KABANATA 8: Ang Ugat at Puno't Dulo ng Lahat

35 2 0
                                    

-Matt's POV-

Kitang-kita ko sa mga mata ni Nicole ang tuwa't saya sa pagbabalik ni Carlos. Naging matalik ko siyang kaibigan noon pero magkahalo ang aking naramramdaman sa kanyang pagbabalik.

Sa kabilang banda, hindi ko maikakailang mabait si Carlos na siyang naging dahilan nang paghulog ng loob ni Nicole sa kanya kahit noon pa man.

**FLASHBACK**

Nung una palang, naging maganda na ang takbo ng aming pagkakibigan ni Nicole nang...

"Mattoy, may ipapakilala ako sa'yo", tawag-pansin ni Nicole na nooy ngumingiti habang ako naman ay nakaupo sa ilalim ng punong mangga kung saan kami palaging nagkikita. Kasama niya ang maputing batang patpatin na singkit ang mga mata. Napatingin ako sa kanila.

"Ako pala si Carlos. Tulad ni Nicole, kalilipat lang din namin malapit sa bahay ninyo", pagpapakilala ni Carlos na noo'y napaka-inosente ng mukha. Napatayo ako upang makipagkilala.

"Ako nga pala si Matt. Pwede mo din akong tawaging Mattoy gaya ng tawag ni Nicole sa akin", nakangiting sagot ko.

"Nickay nga pala ang tawag sakin ni Mattoy. Simula ngayon, Caloy nalang ang itatawag namin sa'yo. Okay ba yun Caloy?"

"AYOS!", tuwang-tuwang sagot ni Carlos.

Lumipas ang mga taon na kami ay masayang nagkasama. Sabay sa lahat ng mga bagay lalong-lalo na sa mga kalokohan at masasabi kong napakalapit namin sa isa't-isa. Parang tunay na magkakapatid ang turingan naming tatlo.

Nagsimulang magbago ang lahat nang ako ang naging tulay at sumbungan ng mga tagong nararamdaman nina Nicole at Carlos sa isa't-isa. Palihim na sinasabi sa'kin ni Nicole ang kanyang naramramdaman kay Carlos. Gayundin si Carlos para kay Nicole.

Sa mura kong isipan, masasabi kong nahulog na rin ang loob ko kay Nicole. Ngunit, hindi ko maaaring ipagpalit ang aming pagkakaibigan lalong-lalo na kay Carlos. Napakalaki ng utang na loob ko sa pamilya ni Carlos. Ang mga magulang niya ang nagsalba sa mga nalulugi naming negosyo noon. Kaya nga, hindi ko maaaring saktan si Carlos kahit na masakit para sa akin ang malamang nagkakahulugan na sila ng loob.

Nagpatuloy ang mga tagong pag-ibig namin sa isa't-isa. Mahal ni Nicole si Carlos. Mahal ni Carlos si Nicole at ganun din ako ngunit hindi ko kayang saktan si Carlos.

Makalipas ang limang taon, nag-desisyong magpaalam si Carlos. Lilipat na sila sa Maynila para doon na mamuhay. Pero bago pa man siya umalis, kinailangan kong mangako sa kanya na aalagan si Nicole para sa kanya. At ang pinakamabigat na pangako na HINDING-HINDI KO LILIGAWAN si Nicole.

Magmula nang umalis si Carlos, nagbago ang lahat sa amin ni Nicole. Hindi na siya palaging sumasama sa akin para maglaro kahit anung pilit ko. Dinamdam niya ang pag-alis ni Carlos.

Ngayon, ang dating Nicole ay nakita ko ulit sa muling pagbabalik ni Carlos.

**END OF FLASHBACK**

"Mattoy, nakikinig ka ba?", tanong ni Carlos na kanina pa ata ako tinatanong. Nahinto ako sa pag-iisip nang mapansin siguro ni Carlos na nakatanaw ako sa kawalan.

"Ha? Ano yun? Hindi kita narinig", paki-usap na sagot ko.

"Ang sabi ko, kumusta na? Parang ang laki ng pinagbago mo. Ibang-iba ka sa Mattoy na kilala ko noon. Siguro may nililigawan ka na? Kwento ka naman", pagpupumilit niya.

"Ah. Eh..."

Siniko ako nang palihim ni Patrick na parang kanina pa may gustong sabihin sa'kin. Agad akong nag-isip ng isasagot ko.

"Wala. Kasi kailangan kong i-maintain ang scholarship ko. So, kailangan kong mag-aral nang maayos. Mahirap na", palusot na sagot ko sa kanya.

"Ganun ba. I'm sure, maraming nanliligaw dito kay Nickay", pagbibiro niya sabay lipat-tingin kay Nicole.

Siniko ako ulit ni Patrick nang palihim na parang gusto akong sigawan "BRO, FIRST BASE NA SIYA!". Nalipat naman ang atensiyon ko sa naging sagot ni Nicole.

"Wala noh", agad na depensang sagot niya.

"So, ibig sabihin..."

"Nicole, we have to go for our elective subjects". Pinutol ko agad ang tanong ni Carlos. Na-disappoint ata dahil sa pagputol ko sa kanyang sasabihin.

Sabay kaming tumayo ni Patrick. Bigla namang dumating sina Zen at Reu. Nakita ko rin ang biglang pag-iwas ni Patrick ng tingin na parang nagi-guilty parin sa ginawa kay Reu.

"Panu ba yan, mauuna na kami", paalam ko kay Carlos.

"Yah. I need to go also to the Registrar's office finalize my sched. Well, see you later."

Ngumiti nalang ako bilang sagot sa kanya. Si Nicole naman, parang hindi napansin ang pagdating ng mga kaibigan dahil sa pagtingin kay Carlos. Inabot ni Carlos ang kanyang kamay upang makatayo si Nicole. Palihim namang kinilig sina Zen at Reu nang makita ang yun.

Natulala naman ako.

"Bro, tara na", bulong na anyaya ni Patrick.

Tumango nalang ako. Ni hindi ko na magawang magpaalam kay Nicole dahil sa nakita ko.

* * *

Kinagabihan, nahuli ako ni Itay na malayo ang tingin habang nakaupo sa labas ng bahay. Tinabihan ako ni Itay na siya namang napahinto sa'kin sa pag-iisip.

"Malalim siguro ang problem ng binata ko ah", pagbibiro ni Itay. Sinusubukan niya siguro akong pangitiin dahil napansin niya na malalim ang aking iniisip. "Nung problema mo Matt?"

Ngumiti ako na halatang matamlay pa rin. Hindi parin nawawala sa'king isipan ang mga nangyari ngayong araw.

"Wala po. May iniisip lang." sinubukan kong magsinungaling at itago kay Itay ang totoo.

"Kilala kita Matt", napailing si Itay. "Nagmana ka kaya sa akin. Alam ko na may problema ka kahit na hindi mo pa ito sabihin."

Siguro ngang nabasa ni Itay ang aking iniisip. Sinubukan kong humingi sa kanya kahit na isang payo lang.

"Tay, ganun po ba talaga na 'pag nagmahal ka, masasaktan ka?", tanong ko habang nakatingin pa rin sa malayo.

Napangiti si Itay.

"Eh...hindi nga ako nagkamali. Pag-ibig nga ang problema mo." Napahinto siya nang sandali. "Hmm...sa totoo lang, kalakip at bahagi sa proseso ng pag-ibig na ika'y masasaktan. Pero, hindi ibig sabihin na palagi nalang."

"Ano pong ibig niyong sabihin, 'tay?"

"Dahil ang pag-ibig ay ginawa upang ang isang tao ay maging masaya. Kaya nga minsan, dahil nagmahal ka, gumagawa ka ng mga tangang bagay, kahit alam mong masasaktan ka, kasi alam mong totoo at wagas ang pag-ibig na'yun at 'yun ang makapagpapaligaya sa'yo."

"Pa'nu tay kung may mahal na siyang iba?"

"Mahirap magmahal ng isang tao na ang puso ay pag-aari na ng iba. Mahirap, kasi alam mong masasaktan ka lang. Pero alam mo kung anong mas mahirap?"

Tumingin ako ng diretso kay Itay.

"Ang hayaan mo siyang angkinin ng iba at wala kang ginagawa", pagpapaliwanag niya.

Naputol ang usapan namin ni Itay nang lumabas ng bahay si Wilson.

"Tay, aalis po muna ako. Sasama po ako sa rehearsal ni Josh para sa gig nila bukas", pagpapaalam niya.

"O sige, basta dapat wala pang alas 9, nakauwi ka na."

"Opo."

Napatingin sa'kin si Wilson at mukhang mang-aasar na naman.

"Kuya, balita ko, bumalik na daw si Carlos."

"Oo nga eh."

"Tsk. Tsk. Kung ako sa'yo kuya, bilis-bilisan mo at baka alam mo na...", paalala ni Wilson. Nungimiti lang ang loko.

"Sige na at baka gagabihin ka", paalala ni Itay at para mahinto na rin siya sa kanyang pang-aasar.

Napaisip nalang ako sa sinabi ng kolokoy kong kapatid.

* * *

[Keep on voting and leaving a comment.]

[Let me know what you're thinking. Thank you.]

This Love's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon