Greggy's Pov:
Nagising ako bigla dahil narinig ko ang mga taong kasama namin sa eroplanong sinasakyan namin na nagpapanic habang nagsasalita ang flight attendant
Tumingin ako sa asawa ko na mahimbing na natutulog katabi si Cassandra at ginising ko sila
"Hon gising mukhang nagkaproblema yung eroplano" pag gising ko at agad naman itong nagising
"Ha? Napano? Teka si Cassandra"
"Cassandra? Anak, gising" pag gising nya kay Cassandra pero hindi ito magising"Anak gumising ka" sa huling salitang iyon na binigkas ng asawa ko ay sa wakas nagising na rin si Cassandra.
"Tita irene? Bakit po?" tanong nya
"Anak, maupo ka ng maayos at mukhang nagkaproblema dito" saad ko na agad naman nyang sinunod at halata sa reaksyon nya ang takot
"Po? Nagkaproblema? Bakit? Tito, maliligtas po tayo dito diba? Makakalanding tayo ng safe diba tito, tita?" sunod sunod nyang tanong na hindi namin maisagot
"Anak hija, shh. Calm down ok? Makakarating tayo sa cali ng safe ha? Pray nalang po tayo ok? Magiging safe tayo, promise." pagkalma ni Irene sakanya
After non, nagsalita ang mga FA at ginawa naman namin ang inuutos nila para maligtas
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ni Irene na nasa tabi ko lang at agad na tinawagan sila bonget
Ilang minuto pa bago nya ito sagutin
"Hello, greg? Napatawag ka? Kamusta kayo?" panimula nya
"Bong, sana ayos lang kami. Nagkaproblema yung eroplano ngayon. Nandyan ba si manang Imee?" saad ko, rinig naman ang mga takot na sigaw ng mga kasama namin dito sa eroplanong sinasakyan namin.
"Ano kamo? Nagkaproblema? Ayos lang ba kayo? Anong nangyayari ngayon sainyo? Si Irene? Si Cassandra? Nasaan sila?" alalang saad nito
"Nandito sila, nagpapanic si Cassandra. Nasaan si manang?"
"Eto bumababa na"
"Manang! Tumawag si Greggy, hinahanap ka at nagpapanic daw si Cassandra!" rinig kong sigaw nya"Hello greg? Si Cassandra? Nasaan? Kamusta kayo? Ayos lang ba?" tanong ni manang habang ako, tinitignan ang asawa ko at si Cassandra.
"Pinapakalma sya ni Irene manang. Nakakapagsalita naman sya ng ayos, gusto mo bang makausap?"
"Oh sige, sakto nandito si rod ngayon."
-
"Greg sino yan?" tanong ni Irene saakin habang tinatapik ang likod ni Cassandra para kumalma sya
"Si manang Imee, anak kakausapin ka daw ng mommy mo"
-
"hello ma?" saad ni Cassandra
pagkasabi nya noon ay nagkagulo na ang mga tao na kasama namin sa eroplano kaya tinapos na ni Cassandra ang tawag.
"ma, mahal na mahal ko po kayo ni daddy--" saad ni Cassandra habang sinasalo ang mga luha nya
inend nya ang call at kinuha ko ang phone ko atsaka ko iyon inilagay sa bag ng asawa ko.
tinabihan ko sila sabay na niyakap kasabay ng paghulog ng eroplano.
-----------------------------------------------------------------
tapos? ano na mangyayari? HAHAHAHAHAHA
Irene's POV:
nagising ako dahil naramdaman ko ang pagdaloy ng tubig dagat sa paanan ko.