Chapter 14

734 49 8
                                    

Warning: Unedited po ang chapter na ito. Kayo na po ang bahalang umintindi. Thank you!

~

Nadine's POV

"Nadine Gonzales!!!!"

"Oh?"

"Nadine Gonzales!!!"

"Oh?---- Sino ba yun?"

May bumabanggit sa pangalan ko pero hindi ko makita kung sino 'yun.

*boink*

"Aray!"

"Hahahaha! Ano? Masakit ba? Hahahahaha!"

"Sino ba kayo? Ano bang ginawa ko sa inyo para mambato kayo ng bola?"

"We're your Worst Nightmare kaya wag na wag mong lapitan si James! Akin lang siyaa!"

"San ba kayo at nang masakal ko kayo ng napakabonggang-bongga!"

"Aba! Tinakot mo kami? Tumingin ka sa taas!"

Tumingin ako sa taas, langit lang naman 'yung nakita ko. M-multo ba sila? D-di naman ata.

"Tumingin ka sa gilid."

*splash*

*boink*

*splash*

"Hahahahahahahahaha 'yan ang bagay sa'yong nerd ka! Hahahahahahaha! Wag 'kang umasa na maging sa'yo si James ko!"

Nagbabalik ang Mean Girls. Sina Brenda the Bruha,Lyca the manok,at si Anne. At may gana pa talaga silang balikan ako ngayon,huh? At,sino? Si James? Aagawin ko? Hah, sorry na lang sila kasi si James na mismo ang nagsabing gusto niya ako.

"Tama na nga! Wag nga kayong mangarap! Hindi kayo mahal ni James,okay?"

"Ikaw ang huwag mangarap! Napaka-ambisyosa mo,Gonzales! Ambitch frog!"-Anne

" Tumigil ka nga,Anne! Itikom mo 'yang malaking bunganga mo baka makain ako niyan!"

Wala pa rin silang tigil sa pagsampal,sabunot,at pagtapon ng juice sa'kin. Wow! Yun lang ba talents nila? Sabagay....

"Hoy Gonzales! FYI, hindi malaki ang bunganga ko! Wag mong ikumpara 'to sa mukha mong cheap! Hindi ka marunong magpaganda sa sarili mo! Mahiya ka sana!"-Anne

" Wag na wag mong akitin o angkinin si James kasi hindi naman siya iyo. Hindi kayo bagay! Mayaman at magaganda ang mga type niya, katulad ko, kaya wag mo siyang lapitan!"-Brenda

"For your information Brenda, hindi ako ang lumapit kay James! Kusa siyang lumapit sa'kin! Inggitera kasi kayo!"

*splash*

*pak*

*splash*

Sa totoo lang, nasasaktan na talaga ako. Ba't ba kasi mukhang aso 'tong tatlo na 'to? Palaging sunod ng sunod sa'kin. At 'yung mga sinabi ko? Totoo 'yun. Walang halong kasinungalingan. Si James naman talaga ang lumapit sa'kin at hindi ako. At totoong gusto ko siya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo,mayaman,mabait,mapagmahal,at gentleman. Siya na siguro ang forever ko.

Wala bang tutulong sa'kin dito sa gilid ng ilog kung saan ako inaway ng MG?

Saan na ba sina Chad? Si Yasmin? Si James?

"Ano?! Tapos na ba kayo? Pwede na ba akong umalis?"

"Hindi pa pwede,Gonzales!"-Lyca

" At bakit naman?"

Nerd Girl's Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon