Irene's POV
Nandito padin kami sa kwarto at nakahiga. Si greggy natutulog pa ako naman ay nagbabasa
Naisipan kong puntahan si sandra sa kwarto nya at tanungin kung gusto ba nyang sumama saamin
Pumasok nako sa kwarto nya at nakita ko syang nakaupo at linilikot yung cellphone nya
"Sandra?" tawag ko, pinaupo nya ako sa tabi nya.
"Bakit po tita?" tanong nya
"Uh, may itatanong lang sana kami ng tito greggy mo kaso tulog pa sya so ako nalang."
"Ah, ano po yung itatanong nyo?""Eh, gusto ka sana naming isama sa California"
"Po? Sa California? Babalik napo kayo doon?"
"Eh may problem kasi and baka matagalan kami dun. Syempre mamimiss ka namin kaya gusto ka naming isama. Tsaka ilang beses ka ng nasasaktan dito oh"
"Sandra, ayaw naming nakikita kang nasasaktan ng ganyan. Ayaw ka naming iwan dito baka may gawin pa yung bruhang Faye na yun."
"Pero tita alam nyo naman po na ayaw kong iwan sila mommy diba"
"Pero unti unti ka nilang pinapatay sandra. Lumayolayo ka naman muna. Kailangan mo ding magpahinga. Kung sasama ka saamin, makakapagsimula ka pa ng bagong buhay. Hahayaan mo nalang ba sila na saktan ka?"
"Kami rin nasasaktan kapag nakikita kang ganyan. Alam namin na mahal mo sila manang pero sobra na sila. Panay sila Faye, napapabayaan ka na nila oh. Hindi kaba napapagod?"
"Napapagod tita pero ayaw ko pong iwan sila mommy"
"Sandra, napapabayaan ka na nila dito. Palagi nalang ikaw ang pinapagalitan nila kahit na hindi naman ikaw ang gumawa."
"Si faye nalang palagi ang iniintindi nila. Sandra, andito naman kami ng tito greggy mo sila kuya bonget sila kuya mo. Palagi kaming nasa tabi mo sandra. Please lang kahit ito lang, nak. Para sayo din ito, para sa ikabubuti ng buhay mo lalo na't ayaw sumama ni Faye sa mommy nya. Mag simula ka ulit ng bagong buhay kasama kami ng tito greggy mo pati narin sila kuya bong."
"Pero kung ayaw mo talaga hindi ka nalang namin pipilitin"
"Tita, mahal na mahal ko sila mommy at ayaw ko silang iwan pero tama ka tita. Kailangan kong lumayo sakanila at magsimula uli sa una."
"So you mean?"
"Opo tita sasama napo ako sainyo"
"Really?? Thank you, nak. Miss kana din ng ate at kuya mo eh. Pack your things later ha? 4:30 am ang alis natin"
"Opo tita"
"Osige, maiwan muna kita at puntahan ko lang tito greggy mo, tawagin nalang kita kapag kakain na ok?"
"Sige po tita thank you po"
Bumalik nako sa kwarto at nakitang nagbabasa si greggy
"San ka galing?" tanong nya
"Kay sandra, pumayag syang sumama saatin"
"Really?"
"Hm"*Dinner*
"Kailan alis nyo Irene?" tanong ni mom
"Bukas mom, 4:30am" sagot ko
"Sandra sasama kaba sa paghatid sakanila bukas?"
"Ah mom, kasama namin sya"
"Kasama? Isasama nyo sya sa cali?" tanong ni ate
"Yes" sabay naming sabi ni greggy
"Irene naman, hindi pa tapos pag aaral nya dito tapos iistorbohin nyo?" sabi ni manang