Chapter 3.

64 47 1
                                    

Zhermiya POV.

"Where are we heading?" Mahinang tanong ko kila Mommy Almia.

"Forester's mansion," maikling sagot ni Daddy Marco.

Tumango ako at tumingin sa bintana matapos malaman yon, tahimik ang mga kaibigan ko sa likod ng karwahe at nagmamasid lang sa daan.

"Why are you sad? Come here baby," tawag ko kay Jacob na kanina pang nakasimangot, tumayo siya at pumunta sa tabi ko.

Niyakap ko siya samantalang yumakap rin siya pabalik, binaon niya ang mukha sa balikat ko at inamoyamoy niya ang bahaging yon.

Ngumiti at hinaplos ko ang ulo niya habang ginagawa niya yon, tumingin ako sa mga kaibigan ko at nahuling nakatingin rin sila sa'kin.

"Is there something wrong?"

"We will miss you, Queen." Tugon ni Marga at malungkot na ngumiti.

"What are you talking about?" Nalilitong tanong ko, mas lalo akong naguluhan matapos may tumulong luha sa mata niya.

Pinunasan niya yon at umiwas ng tingin, tinignan ko ang iba at nakitang umiiyak na rin si Fiona.

"Stop crying guys, I'm not going to die."

"Congratulations," nalilito akong tumingin kay Frost matapos niyang sabihin yon, sila ni Kuya Christopher at Matteo lang ang hindi umiiyak subalit bakas sa ube niyang mga mata ang sobrang lungkot.

"You're engaged to someone Zhermiya," nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang tugon ni Mommy Almia.

"We're here," nabalik ako sa sarili matapos maramdamang may humawak sa kamay ko, tinignan ko kung sino siya at napagtantong si Frost pala ang humawak doon.

Malungkot siyang ngumiti subalit hindi ko magawang gumanti pabalik dahil sa nalaman ko kanina, tinignan ko ang buong paligid hanggang sa napagtantong kami na lang ng mga kaibigan ko ang natitira sa karwahe.

"Let's run away," lahat kami ay tumingin kay Kuya Christopher matapos niyang sabihin yon.

"Are you out of your mind, Chris?"

"I agree with his suggestion. Hindi ko hahayaang ikasal ang kaibigan ko sa hindi naman niya mahal, kahit prinsepe pa siya."

"Alam niyo ang tungkol dito?" Hindi makapaniwalang tugon ko matapos marinig ang sinabi ni Matteo, tumahimik siya at umiwas ng tingin.

Muli akong tumingin kay Frost matapos niyang pisilin ang kamay ko.

"What's your decision? Are you going to run away from here or not? We're friends, we'll help you."

"Nalaman lang namin ang tungkol dito kaninang umaga mula sa mga magulang mo, sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin. Itatakas kita dito mahal ko," tugon ni Kuya Christopher at pumunta sa direksiyon namin upang yakapin ako.

"Alam kong mali itong nararamdaman ko dahil magkadugo tayo pero hindi ko mapigilan," nahihirapang bulong niya habang nakayakap sa'kin.

Tumungin siya sa'kin habang may luhang tumutulo sa mata at hinawakan ang pisngi ko.

"Mali ito kuya," tanging tugon ko at umiwas ng tingin matapos makitang bumakas ang matinding lungkot sa pula niyang mata.

Orion Squad; Saviours of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon