Kabanata 11

0 0 0
                                    

SVU:DMBKab11

Mad

"Acquisha..." He called.

"Get out. I don't need your help." I said gritting my teeth in anger.

"Alam ko, pero hindi kita iiwan rito Insan." Sumeryoso ang boses niya.

"Oh what a drama." Umirap si Precious. "Umalis ka na lang dahil hindi ka naman namin kailangan, itong si Acquisha lang naman ang may atraso sa amin." She smile fakely.

"Nakiki-usap ako, bitawan niyo na lang... Kung may mali mang nagawa ang pinsan ko ako na ang humihingi ng tawad—"

"Don't fucking apologize for nothing." I cutted him off. "What do you want losers? Really? College student who wants to pick a fight inside the school? It's a lame action for someone who's also a lame." Nakaharap kay Precious at don sa lalaki.

Kanina pa may nagbubulungan sa paligid namin pero wala man lang naawat.

Nasa pagitan kami ng dalawang building kaya tago pwera na lamang kung ang daan mo ay sa building ng mga agriculture at business.

She glared at me, while the man in his side chuckled like he's enjoying the sight.

"Dalhin niyo na siya. 'Wag niyong hayaang makalapit ang pinsan niya." Utos iyon ng lalaki.

"F-fred... Sigurado na ba 'to?" Tanong ng lalaking may hawak sa akin. "Alam mong mananagot tayo dito."

"Yes, yes, kaya bilisan niyo na bago pa dumating ang taga pagligtas niyan." Tumawa iyong tinawag ng lalaking may hawak sa aking Fred.

"Time to shine!" Precious exclaimed and they all laugh. Hinaklit niya ang bag ko ay basta na lang itinapon sa kung saan bago ako hilahin ng mga kasama niya.

Narinig ko ang pagsigaw ni Antum pero hindi siya nakalapit dahil may dalawang lalaki na humawak sa kanya para pigilan sa tangka. May isa pang tao na humawak sa akin at si Fred iyon, they dragged me out of the valley of the two buildings papunta sa likod ng agriculture building.

Walang tao doon at puro puno. Likod na ito at wala masyadong nagagawi dahil bukod sa mapuno ay maputik dahil hindi sementado.

Nagsisi tuloy ako kung bakit nag white shoes pa ako...pero ito naman ang lagi kong suot kaya no choice talaga.

"Ikaw na babae ka...pinupuno mo ako! Now I don't know how to approach Juan anymore because of you!" Isang sampal ang lumagapak sa aking pisngi.

Hindi pa man nakakatagal mula ng lumipat kami.

Nabawasan ang tao at walang nagtangkang sumunod sa amin dito sa likod.

Hindi ko na alam kung nasan si Antum but I hope they didn't do something with him. Wala naman siyang atraso ika nga nila.

Pero hindi ko maintindihan dahil wala din naman akong atraso sa kanila, in fact sila ang may atraso sa akin.

Tumabingi ang mukha ko dahil sa sampal ni Precious, aaminin ko masakit iyon. It was the very first time someone laid a hand on me. My mother didn't slap me nor my father ever. Kaya naman nakakagalit na siya pa ang unang nakasampal sa akin. Her hands doesn't deserve a slap on my face.

"Ako pa ang may kasalanan? It was you who's at fault." Hindi ko talaga mapipigilan ang bibig kong sumagot.

Halos umusok ang ilong ni Precious sa sinabi ko. She pushed me so hard, akala ko pa hindi ako matutumba dahil napakahigpit ng hawak sa akin ng dalawang malaking lalaki... but then I was wrong.

Bigla na lang din akong binitawan nang dalawa kaya naman sumalampak ako sa putikan.

I gasped. No way in hell.

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now