KABANATA 1: Ang Diwata ng Buhay Ko

150 5 7
                                    

-Matt's POV-

"Matt." Tumingin sa akin si Nicole with her charming eyes and sweet smile. Parang may gustong ipahiwatig na kanina pa niya tinatago at gustong sabihin.

"Yes, Nicole?!" Nag-aalangan kong tanong. Parang nagdadalawang-isip kung kakausapin ko siya o hindi. Nahihiya kasi ako pag siya na ang kausap. Parang namamanhid ang buo kong katawan at umaatras ang aking dila pag siya na ang kaharap.

Tumingin ulit siya sa akin nang napaka-tamis.

"Matt, pwede ba kitang maging boyfriend?"

Nagulat ako sa tanong niya. Is it real? Nicole is asking me to be her boyfriend. Namula ako bigla. Uminit ang buo kong katawan. Hindi ko alam ang gagawin. Should I grab this opportunity? Magpapakipot pa ba ako? Parang easy-to-get naman ata ako kung papayag ako.

"Ah..eh..PWEDE?" Nag-aalangan kong sagot.

"Ba't parang hindi ka ata sigurado?" Napansin niya ata ang pag-dadalawang-isip ko. Na-disappoint ko ata siya. Nalungkot bigla ang kanyang mga mata.

"Ayaw mo ba sa'kin Matt?" Her eyes started to be teary. "Hindi ba ako maganda para sa'yo?"

"Gustong-gusto kita Nicole." Hindi ako sigurado pero parang nararamdaman ko na nag-iinit ang aking pisngi. Am I blushing? Parang namamaga ang buo kong mukha sa sobrang init.

"Sa katunayan nga, ikaw ang diwata ng buhay ko." Trying to ease her feelings that time. Ano ba Matt, magpaka-totoo ka nga! (sigaw ko sa sarili ko)

"How sweet naman, Matt." She started to smile again. "Ibig sabihin ba nito tayo na?"

"Tayo?!" Pagulat kong sagot. "As in mag-ON?"

"Oo." She confidently answered. "Boyfriend na kita at girlfriend mo na ako."

"Ah...eh." Pautal kong sagot. Parang ang bilis naman ata. Syota ko na ang babaeng parang dati'y imposibleng mapasakin. Girlfriend ko na ang babaeng parang sa panaginip ko lang mapapasaakin. At sa katunayan parang siya pa ang nanligaw sa akin.

"Matt..." Pabulong niyang tawag sa akin.

Unti-unti niyang nilapit ang kanyang pisngi sa akin sabay pikit ng kanyang mapupungay na mga mata. Papalapit nang papalapit. Gusto niya bang halikan ko siya? Hindi mapigilang pumintig nang mabilis ang aking puso sabay sa pagpikit ng aking mga mata.

Patuloy sa paglakas ng kabog at kaba ng aking puso. Malapit nang dumampi ang kanyang mga labi sa akin nang mapansin kong umiba ang timbre na kanyang boses.

Pakapal at papalakas ang kanyang boses.

Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata'y bumungad sa akin ang mga matang nanlilisik at galit na galit.

"MATT!"

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Sabay kunot nang aking noo ganun din ng taong nasa harapan ko.

This Love's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon