RISA'S POV (Part 1)

29 0 0
                                    

RISA'S POV

2 days na simula ng isugod ni Bry si Charles dito sa hospital pero hanggang ngayon wala pa rin syang malay. Sabi ng mga doctor na over daw sa intake ng alcohol kaya ngstop yong function ng heart nya, nagkadamage din daw yong brain part nya, nakasama rin yong halos 2 oras ang nakalipas bago sya nadala sa emergency.Ang tawag daw doon Alcohol Poisoning. sa ngayon nagawa na raw ng mga doctor ang lahat nakay Charles nalang daw kung kailan sya gigising o kung hindi na sya gigising. Simula ng nalaman ko na isinugod sya dito hanggang ngayon hindi pa rin ako umaalis sa tabi nya. ilang beses na kong pinilit ng mama nya na umuwi muna at magpahinga pero hindi ko magawang umalis sa tabi nya. 

Tanghali na nang sunday nang malaman ko na naisugod sa hospital si Charles, kung hindi pa ko pumunta sa bahay nila after namin manggaling sa Church hindi ko pa malalaman....

Con, bati ko sa kapatid ni Charles na nasa labas ng bakuran nila.

Ate Ris, andyan ka pala. kamusta na si Kuya? tanong nya sakin. 

ha? nalito ako sa tanong ni Con eh, diba dapat ako magtanong nun sa kanya.

Si kuya, ok na ba sya? tanong nya pa uli.

teka nga Con. sabi ko kasi nalilito na ko sa usapan namin eh. parang kahapon ko pa huling nakita si Charles, umalis nga yon na hindi nagpapaalam sakin eh. kay Mommy nya lang sinabi na nagkaproblema sya sa project nila at kailangan nyang makipagkita sa mga classmate nya. nakilang text ako, tinatanong ko hindi ako nire-replayn. bandang 5pm tinatawagan ko na para pabalikin sa bahay at ayaing doon na sya samin matulog total nakapagpaalam naman na ko kila Mommy at Daddy pero out of coverage area naman yong phone nya. tapos ngayon itong si Con sakin tinatanong kung kamusta na yong kuya nya? naman oh! sa isip-isip ko tuloy naku Charles pagnakita kita lagot ka na naman sakin. may usapan na eh hindi pa rin nagtino. ang dami ko ng naisip si Con litong nakatingin pa rin sakin, hay naman!

Ganito. sabi ko kay Con medyo lumuhod ako kasi nahirapan syang tumingala eh. 10 years old palang si Con, at baby pa talaga ang tingin sa kanya dito kila Charles. 

Una kaya ako nandito dahil hinahanap ko ang kuya mo. malumanay na sabi ko kay Con para maintindihan nya at nang hindi kami parehong lito.

Eh wala nga si Kuya dito. sagot nya naman sakin.

Nasaan? tanong ko naman sa kanya.

ganito kasi yan ate Ris, kagabi matutulog na kami ni Mama, wala pa si Kuya hindi pa rin tumatawag at hindi rin matawagan sabi ni Papa. Tapos biglang tumunog yong phone ni Mama si kuya tumatawag sabi ni Papa tapos binigay nya kay Mama. nakipag-usap si Mama sa phone tapos bigla nalang nag-iba yong itsura nya. tapos maya-maya umiyak hindi namin alam ni Papa kung sino yong kausap nya, nabitawan na rin ni Mama yong phone kaya kinuha ni Papa tapos sya nakipag-usap. tapos tinawag ni Papa si Manang sinabi nya patulugin ako dahil aalis sila ni Mama kasi si Kuya Charles nasa hospital daw isunugod. mahabang paliwanag ni Con pero hindi pa sya natatapos ang lakas na nang kaba ng dibdib ko.

Ha? sabi ko medyo tumutulo na rin yong luha sa mata ko. Anong nagyari daw kay Charles? tanong ko pa kay Con na walang tigil yong luha ko sa pagpatak.

Hindi ko alam kasi hindi pa umuuwi sila Mama at Papa eh. kaya nga kita tinatanong kanina pa ko nag-aantay nag-aalala na rin ako kay Kuya hindi naman namin alam kung saang Hospital sya. naiwan kasi yong phone nila Papa at Mama dito sa bahay eh.

litong-lito ako kung hindi alam ni Con at walang dalang phone sila tito at tita pano ko malalaman kung nasan si Charles. 

Charles! nasambit ko nalang yong pangalan nya habang panay pa rin ang tulo ng luha sa mata ko.

Not  Yet SureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon