Chapter 1

33 0 0
                                    

Nag Japan ako. Dahil na stress ako. At deserve ko namang mahalin ang sarili ko, so inispoil ko naman self ko para sa mental health ko ano. 

May pa Instagram stories pa ako sa unang araw ko sa Japan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May pa Instagram stories pa ako sa unang araw ko sa Japan. Minutes lang ay sumabog na yung notifications ko. Dahil scammer daw ako. 

"Jam nagpabudol ako sayo pero binudol mo nga talaga ako. "


Ganyan. Ganyan. Nag ka problema lang naman kasi sa negosyo . Dahil nagkamali ng shipment ang  mga tauhan ko sa benebenta naming lip gloss. Maraming bad reviews dahil dun. Nag buy one take one promo ako at isa lang yung napa ship nila. 


Kaya instead na mag unwind, gumawa pa tuloy ako ng video. An apology video. Naglabasan lahat pimples ko sa stress. 

Nag off ako ng phone para maiwasang di ma stress lalo. Lalo pa't ako lang mag isang nag travel dito. Baka umatake pa hyper acidity ko. 

Nawalan ako ng ganang umalis ng hotel dahil sa problema. Plus, natatakot na akong gumastos at baka kinakailangan kong mag refund sa mga na iship or ewan ko--- Sobrang gulo na! 


Tulala malala. 

Wala na akong gana talagang bumangon. Sa ilang oras na pag ooveethink ko,naalala ko na may pinagawa pala saakin yung kaibigan ko kapalit ng plane ticket ko sa Japan. Buti nalang dinala ko yung laptop ko. Trabaho sana to ng boyfriend nyang walang alam kundi ang maglaro ng games online. Simply lang naman yung pinapapagawa sakin kaso nainis lang ako kung bakit kailangan talagang to the rescue ang kaibigan ko sa pagiging unresponsible ng boyfriend nya.  Mag reretrive lang naman ng file na na corrupt. 

I inserted the SD Card and do some magic technique. At tapos na! Diba ang galing kong tao. *screamed*


At dahil nga bored ako, i decided to play one video. It's not a crime kasi wala namang magrereklamo alangan naman ireklamo ko sarili ko diba?Hayaan nyo na. Kaysa sasabig utak ko sa kakaovethink.


"After two hours of land travel, finally I'm here at Space Link International Aviation University!"


I paused the video. 

 "Wait--- SLIAU is the most expensive school in the country! Labas palang ang ganda na. Yung harap palang ng University yung nakita ko sa video at masasabi ko na ang laki at ang gandang university ito. Yung pagpasok palang sa malaking gate, bubungad na yung building na parang hugis airplane. May nakikita akong bus, may fountain at ang linis ng buong campus. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space and TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon