Sorry........

36 0 0
                                    

Charles POV

Hindi ko maintindihan pero para akong galing sa matagal na pagkakahiga, parang mahirap

gumalaw? Pakiramdam ko hindi nagpa-function ng maayos an mga muscle ko? Masakit din

ang ulo ko na para bang may makapal na tubo sa loob? God! Hindi ko maindihan ang

pakiramdam ko, ano ba naman to? Huh?

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko, naramdaman ko na napagalaw ko yong daliri ko sa

kaliwa kong kamay, pero mabigat talaga sya. Ginalaw ko uli, medyo nabawasan na yong

bigat, pero bakit parang napapagod ako ng husto? Nalilito na kong talaga.

Teka nasan ba kasi ako? Bakit parang hindi ko maimulat ang mata ko? Ang huli kong

naaalala, nasa unit ako ni bry di ba? Anu ba naman to?sumasakit yong ulo ko, at parang

bumibilis ang tibok ng puso ko, at hindi ko pa rin maimulat ang mga mata ko na para bang

may nakadagan talaga? Gusto ko rin magsalita pero tuyo't ang lalamunan ko at wala talaga

akong kahit katiting na lakas.

Ilang sandali pa naramdaman ko na parang may commotion na nangyayari sa paligid ko,

mabilis ang paggalaw nang mga nasa paligid. Naramdaman ko parang may nilagay sa bibig

ko at unti-unti gumaan yong pakiramdam ng dibdib ko na para bang biglang may nagtanggal

ng mabigat na bagay na nakapatong doon kanina. Naramdaman ko rin na nagkaroon ako ng

source ng air sa lungs ko, dahil sa totoo lang kanina parang kinukulang ako sa hangin.

Maya-maya pa naramdaman ko rin na hindi na ganun kabigat yong pakiramdam ko pero

nanghihina pa rin ako na parang unti-unti gusto kong matulog, na para bang yon ang tama

kong pwedeng gawin ang matulog. Naramdaman ko pa rin na nagkakagulo sa paligid ko

pero wala na akong lakas at ayoko nang magpumilit pa, kaya hinayaan ko na ang sarili ko na

tuluyan na akong talunin nang antok, pero bago ko tuluyang makatulog, hindi ko alam kung

totoo o imagination ko lang pero nakita ko si Ris. Gusto kong ngumiti sa kanya, gusto ko

syang ilapit sakin, pero dahil hinang-hina na ako, unti-unti nawala na rin si Ris, naglalaho na

yong imahin nya sa paningin ko, gusto ko syang tawagin para bumalik sya pero mahina na

talaga ang pakiramdam ko, wala na talaga akong lakas...........

Sorry Ris! Yan nalang ang nasa isip ko............. Sorry!...

Not  Yet SureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon