Kabanata 5

0 0 0
                                    

SVU:DMBKab5

Narvaez

Pagkatapos naming magpakilala lahat ay nagsimula na ang meeting namin.

Sinulat din ni Mikael sa papel ang mga pangalan namin at nilagyan ng title ang pangalan ni Jerdon Uno Apollo Narvaez bilang leader namin.

Now I get it why Precious always call him Juan, and why the boy yesterday called him Jerdon. Jerdon is the name and Juan is the acronym for his full name. What a wise parent who name him that.

"What if we do the research about the farm? Juan is here, it's easy for us since they have a rancho." Suhestyon ni Precious.

"Tama, pero syempre kakailanganin pa natin gumawa ng panayam tungkol diyan. Hindi porke kagrupo natin si Juan ay pupwede na iyon, kailangan din yun para kapag nagresearch tayo at kailangan pumunta sa rancho nila ay may maipakita tayong panayam na nagpapatunay na pinayagan tayo." Ani naman ni Luiz.

As I observed them, only his friends call him Juan. Si Mikael at Ismael naman ay Jerdon ang tawag sa kanya.

"I can handle the letter, ako na ang gagawa at magpapapirma." Saad naman ni Jerdon. "Does everybody agree to the farm?" He asked in a serious tone as he write something on his paper.

Kanina pa siya nagsusulat ng mga napapag-usapan namin.

Sumang-ayon ang lahat habang nanatili akong tahimik. I don't find the will to talk here lalo na at kanina pa ako iniirapan ng magaling na si Precious. Para bang binabantaan ako na wag nang makisali pa sa usapan when in the first place I have the rights since I am also part of the group.

Pero syempre hindi dahil sa kanya kaya hindi ako nagsasalita. Sadyang tinatamad lang ako.

"How about you? Do you have any idea?" Ayan na naman siya sa pagtanong tanong sa akin.

Kanina pa ito, kung hindi nagsusulat ay nagtatanong naman kung sang-ayon ba ako o kung ano sa tingin ko. Hindi naman nakadepende sa akin ang sagot kaya't hindi ko mahinuha kung bakit niya pa ako tinatanong bawat ideya nila.

"It's fine with me." Giit ko. Naiinis na sa kakatanong niya.

Boboses naman ako kung sakaling hindi ako sang-ayon kaya hindi ko alam bakit niya ako pinapangunahan.

"Hah. Wala ka man lang kasing inaambag sa meeting na ito, masyado kang pabigat." Hindi rin nakalampas sa aking pandinig ang kanina pang panakanakang pagpaparinig niyang si Precious na feeling entitled.

"The activity isn't starting yet, how come you already conclude that I am 'pabigat' huh?" Kumulo ang dugo ko sa huli niyang sinabi.

Akala mo naman ang laki na nang naitulong e hindi pa naman nasisimulan ang research, masyadong feeling buhat na buhat ang grupo namin e si Jerdon naman ang dapat na umapila since he's the lead. Siya ang nagsasabi ng mga plano, tanging pagsang-ayon lang ang ginawa niya.

"Enough with your words Precious. Hindi matatapos ang meeting na ito kung ganyan kayo." Pagsaway naman ni Juan.

Umirap lamang ang babae bago ngumuso sa tabi.

"Mas mabuti kung sisimulan na natin ito, para maagang matapos at may iba pa tayong mapaglaanan ng oras sa ibang bagay. I suggest that we should meet twice or thrice a week to do this. What do you think?" Si Jerdon na nagsalita.

"Ayos lamang sa akin, pero sa iba, kayo? May iba ba kayong pinagkakaabalahan?" Ani Luiz.

"Sa umaga ay hindi ako pupwede, nagtatrabaho ako sa rancho ng mga Villamora tuwing alas sais hanggang alas dose, kapag walang pasok. Pupwede bang hapon hanggang gabi na lamang?" Si Ismael iyon.

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now