TWIST # 13: Accepting the Dare

5 0 0
                                    

TWIST #13: Accepting the Dare

Blance's POV

Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng aking naging desisyon pero wala ng bawian.



Kailangan ko na itong panindigan.



*Flashback*



Nilapitan ko si Jay-r na nakatitig sa fountain.



Hindi sya lumingon nung nasa tabi na nya ako.



Hindi ko alam kung bakit nakuha ko pa syang lapitan kahit na alam kong nasa hospital na si Mama.



"Ang ganda ng fountain na yan ano?" wala sa sariling tanong ko.



"Marami pang mas maganda sa fountain na ito. Pero ito ang pinakamaganda sa akin dahil sa alaala nito. Nagiging maganda ang simpleng bagay sa paningin natin dahil sa naidulot nito sa atin," sagot nya.



Ito na ata ang pinakamahabang salita nya sa akin.



Suminghap sya at umalis.



'Kailangan mo talaga ng tulong.'



Umalis na ako sa university at nagtuloy na sa hospital.



*End of Flashback*

 

 

 

"Saan po dito yung room ni Mrs. Kazuya?" tanong ko sa information desk.



"Sa room 223 ma'am," sagot ng nars na naka-assign doon.



"Salamat!" wika ko saka umalis.



"Ma! Anong nangyari sayo? Kumusta pakiramdam mo?" sunud-sunod na tanong ko ng makapasok na ako sa kwarto nya.



Mag-isa nya lang sa kwarto kahit na dalawang kama ang naroon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twist of Fate [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon