Chapter 1

38 2 0
                                    

Suwail. Bulakbol. Adik. Walang kwentang anak. Yun ang taguri sa akin ng Daddy kong perpekto. Bawat galaw, salita, ayos, dapat lahat naaayon sa kanyang kagustuhan. Dapat kaaya-kaaya sa kanyang paningin. In short; he wants me to be a robot. Yung sumusunod sa bawat utos niya. But I am a rebellious unica iha. Kaya halos isumpa niya ako na ako ang naging anak niya.

"Are you not going to ask anything about him?"

"Its not necessary Dad." inabot ko sa kanya ang dokumento matapos iyon pirmahan lahat. "Kailan ako lilipat sa bahay niya? Ako lang ba mag-isa doon?"

"Madaling araw ang alis niya papuntang Afghanistan. You can move in there tomorrow. Twice a week pumupunta sa bahay ni Ralph ang tagalinis niya kaya mag-isa ka lang doon."

"Great." tumayo ako saka walang pasabing iniwan sila.

"Where are you going? Pupunta ngayon dito si Ralph--"

"Hindi ko kailangan humarap sa kanya." sabad ko. "Pinirmahan ko naman na ang mga dokumento at pumapayag ako sa kondisyones niya. Walang rason para paghigpitan niyo pa ako."

"'Wag mong sabihin sa akin na makikipagkita ka pa rin sa sanggano mong boyfriend!" I was halted. Nilingon ko sila. Galit na mukha nito ang sumalubong sa akin. "I'm warning you, Naila. Kapag pinahiya mo ako--"

"Aren't I deserve to celebrate? I just got married, Dad. Meaning wala na akong boyfriend. Rest assured; will stay faithful with my husband till its over."

Nagkatinginan sila ni Mom saka ngumiti. "You did a right choice sweetheart. Ralph is a very good man. I'm sure you will like him. And your mom and I hoping that your marriage with him would last forever."

"It's just a marriage for convenience. Don't hope too much for it. A marriage without love is like a sun without a sunshine. It's pure business, Dad. Kinailangan niya ng instant wife para makuha ang mana sa abuela niya at ako kailangan mo para sa kompanya mo."

"Mapupunta sa mga Charity Foundation ang ari-arian ng Lola niya kung hindi niya gagawin iyon. Tsaka--"

"I don't know him," agap ko sa kanya. "At hindi ako interesado sa kanya." sabay layas.

"Naila..." narinig ko pang tawag nila sa akin pero 'di ko na sila pinansin pa.

Nakipagkita ako sa mga kaibigan ko. Tumambay sa Condo Unit nila. Kinagabihan nagyaya ako mag bar hopping.

"Naila, si Dwight kasama si Debbie." pasigaw na wika sa punong tainga ko ng kaibigan kong si Georgette dahil sa lakas ng tugtog.

Nasa gitna kami ng dance floor. Sinundan ko ang tinuturo niya sa akin. Kumirot kaagad ang puso ko sa aking nakita sabay iwas ng tingin ng tumingin sa gawi namin ang dalawa na sweet na sweet na nag-order ng inumin sa counter.

"Balik na tayo sa table,"

"You ok?" habol nito sa akin.

"Yeah,"

"They're here."

Salubong ng iba ko pang mga kaibigan na nasa table namin. Nakatingin sa gawi ng ex-bf ko na tila sawang pinupuluputan ni Debbie.

"Just tell us the password baby, we're ready to rumble."

"Will punch that leech to death."

I chuckled. "I don't want to lower myself to her level guys. And I don't want to make a scene here either so just leave them alone."

Inabot ko ang bagong lapag na tequila shots ng kaibigan ko saka nilagok ang tatlo niyon. Umikot ang paningon ko bigla. I composed myself then excuse to them.

"Hey, you ok?"

"Where are you going?"

"Are you drunk already?"

Broken Vow: Spy Series 4 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon