Narining ko na may bumubulong sa tabi ko, may mga sinasabi sya pero hindi ko naman
maintindihan kung ano yon. Dahan-dahan kong minulat yong mata ko, medyo nasilaw pa nga
ako sa ilaw. Pagbaling ko sa side nakita ko si mama puno ng luha yong mata nya, tapos
para syang nashock na hindi ko maintindihan, ilang sandali pa bigla syang mabilis na
tumayo. Nakita kong nagsalita sya pero hindi ko masyadong narininggan. Mabilis syang
kumilos binuksan nya yong pinto, tapos may pumasok na nakaputing uniform at sa itsura
palang sigurado akong nurse sya. Hinawakan nya yong wrist ko at kinapa nya yong pulso
ko. Tapos maya-maya pa duamting na rin yong doctor, hinawakan nya yong mukha ko,
tianapat nya yong hawak nyang ilaw sa mata ko, alam ko kung para saan yon. Tapos kinabit
nya yong stethoscope pinakinggan nya yong tibok ng puso ko.
Ilang sandali pa kinabitan nila ako ng oxygen at naramdaman kong unti-unting gumaan ang
paghinga ko.
Ok na po ang anak ninyo misis wag na po kayong mag-alala, stable na po ang lagay nya,
pero kailangan pa rin po natin syang i-observe for 24 more hours para makasiguro. Narining
kong sabi ng doctor kay mama, pero hanggang ngayon umiiyak pa rin sya. Tapos bumukas
yong pinto, nakita ko si papa, lumapit sya kay mama at niyakap nya ito. Maysinabi si mama
at tumingin sya sa side ko, nakita ko sa mata nya yong tuwa, relief at worry. Lumapit sila
sakin. Niyakap ako ni mama, si papa hinawakan nya yong kamay ko, alam kong hilam na rin
ng luha yong mga mata ko. Matagal kami sa ganoong posisyon na para bang ang tagal nila
akong hindi nakita at nakasama.
Ma! tawag ko kay mama, tapos tumingin sya sakin puro luha yong mata nya pero binigyan
nya ko ng isang matamis at mapag-unawang ngiti. Hinaplos din nya yong pisngi ko.
It's ok kuya, sabi nya sakin. Andito lang kami ni papa. Patuloy nya pa tapos tumingin sya kay
papa, si papa naman tumango lang at pinisil yong kamay ko. Tapos naramdaman ko na
hinalikan ni mama yong noo ko.
Sa totoo lang naguguluhan ako sa nangyayari, pero alam kong may nangyari sa akin kaya
kami andito sa ospital. Naasksidente ako? Siguro, hindi ko matandaan pero sa ngayon
naiinis ako sa sarili ko dahil sobra kong pinag-alala si mama at papa at sigurado ako na pati
si con nag-aalala rin sakin.
Sabi ng doctor makakabuti daw sayo kung magpapahinga ka muna kuya. Sabi ni mama na
pumukaw sa mga tumatakbo sa isipan ko. Kaya sige na magpahinga ka na muna ha, patuloy
pa nya. Basta andito lang kami ni papa wag kang mag-alala. Tapos hinalops nya uli yong
pisngi ko, si papa naman lumapit at hinalikan ako sa noo tapos ginulo pa nya yong buhok ko,
binulungan nya rin ako na magpahinga na nga daw ako.
Tumango lang ako sa kanila. Tapos tuluyan na uli akong ginupo ng antok, na kahit pa
marami akong gustong itanong sa huli tuluyan na ngang pumikit uli ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Not Yet Sure
Short StoryMinsan curious lang ako, pano kaya kung pwede nating i-edit ang buhay? Yong tipong pag may mali pwede nating burahin at palitan ng tama, sana nga pwede yong ganun. Kasi sa totoo lang nagsisisi ako sa maraming pagkakamali ko sa buhay, pero wala na...