ni Karylle.


Tumango na lang si Stephanie bilang pagtugon kay Karylle kahit wala syang idea sa pag uusapan nila. Iniisip nya na baka paalisin na sya since hindi naman sya kaano ano ng mga ito.








" What are you doing here? Akala ko naglayas ka na ulit! Bakit andito ka pa? " Agad na napalingon si Stephanie sa pinanggalingan ng boses na narinig.


" What do you want? " tanong ni Stephanie sa babae.


Si Sophia Claire Gomez. Ang tunay na anak ng tinuturing nyang Mommy, Ang Tunay na Samantha Gabriella Tatlonghari ang dahilan kung bakit labis syang nasasaktan ngayon.




" I. Want. You. Out. Of. Our. Lives! " madiing sagot ni Sophia


" I didn't do anything. So please? Ayoko ng gulo. Leave me alone. " kalmadong sagot ni Stephanie.


" Ayaw mo pala ng gulo? Bakit ka andito? Dapat umalis ka na lang! " Inis na tugon ni Sophia.


" Ng dahil sayo di ako pinapansin at tanggap nila Tita Zia and Tita Coco!  " sumbat ni kay Stephanie.


" As I've said I didn't do anything! They don't like you because they think that you are fake! " Sigaw ni Stephanie.


" I'm not fake! They don't like me because of you! Pinaniniwala mo sila na ikaw ang Samantha kahit alam mo sa sarili mo na ako naman talaga ang tunay na Samantha! Ang tunay na anak ni Mommy! Mang aagaw ka kase! Inaagaw mo silang lahat ng sakin! Ikaw ang fake! Sampid ka lang sa pamilya namin kaya lumayas ka na! Hindi ka naman namin kaanoano " ganting sigaw rin ni Sophia.


Parang nabuhusan ng isang baldeng malamig na tubig si Stephanie sa narinig. Tama sya, sampid lang ako sa pamilya nila.


Sa halip na sumagot ay tumalikod na lang si Stephanie at naglakad palayo dahil ayaw nya nga ng gulo ngunit. . .





" Hindi pa tayo tapos! Wag kang bastos! Kinakausap pa kita! " Sigaw ni Sophia at hinigit ang braso ni Stephanie paharap sa kanya.


I Love You Mommy KURBA | Karylle Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon