Not Yet Sure

131 0 0
                                    

Minsan  curious  lang ako, pano kaya kung pwede nating i-edit ang buhay? Yong tipong pag may mali pwede nating burahin at palitan ng tama, sana nga pwede yong ganun. Kasi sa totoo lang nagsisisi ako sa maraming pagkakamali ko sa buhay, pero wala na eh, hindi ko na mababago pa kung ano ang nangyari, habang nabubuhay siguro ako dadalhin ko na to lagi.

Magkababata kami ni Risa, magkaklase, matalik na magkaibigan ang turingan namin. Noon nangako kami na walang iwanan, na kahit anong mangyari mananatili kaming magkaibigan. Kala ko pangakong bata lang yon, pero mali pala ako, kasi naman sineryoso ko pala yong pangakong yon sa loob ko. 

Mabilis lang lumipas ang panahon, namalayan ko nalang patapos na kami ng Elementary, Nagsimula kaming maging high school, madami kaming nakilala lalo, nagkaroon kami ng ibang barkada sa loob ng school pero may mga pagkakataon pa rin na madalas kaming magkasama ni Risa, minsan kasama namin yong mga kaibigan nya, kung minsan naman yong  mga kaibigan ko. Naging madalas kami ang tinutukso kasi masyado daw kaming close, wala naman isa saming dalawa ni Risa ang nagpaapekto sa mga tuksuhang yon. Kasi sabi nga namin magkaibigan kami at alam namin kung ano ang totoo.

Lumipas rin ang ilan pang taon at naka-graduate na kami ng high school, masasabi kong mas lalo kaming naging close ni Risa, nagkaroon na rin kami ng barkada at masaya naman kaming lahat, napagkasunduan namin na magbabakarkada na sa iisang university nalang kami pumasok sa college para buo pa rin ang tropa at may mga happenings pa rin. At dahil sa iisang university lang kami naging maayos naman ang lahat. Ang hindi ko lang siguro napaghandaan ay yong mga susunod na pwedeng mangyari bilang college student.

Noong una parang high school lang, pero nung tumagal naging busy na kami, magkakaiba kami ng course kaya naging madalang ang pagkikita-kita ng barakada, at pati na rin kami ni Risa. BS Biology ang course ko kaya sobrang daming requirements at kung anu-anong research ang kailangang ipasa, kaya minsan kahit pagsilip man lang sa bahay nila Risa hindi ko na rin magawa. Madalas puro sa text nalang kami nagkaka-usap.

Akala ko ok lang ang lahat, nagulat nalang ako nagtext sakin ang barkada, may lakad  daw kami dahil may isi-celebrate daw, hindi ko man alam kung ano yon, I make sure nalang na makakarating ako. 

Nag-araw ng meet-up namin ng barkada ewan pero parang kinabahan ata ako? Naisip ko kasi pano pala kung ako lang talaga ang busy at sila hindi naman, malamang sila madalas nagkikita-kita pa rin baka naman set-up lang pala to para maaya lang nila ako, kaya medyo nahiya naman tuloy ako sa barkada.

Pero pagdating ko sa meeting place halos kompleto na ang barkada mukhang ako at si Risa nalang ang wala pa kaya pumasok na ko, natuwa ako nang husto dahil namiss ko talaga tong mga lokong to, masaya ang kwentuhan ng dumating si Risa, pero hindi sya nag-iisa dahil may kasama sya. Bumati muna sya samin isa-isa at nangumusta. 

Narinig ko nalang sabi ni Tonton, Oi Ris pakilala mo na yang Boyfriend mo kay Charles, total sya nalang naman ang hindi pa nami-meet ng BF mo eh.

Napatingin ako kay Risa, nagulat ako pero hindi naman ako nagpahalata, ipinakilala sakin ni Ris yong BF nya, nakipagkamay ako at nagcongrats sa kanila. Nagsimula nang umingay yong grupo namin pero ako pakiramdam ko natahimik ako, nahirapan ata yong utak ko na intindihin kong ano yong sini-celebrate namin dito. Ngumingiti lang ako pagtumatawa sila, tumatango lang ako pag may tinatanong sila pero hindi talaga ako nakikipag-usap ng maayos. Nahirapan na rin akong pigilan yong sarili ko kaya after ilang oras lang nagpaalam na ko na mauna na ko sa kanila, idinahilan ko nalang na may research paper pa ko na dapat tapusin dahil kailangang isubmit tom., kahit ang totoo tapos ko na yong gawin. Mabigat na kasi yong pakiramdam ko eh, hindi ko na kayang tumagal pa siguro. Bago ako mapayagang umalis medyo madami pa silang pangungunsensyang ginawa syempre pa. Pero at the end pumayag din naman na sila.

Not  Yet SureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon