Chapter 14~ Claire?

114 14 0
                                    

Jillian's P.O.V

Tss...Kaka sorry lang ni Eric kanina! Nakikipag landian na ngayon sa sales lady! Pssh, sa harap ko pa talaga! Sa sobrang inis ko, nag lakad na ako palayo. Nag message na rin naman si Miguel na wag na kaming sumunod sa Department Store. Kaya pumunta na lang ako ng pet store. Parang gusto mo bumili ng aso ngayon.

"Ma'm! Meron po kaming aso, pusa, ibon at marami pa po! Ano po ba gusto niyong bilhin?" "Aso!, aso ang gusto ko" Bibili ako ng aso! Para pag inaway ako ni Eric. Ipapakagat ko sakanya! Pinasunod ako ni Ate papunta sa mga aso. Ang cucute nila! Pero gusto ko ng St.Bernard! "Ate! Saan 'yung mga St.Bernard?" "Ah! Dito po tayo!" -.-

Dinala niya ako sa mga St.Bernard's. Sobrang cute nila! Ang tataba pa! Cute puppies! "Ilan po ba ang gusto niyo?" "Isa lang" "Lalaki po o Babae?" "Lalaki" "Wait lang po!" Kumuha siya ng dalawa at pinatingin sa'kin. "Ma'm ito po lalaki! 'Yung sa kaliwa ko naman po, babae" Hala! Ang cute nilang dalawa! Bibilhin ko na sila!

"Mag kano silang dalawa?" "One hundred thousand po!" 50,000 isa? Okay! Wahahaha! I love being rich! "Sige! Bibilhin ko sila!" Nginitian niya lang ako tapos 'kung ano ano pa ako ginawa niya at pinapirma sa'kin.

~.~.~.~.~.~.~.~

Tapos na kami mag shopping ng mga babies ko! May mga suot na silang damit! Si Prince naka tuxedo tapos may sapatos siya! Si Princess naman naka dress tapos may ribbon siyang headband! May sapatos rin siya! Ang cute cute nilang dalawa! Ang sabi nung sales lady, matalino raw sila at trained na.

Sobrang dami kong dala! Bumili kasi ako ng dog food, mga damit nila. Lalagyanan ng water and food. Kama, syempre dalawa. Yung isa blue tapos 'yung isa pink. "Ma'm! Andito na po ako!" "Paki tulungan ako mag dala! John, matatagalan pa tayo dito ha! Sorry, baka mahirapan ka mag dala niyan" "Okay lang po ako! Kayang kaya ko po toh!"

Nginitian ko si John. Para ko siyang bodyguard pero hindi! Hindi ko siya matatawag na bodyguard kasi hindi naman siya laging asa tabi ko. Sinusundan lang niya ako pag sinasabi ko. "Ma'm! Ang cute naman po ng aso niyo!" "Thank you!" "Arf, Arf!" Tumahol sila Prince at Princess. Nakakaintindi sila? Baliw na ako!

Buti na lang hindi masyado maarte ang mall na toh at bawal ang mga aso! Ang dami ngang tao na may mga aso rin eh, kaya siguro sila nag pagawa ng restaurant na pwede ang mga aso. Bubuhatin ko sana sila Princess pero biglang nag vibrate 'yung phone. Psshh! Si Eric!

From: Eric <3

Asaan ka na? Kinausap ko lang 'yung sales lady nawala ka na agad? Kanina pa kita hinahanap! Naka tatlong oras na ako kakaikot dito sa mall pero wala ka pa rin! Love you :*

Love you mo mukha mo! Pag tapos mo makipag landian sa sales lady, tatanungin mo ako 'kung asaan ako! Letche ka! Bad trip! Arghhhh! "Dito lang pala kita mahahanap!" May biglang humalik sa'kin sa pisngi. Hindi ko lang siya pinansin at nag lakad pa rin. Sinabayan niya kaming mag lakad ni John. Bahal siya sa buhay niya!

"Ang cute naman ng mga aso! Kanino 'yan?" Still, hindi ko pa rin siya pinansin. "John! Pakilagay na sa mga kotse 'yung gamit! Susunod na lang ako sa parking lot!" "Sige po" Umalis na si John kaya kaming dalawa na lang natira. Pati ang mga babies ko. "Bakit ayaw mo kong pansinin?" Hinalik halikan niya ako sa pisngi pero hindi ko pa rin siya inimik.

"Jillian! Uy!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano problema mo?" "Princess! Prince! Sit here!" Sigaw ko tapos tinap ko 'yung space sa tabi ko. Umupo naman sila sa tabi ko kaya pinag laruan ko sila. "Jillian? Ano problema?" "Tanong mo 'yung sales lady!" Mataray kong sabi. Nag smirk lang siya tapos lumuhod siya sa harap ko.

"Sorry po! Sorry po at hindi kita pinansin kanina nung kinakausap ko 'yung sales lady. Sorry at hindi ko inisip na mag seselos ka! I love you! Wag ka na magalit" Sabi niya tapos hinalikan niya ako sa noo. Nawala 'yung inis ko sakanya bigla. "I love you too!" Sabi ko naman. "Sabay ka na sa'kin umuwi! Pleaseeee!"

My Ex Wants Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon