Chapter 2 - Intramurals

117 5 0
                                    

Catherine's POV

Intramurals nun Opening ng Basketball game bukod sa kasama ang Bestfriend kong si Mark, ay kasama din ang super crush kong si Eric, magkalaban ang team nilang dalawa kaya hindi ko tuloy alam kung sinong kakampihan ko.

Nagsimula na ang game at everytime na makakashoot ang isa sa kanilang dalawa  napapasigaw at napapatayo ako, yun nga lang mas malakas ang sigaw ko pag si Eric yung nakakashoot, syempre love of my life ko ata siya!

Kala gitnaan ng game at mas lamang ang grupo nila Eric, Hahahaha! Ang Galing talaga ng loves ko :) Pero may nakakainis na pangyayari ang naganap... 

Nung huling round bago I-shoot ni Eric yung bola  ay sumigaw siya ng "Para sayo toh!"  habang nakatingin dun sa isang magandang babae mula sa audience. Whaaaa!! Sobrang! Grabeng! Nakakaselos!! Ang swerte naman nung babaeng yun ...

Sa huli sila Eric ang nanalo, gusto ko sanang I-Congrats siya, kaya lang napaligiran na agad siya ng mga bababe, kaya hinanap ko na lang si Mark, pumunta ako ng locker area at dun ko siya nakita...

" Bhest!!! Ang galing galing mo kanina ah!!

" Weh? Pano mo  alam? Eh di ba kay Eric lang naman nakadikit yang mga mata mo?"

" Hala! Hindi ah! Ang exagge mo naman! nakadikit talaga ?! Ang OA mo ahh!"

" Sus! Oo kaya!"

" Chini-Cheer nga kita pa nga kita ehh! Sumisigaw ako pag nakakashoot ka!"

"Whooo!! Kaya pala!! Pag ako nakakashoot hindi ko halos marinig sigaw mo, pero pag si Eric nakakashoot nangingibabaw boses mo !"

(Hahaha! Tama siya dun ah?! :D)

"Hala hindi ahh!"

"Kaya pala! Dun ka na sa kanya! Che!"  (Pa-Irap siyang tumalikod sa akin)

"Ang landi mo bhest! Konyatan kita dyan eh! Ipakain ko sayo yung bola ng basketball eh, tapos isho-shoot kita sa ring! HAHAHAHAHAHA!! "

Nagpout lang siya sabay walk-out! Hahahaha!

Pagkatapos kong asarin si Mark inaya ko  na siya sa cafeteria para magpalibre. Haha! Pagpunta namin sa cafeteria, nakita ko dun si Eric kasama ang team niya at kasama yung babaeng sinigawan niya bago magshoot, magkatabi silang dalawa at parang ibang -iba yung ngiti ni Eric sa kanya :(  Sobrang nasaktan ako, parang ginupit-gupit sa maliliit na piraso ang puso ko. Napansin ni Mark ang pagka-lungkot ko at ka-agad niya akong tinanong.

"Oh? Bhest?  Napaano ka?"

"Anong napaano? Bakit?"

"Bakit bigla ka atang nalungkot? Kanina anlakas mong mang-asar ngayon parang bigla kang natahimik?"

"Ha? Wala." (Napako ang mga mata ko kay Eric at hindi ko ito mai-alis)

"Dahil ba sa kanya?"

"Ha? Dahil kanino?" (Napatingin ako kay Mark at nakita kong nakatingin siya sa tinititigan kong si Eric ) "Ha?! Hindi nuh!"

"Ay Naku! Kilala kita! Sus si Eric lang yan Bhest! Tara kumaen na nga tayo!

Yumuko at tumayo na lamang ako para umorder ng kakainin namin ni Mark, nanatili si Mark sa table namin. Pagkatapos kong umorder ng masarap na strawberry sundae para sa akin at hotdog sandwhich para kay Mark ay naglakad na ako para pumunta sa table namin. Lutang pa rin ang isip ko, nasaisip ko pa din ang kakaibang ngiti ni Eric sa piling nung babaeng yun. Habang naglalakad ako, nagulat na lang ako ng may bigla akong nabanggang isang lalaki, tumapon yung masarap na strawberry sundae ko sa damit niya, naka-jersey ito at nang itaas kong ang ulo ko para tingnan ang  mukha niya, ay nabitawan ko ang tray na hawak ko, dahil sa sobrang  gulat ko . Si Eric, Si Eric yung natapunan ko ng strwaberry sundae, nataranta ako at hinalughog ko ung bulsa ko para humanap ng panyo para punasan  siya pero pinigilan niya ako at ngumiti siya.

"Look Miss. It's ok. Magpapalit na rin naman ako eh." (Iniabot niya yung tray na nabitiwan ko pati yung hotdog sandwhich.) " Here's your food."

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, naktitig lang ako sa mga mata niya.

"uhm. Sige. Mauna na ko ahh. See you around."

Hindi ako nakapagsalita na parang na glue yung mga bibig ko, matagal pa bago ko narealize na mukha na akong tanga dun na nakatayong mag-isa. Sa Sobrang pagkahiya ko, patakbo akong pumunta sa table namin ni Mark. Naglalaro si Mark sa laptop niya ng dumating ako, binaba ko yung tray na may hotdog sandwhich , gulat na gulat si Mark sa akin. Hingal na hingal ako, dahil sa pagtakbo ko at dahil na din siguro sa sobrang hiya ko sa nangyari.

"Oh? Anung nangyari sayo ba't hingal na hingal ka???" (Nakatingin sa akin si Mark na parang naweweirdohan na ito.)

Hindi ko sinagot ang tanung niya .

"Uy! Cath! Bhest?! Anung nangyare? Nahabol ka ba ng Aso?? Pero teka wala namang aso dito sa Campus. Ano bang nagyare?"

"Uy! Bhest?! Anu bang nagyare? asan yung strawberry sundae mo? Don't tell me kaya ka hinihingal  ay dahil pinilit mong ubusin yung strawberry sundae para hindi ako makahingi, Andaya talaga neto eh! Andamot!"

Hindi ko pa rin siya pinansin .. Nakatulala lang ako. Nasaisip ko pa din ang sobrang nakakahiyang pangyayari.

"Bhest? Ok ka lang ba?

"Tumapon." (Nakatulala ako habang kausap ko si Mark)

"Tumapon??? Ang Alin???"

"T-u-ma-pon, N-a-k-a-ka-hi-ya..."

"Ha? Anu ba? Alin ba yung tumapon?"

"Yung Strawberry Sundae." (Napatingin na ako kay Mark bakas sa mukha niya ang sobrang pagtataka.)

"Ohh. Anu naman. Binibiro lang naman kita about dun sa strawberry sundae eh, Ikaw naman sineryoso mo agad."

"Sus! Hindi yun Bhest!

"Eh ano ba kasi yun???"

"Natapunan ko siya! Nakakahiya!"

"Sino ba??"

"Si Eric Bhest! Si Eric Whaaaa!!! Nakakahiya!!!"

Tumawa lang si Mark, napayuko na lang ako hiyang-hiya naman kasi ako sa tawa niya eh. Ikinuwento  ko kay Mark ang nangyari at tinawanan lang niya ako.

"Hahahaha! Bhest may galit ka ata kay Eric eh. Nagselos ka lang , tinapunan mo na agad ng sundae. hahahahaha! (Patuloy lang sa pagtawa ang sobrang supportive kong bestfriend.)

"Hindi nuh! Never kong sasadyaing tapunan siya ng kahit ano! Never!

"Hahaha! Kung may galit ka sa kanya sabihin mo wag ganun xD! Hahahahaha!"

"Hindi nga ko galit sa kanya! Never akong magagalit  sa Loves ko!!"

Patuloy pa din sa pang-aasar at pagtawa si Mark, hangang sa na Badvibes na ako kaya nagwalk-out ako.

A Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon