Part 7

16 16 0
                                    

Eun Pov

Nakatungo lang ako dito sa mesa ko dahil hindi tumitigil sila Rico sakin nakikisabay pa si Byeol.

"Byeol, Nasaan na si Ma'am?" tanong ng isa naming classmate kaya tinignan ko sila

"Oo nga anong oras na" sabi ko tsaka umayos ng upo

"Wait lang pupuntahan ko" sabi ni Byeol tsaka Tumayo

"Mukha di na kailangan" Sabi ni Ichica na busy na naman sa pag-aayos ng buhok niya

Nakita namin si Ma'am na nag lalakad sa hallway at laking gulat ko na kasama niya si Mizumi

"Si mall girl" sabi ni Min-jun na katabi ko

tumingin tuloy ako sa kanya ng may pagtataka

"Mall girl?" tanong ko

"Siya yung kinukwento ko sa inyo, yung tinulungan ko sa Mall" sabi ni Min-jun pero ang tingin niya na kay Mizumi parin

Pag-pasok ni Ma'am sa classroom kasunod si Mizumi nalipat lahat ng atensyon kay Mizumi, yung iba ng bulungan yung iba naman titig na titig kay Mizumi parang first time makakita ng tao eh.

"Good morning class" sabi ni Ma'am kaya ng senyas si Byeol na Tumayo para sabay sabay batiin si Ma'am "Thank you pwede na kayo maupo" sabi nito tsaka tumingin kay Mizumi "I like you to meet Mizumi your new classmate for this school year, Mizumi can you introduce your self to every one" sabi ni Ma'am

Si Mizumi naman tumingin samin lahat at ng laki pa ang mata niya ng makita ako

"May problema ba Mizumi?" tanong ni Ma'am kay Mizumi, umiling naman siya bilang sagot bago ipakilala ang sarili

"Hi everyone my name si Mizumi Michi Sung 18 years old from New York, nice to meet you all" sabi ni Mizumi bago mag bow

Mag sasalita pa sana si Ma'am ng may tumaas ng kamay sa mga classmate namin, kaya tinuro siya ni Ma'am at binigyan ng permission may salita

"Foreign ka ba?" tanong niya

"Nope, pure Korean ako na lumaki sa New York" sabi ni Mizumi

"Bakit Mizumi name mo, eh pang japanesse yun?" tanong na naman ng isa sa mga classmate namin

"I don't know" simpleng sabi ni Mizumi

"Bakit di mo tanogin ang parents mo?" sarcastic na sabi ni Ichica

"Oy ano ka ba" sabi ni Byeol sa kanya

"My parents si died when I was super young so di ko sila matatanog kung bakit Mizumi ang pangalan ko" sabi ni Mizumi tsaka tinignan ang lahat "May tanong pa ba kayo?" sabi ni Mizumi kaya nanahimik ang lahat

Narinig ko naman si Min-jung na tumawa

"Ok that's enough" sabi ni Ma'am tsaka tinignan ang buong classroom mukhang nag hahanap siya ng pwedeng upuan ni Mizumi kaya tinignan ko naman ang lahat may nakaupo na sa lahat maliban sa upuan na katabi ni Rico, ok na sana kaso ang nasa likuran ay si Ichica na masama ng tigin kay Mizumi na nasa harapan

Ang available na lang na upuan ay yung upan sa harapan ni Min-jung. Nakaupo kami lahat dito sa tabi ng bintana ako at si Min-jung ang nasa pinaka dulo habang ang nasa harapan namin at si Rico at ang nasa harap ni Rico ay si Byeol at Ichica.

"Dito ka na sa unahan ko Umupo" bulong ko kay Min-jung

"Ha?" tanong niya

"Tabi na lang kayo ni Rico" sabi ko ulit kaya napatigin siya sakin

"Ayaw ko" sabi niya sakin

"Di ba gusto mo sa tabi ng bintana Umupo" sabi ko ulit

"Bakit ba?" inis na sabi niya

Tinitulak ko siya paalis ng upuan ng may makita akong taong nakatayo sa harapan ko

"Mizumi" sabi ko pag kalingon ko

Inirapan lang naman niya ako tsaka niya inayos ang upuan niya at naupo

"hello ako si Rico" Masayang sabi ni Rico

"Hi I am Mizumi" nakangiting sabi ni Mizumi

"Hello I am Byeol ang president ng section natin" sabi ni Byeol tsaka naki pag shake hands "And this is Ichica" sabi ni byeol tsaka tinuro si Ichica kaso di ito tumingin "Don't worry she's nice naman" sabi ni Byeol tsaka kina-usap si Ichica

"Hello" sabi ni Min-jung kaya napatigin si Mizumi samin

"Hi nice to meet you again" Masayang sabi ni Mizumi

"Hindi ko inakala na dito tayo ulit mag kikita" sabi ni Min-jung "By the way ako pala si Min-jung, di kasi tayo nakapag pakilala ng ayos sa mall" sabi ni Min-jung tsaka nakipag shake hands

"Mizumi" sabi ni Mizumi

Pagtapos ng klase namin nag-yayaan na kaming kumain sa cafeteria, ako na ang kumuha ng pagkain ni Mizumi dahil Umupo na siya kaagad, akala niya ata sineserve yung mga pagkain dito.

"Tol gutom na gutom lang" sabi ni Rico sakin dahil dalawang tray ang dala ko

"Kay Mizumi to" sabi ko

"Tama na ang chikahan tara na baka patayin na ni Ichica si Mizumi sa titig" sabi ni Byeol na dalawang tray den ang dala para kay Ichica at sa kanya

Paglapit namin Tahimik lang silang dalawa, tumingin sakin si ichica at mukhang nag eexpect siya na sa kanya tong isang tray na hawak ko pero

"Pagkain mo" sabi ni Byeol tsaka nilapag sa harapan ni Ichica yun

Tinignan lang niya yun tsaka tumingin sakin, Umupo na ko sa harapan ni Mizumi tsaka nilapag sa harapan niya ang pagkain pero tinitignan lang niya yun

"Bakit?" tanong ko

"I don't like it" sabi niya tsaka tinulak pabalik sakin yung tray

"Di mo talaga yan magugustuhan kung di mo titikman" sabi ko tsaka binalik uli

Tumingin siya sakin at yung pagod na tingin yun

"Close pala kayo" biglang sabi ni Ichica kaya napatigin kaming sa kanya

"hindi kami close" sabi ni Mizumi habang tamad na tinutusok tusok yung pagkain

"Bakit ganyan si Eun sayo?" matamlay na tanong niya

"Takot siya kay Kuya Ren kaya niya ginagawa yan" sabi ni Mizumi na nasa pagkain pa rin ang tigin "Matindi pati ang mood swing ni Eun minsan ayaw niya sakin, supaldo, salbahe tapos minsan ganyan siya mabait gentlemen at maasikaso na sobrang nakakabwisit dahil di bagay para siyang play boy pero mukhang play boy talaga siya di lang parang tapos ayaw pa niyang iadmit na ganyun talaga siya" sabi ni Mizumi tsaka tumingin samin na kinagulat niya

Sa buong minute na nagsasalita si Mizumi ng titigan lang kami ni Ichica at dahil doon nakikita ko na unti unti ng bumubuhos ang luha niya

"May nasabi ba kong mali?" takang tanong ni Mizumi

"Wala" sabi ni Ichica tsaka Tumayo at umalis

"Yung totoo anong meron" takang tanong niya

"Kainin mo yan, pagbalik ko dapat ubos na yan" sabi ko tsaka Tumayo

"Ayaw ko nga nito" Maarteng sabi ni Mizumi

"Tikman mo kasi" sigaw ko sa kanya na sana pala di ko na ginawa

"Anong problema mo?" tanong ni Mizumi

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon