Dalawang buwan matapos ang binyag ni Aderinne. Masaya naman at walang ginawang masama si Jerick sa anak ko. Alam kong mali ang pag-isipan siya ng masama, pero may kung ano talagang kakaiba sa mga tingin niya.
"Lalim naman ng iniisip ng asawa ko." natatawang sabi ni Yanji. Agad ko siyang nilapitan an hinalikan ang kanyang noo.
"Grabeng pagka-miss yan! Bumisita lang ako sa kompanya, tapos ganyan ka na?"
"Oo. Ikaw kasi, e. Iyak pati nang iyak si Aderinne."
"Bakit? Asan pala ang Nicole ko?"
"Hinahanap ka. Andon sa kwarto niya, naglalaro sila ni ate Lenna."sagot ko.
"Bakit sa'n ka galing?" tanong niya.
"Nag-cr ako."
"Sige, puntahan ko muna." paalam niya sa'kin.
Yanji's pov
"'Te?" tawag ko kay ate Lenna. Nakailang tawag na ako kay ate Lenna pero hindi pa rin sumasagot. Naka-lock din ang pintuan ng kwarto kaya hindi ako makapasok.
"Ade, asan si ate Lenna?" tanong ko sa aking asawa.
"Nandiyan sa kwarto. Bakit hindi kapa pumapasok?"
"Naka-lock, e, wala ring nasagot."
"What?!"
"Tingnan mo sa labas ng bintana!" bigla akong nakaramdam ng kaba. Agad siyang lumabas para tingnan sa labas ng bintana.
Hindi pa rin ako tumigil sa kakatawag sakanya. I don't know... But I'm feeling nervous.
Agad kong napansin ang galit na mukha ni Aden. "Oh fvck!" galit sa sabi niya.
"W-what happened?"
"Wala si ate Lenna pati na rin si Aderinne!"
"W-what?! No!!"
Puta- Lenna!!! I knew it! Mayaman siya, at parang... May kakaiba sakanya. Bakit siya nag-appy kung mayaman siya diba? Siguro ay pinlano niya ito. Bakit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin noon?!
"Gagong Lenna 'yan! Hanapin na natin ang anak mo!" galit na sabi ng isang kasambahay namin.
Hindi ko mapigilang maiyak. Ang anak ko ay nawawala. Sigurado akong pinlano ito ni ate Lenna!
"I called the police. Nahanap ko na si Lenna.... P-pero, si A-aderinne, hindi..."
"N-no! Please, hanapin niyo siya! Ang anak ko!"
Umalis na muna si Aden at naiwan akong nakatunganga. I can't believe this! She's unbelievable. Ate Lenna is so fucking unbelievable. Paano kung mangyari ito anak niya?
"Sumama ka sa'min, Yanji." sabi saakin ni Aden. Hindi okay ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang bigat at sakit.
"H-hindi ko kaya, Aden. Ikaw na lang.. Ikaw na lang-,
Aden's pov
Putangina! Kung kailan pa nawawala ang anak namin saka naman siya hinang hina! What the fuck!
Dinala ko sya sa hospital at hinayaan nalang. I want to see my baby Aderinne.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng galit kay Yanji. Sobrang natataranta kaming lahat habang siya ay naka-higa lang sa kama at walang malay. I know it's wrong na ganyanin ko siya, pero hindi ko alam kung bakit ko ito naramdaman.
Naglalakad ako papuntang parking lot nang tumunog ang phone ko. "Hello?"
Panimula ko."Sir Aden! Si Lenna hindi umaamin kung saan niya dinala ang bata!"
"Papatayin ko 'yang hayop na'yan! Pagbabayaran niya ang pagkawala ng anak ko!"
Pinatay ko ang tawag niya. Pumasok ako sa aking sasakyan at hinampas ang manibela. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung ano ba talaga at kung paano niya iyon nagawa.
Yanji's POV
Nagising ako. Hindi ko alam kung bakit hindi pamilyar ang lugar na ito. Naalala ko ang nangyari kanina- nahimatay ako!
Hindi ko alam ang gagawin ko. Alas diyes na ng gabi nang mabalitaan kong nakatakas si Lenna. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang natulungan si Aden kanina.
"Ma'am, gising na po pala kayo." bungad saakin ng isang nurse. Tumango lang ako at saka nginitian siya.
"Ah.. Miss? Pwede ko po bang matanong kung sino ang nagdala saakin dito?"
"Aden Jones daw po." sagot niya.
"Okay po. Uh-pwede ko rin po bang malaman kung anong nangyari saakin? Bakit ako nahimatay at saka," napatigil ako sa pagsasalita ng maalala kung anong nangyari saakin noong mga nakaraang araw.
Flashback
"Ade, p-parang nahihilo ako." mahinang sabi ko kay Aden habang naka hawak sa headboard ng kama at sa ulo ko.
"Why? What happened? A-are you okay?"
Gusto ko sanang sabihin pa ang iba ko pang nararamdaman ngunit isinawalang bahala ko na lamang ito.
Noong mga nakaraang araw ay madalas akong makaramdam ng pagkahilo at para bang mabibiyak ang aking ulo. Hindi ko na lamang to pinapansin dahil wala akong oras na i-check ang sarili ko dahil paraming bumibisita sa art galleries ko at ganoon rin si Aden sa mga librong kanyang ginawa. Maraming nagpapa pirma sakanya kaya palagi siyang pagod sa maghapon. Naisipan niyang magbigay na lang ng freebie sa mga bumibili ng libro niya sa bookstore kaya buong gabi niyang ginawa ito.
Nakaupo ako sa gilid ng aking coffee shop habang kumakain ng cheesecake at umiinom ng mainit sa kape. Naubos na ito kaya tumayo na ako para ilagay sa kusina ang ininuman ko ng kape at lalagyan ng cheesecake. Bigla akong nakaramdam ng pagka hilo.
End of flashback
"A-ah! Kumikirot ang ulo ko!" mahinang sabi ko habang naka-hawak sa aking ulo.
"Miss, inumin niyo po ito."
BINABASA MO ANG
Strokes of Love:
RomanceYanji Guttierez lived a quiet and peaceful life. She was a talented painter who found solace in the strokes of her brush. One sunny afternoon, she decided to take a break from her studio and wandered into a local café to enjoy a cup of coffee. At a...