Chapter 8.

50 48 2
                                    

Zhermiya POV.

Dumaan ang ilang gabi matapos naming gawin ang iba pang misyon at ito na ang ikalimang araw namin sakay sa Tirex, papunta kami sa puting akademya.

"Look over there baby," turo ko sa labas ng bintana samantalang malakas na humagikgik ng tawa si Jay-Jay matapos makita ang makukulay na ibon.

Umaga na pero hindi pa ako nakakatulog dahil magdamag nangulit at umiiyak si Jay-Jay kung kayat nagsightseeing kami malapit sa bintana para tumahan siya.

Habang masaya si Jay-Jay sa panonood sa labas ay naramdaman kong may kung sino sa likod samantalang nang tumingin ako sa direksiyong ito, tinanguan ko siya at muling tinignan ang bata.

"Pasensiya na sa inasal ko." Muli akong tumingin sa direksiyon niya at ngumiti.

"Wala yon, pasensiya na rin dahil natakot ko kayo." Tugon ko samantalang mahina naman siyang tumawa, sumingkit ang mata niya dahil sa ginawa niya.

"Ang gwapo mo pala," komento ko samantalang mayabang siyang ngumisi matapos itong marinig.

"Pero hindi kita gusto, mas gwapo pa rin sila Kuya Christopher, Frost at ang fiance ko kesa sayo." Tumawa ako matapos makita ang gulat na ekspresyon ng mukha niya dahil sa narinig.

"Wah, ma~ma." Muli akong tumingin at malungkot na ngumiti kay Jay-Jay matapos marinig ang binigkas niya.

"Wala na ang mama mo Jay-Jay, pero pangakong hindi ka pababayaan ni Ate Miya." Tumingin sa'kin ang kulay asul niyang mata matapos marinig yon at yumakap sa leeg ko.

"Ma~ma, Ma~ma." Paulitulit na bigkas niya habang niyayakap ako.

"Gising na si pogi! Halika kay Dadda Matteo, Baby Jay-Jay." Dumating si Matteo at gustong kuhanin si Jay-Jay na ayaw namang bumitaw sa'kin.

"Magandang umaga, Matteo."

"Magandang umaga rin pre, pasensiya na sa inasal ko nung nakaraan. Malaki kasi ang respeto ko sa pinuno namin kahit madalas ko yang inaasar." Tugon ni Matteo at umirap sa'kin samantalang tinaasan ko siya ng gitnang daliri.

"Ang bastos mo, Queen! Pero kung gusto mo ng ganiyan, ay pagbibigyan kita." Malanding tugon niya at tinaas ng bahagya ang uniporme kung kayat lumitaw ang maganda niyang katawan.

Nandidiri ko siyang tinignan at inikutan ng mata, nakita kong ganun rin ang ginawa ni Ezekiel.

"Tigilan mo nga yang kahalayan mo, Matteo. Ang aga aga at wala pakong tulog, utang na loob lumayas ka sa harap ko." Naiinis na tugon ko samantalang nakasimangot naman siyang pumunta kung nasaan ako.

"Halika na nga anak, ako muna ang magaalaga sayo." Mabilis na sumama ang bata kay Matteo samantalang tumawa ako dahil malakas niyang hinila ang buhok ng lalaki.

"Matutulog lang ako," paalam ko kay Ezekiel at ngumiti samantalang ngumiti rin siya at tumango kung kayat pumasok na ako sa pulang pinto.

Umupo ako sa kama at naisipang tawagan siya samantalang hindi naman ganon katagal ang hinintay ko dahil mabilis niyang sinagot ang tawag.

"Hello, papasok kana?" Tanong ko nang makitang nakasuot siya ng uniporme.

Orion Squad; Saviours of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon