-Matt's POV-
Nagising ako kinabukasan habang mahigpit na niyayakap ang aking unan. Tinangnan ko ang aking alarm clock sa ibabaw ng mesang malapit sa aking higaan para i-check ang oras at baka ma-late ako.
"6:15", sambit sa aking sarili na pakurap-kurap pa ang mga mata dala ng matinding tulog. May pumasok bigla sa aking isipan. "6:15 na!", natataranta kong sambit at hindi ko nalang namalayan sa kung papaanong paraan ako naka-alis agad mula sa aking higaan.
Nagmamadali akong bumababa sa hagdanan habang nakasabit ang tuwalya sa aking balikat. Nang makababa ako'y nakita ko si Wilson na nakasuot na ng uniform, masayang kumakain ng almusal.
Nagmamadali akong napaupo sa tabi niya. Napangiti ang kolokoy dahil napansin sigurong natataranta ako. Seryoso ko siyang tinitigan na parang natutuwa pa habang ginagawa ko yun. Maaga pa't nang-iinis na.
"Bakit?", nagtataka kong tanong sa kanya habang pilit na nilulunok ang laman ng aking bunganga. Napangiti ulit siya.
"Wala. Parang ang sarap kasi ng tulog mo kaya tinanghali ka nang gising. Ang ganda siguro ng panaginip mo. Ang higpit nga nang yakap mo sa unan mo. Tapos, ang sabi mo pa...Nicole, Nicole..."
Tumawa siya ng malakas. Napaisip ako bigla.
"Sandali Wilson, lumabas ba ko kagabi?", tanong ko sa kanya habang naka-kunot ang noo dahil sa tono ng kanyang pananalita, parang sinasabi niyang nanaginip lang ako kagabi.
"Wala", sabay bitaw ng pa-insultong ngiti. "Saan ka naman pupunta? Diba, pagkatapos maghapunan, eh, natulog na tayo agad."
Nagulat ako sa sinabi niya. Malapit ko nang mabitawan ang kutsara't tinidor sa aking mga kamay. Pinawisan ako bigla at parang gusto kong magwala dahil sa mga narinig ko.
"HA?!", pagulat kong sagot. Napatigil akong bigla sa aking pagkain. "Ibig sabihin...."
Tumawa siya nang malakas. Tinitigan niya ulit ako na tila naghahamon ng asaran.
"Alam mo kuya, ang sarap mong asarin", sabay tawa nang malakas.
Lumapit si Inay habang dala-dala ang isang baso ng gatas para sa'kin.
"Wilson, huwag mo na ngang binibiro ang kuya mo nang ganyan", paalala ni Inay sa kanya.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagtawa nang malakas na parang walang narinig.
"Diba, nag-group study kayo nila Nicole kagabi", pangiting sabi ni Inay na ipina-alala sakin kung ano ang nangyari.
Ito talagang si Wilson, parang si Patrick kung mang-asar.
"O ano kuya, sinagot ka naba ni Nicole?", tanong niya habang namumula pa ang mukha dahil sa sobrang tawa.
"Ha? Wala ah? Eh, hindi naman ako nanliligaw. At isa pa, parang hindi naman ako sasagutin ni Nicole kung saka-sakaling ligawan ko siya."
"Eh, TORPE ka kasi", pabulyaw na sagot niya.
"Huwag mo akong sisimulan sa usapang torpehan", pabiro kong banta sa kanya.
Natigilan siya bigla. Saglit akong may naalalang sabihin sa kanya.
"Alam mo bang may sinabi si Nicole tungkol kay Erlyn?", panimulang asar ko sa kanya. Para makaganti sa pang-aasar niya.
Napansin kong wala siyang imik.
"Ahemm...ang sabi ko, may sinabi si Nicole tungkol kay ERLYN!"
Wala pa rin siyang imik. Nag-aarteng walang narinig. Saglit kong naalala na natatameme pala siya pag naririnig ang pangalan ni Erlyn. Hahaist! Palabiro at pala-asar itong kapatid ko pero isang pangalan lang pala ang makapagpapatahimik sa kanya.
BINABASA MO ANG
This Love's Complicated
JugendliteraturMahal mo. Hindi ka mahal. Mahal ka. Hindi mo naman mahal. This makes love COMPLICATED. Wala na atang mas sasakit pa na makita mong may mahal ng iba ang mahal mo. Yan ang complicated love story nina Matt, Nicole at Carlos. Matt loves Nicole yet Nicol...