Chapter 5 - Mark's POV

68 3 0
                                    

Mark's POV

Ako nga pala si Mark, "Mark Daniel Perez", makulit daw ako sabi ng iba. Bestfriend ko si Catherine,"Catherine Paula Marquez". Mabait, maganda, at sobrang kulit na bestfriend. Bata pa kami ng maging magkaibigan ang mga magulang namin, kaya yun lagi kaming magkasama. Kung saang school siya ilipat dun din ako.Bestfriend ko siya pero hindi niya alam kung sinong first love ko. Ayoko din namng sabihin kasi, siya yun. Siya ang First Love ko. Uhm. Hindi na niya siguro naaalala pero nung mga bata pa kami naglalaro kami ng kasal kasalan, Siya yung bride at ako yung groom. Sabi niya sa akin dati ...

"Gusto ko paglaki natin, Ikaw ang maging groom ko. Gusto kong magpakasal tayo sa magandang-magandang simbahan tapos magsusuot ako ng magandang-magandang gown yung pang princess."

"Oo tapos ako naman nakasuot lang ng pambahay! HAHAHA!

"Eeeh!! Anu ba yan dapat naka-Barong ka sa kasal natin!"

"Ano ako? Patay?! HAHAHA!"

Lalapit siya kay mama at isusubong ako.

"Eeeh!! Tita si Mark oh!"

Napapangiti ako pag-naaalala ko yun, sana ganun pa din siya ngayon, sana ako pa din ang gustuhin niyang maging groom niya, kaso mukhang malabo na yun eh, kasi may iba siyang gusto. Si Eric yung heart throb sa campus, di naman siya ganun kagwapo eh, Mas gwapo pa ko dun! Naiinis nga ako kasi lagi niya yung hinahanap, Natatakot ako na baka siya na ang gustuhin ni Catherine na maging groom niya.

Ginagawa kong lahat para mapantayan ko si Eric, lahat ng clubs na sinasalihan niya, sinasalihan ko din, tapos sumali ako ng basketball, bumuo ako ng sarili kong team.

At nung Intramurals na, nakalaban namin sila Eric.

Nang magsimula ang laro, ginawa ko lahat, ginalingan ko pero, nawala yung lakas ko ng makita kong kay Eric laging nakatingin si Catherine . Nasaktan ako. Sumali ako dito para mapansin ni Catherine pero hindi man lang niya ako napansin, lagi niyang tinititigan si Eric, pagnakakashoot si Eric, todo sigaw siya. Sobrang sakit nun. Sana ako na lang si Eric.

Sa huli sila Eric ang nanalo, sobrang lungkot ko nun kaya dumirecho na ako agad sa locker area after nung game, pero nawala ang lungkot ko ng dumating si Catherine tumakbo ito papalapit sa akin.

" Bhest!!! Ang galing galing mo kanina ah!!

Halatang-halat na nagsisinungaling siya, panu niya mapapansin na magaling ako samantalang  kay Eric lang naman siya nakatingin.

" Weh? Pano mo  alam? Eh di ba kay Eric lang naman nakadikit yang mga mata mo?"

" Hala! Hindi ah! Ang exagge mo naman! nakadikit talaga ?! Ang OA mo ahh!"

Sus! Dine-deny pa niya, akala niya siguro hindi ko siya tinitingan, kung alam lang niya.

" Sus! Oo kaya!"

" Chini-Cheer nga kita pa nga kita ehh! Sumisigaw ako pag nakakashoot ka!"

Sumisigaw daw?! Kaya pala! Talaga tong bestfriend ko eh! Barbero! Hindi ata sigaw yun eh! bulong ata yun!  Pag ako nakakashoot paos yung sigaw niya, Pag si Eric nakakashoot  nangingibabaw yung boses niya sa buong stadium.

"Whooo!! Kaya pala!! Pag ako nakakashoot hindi ko halos marinig sigaw mo, pero pag si Eric nakakashoot nangingibabaw boses mo !"

"Hala hindi ahh!"

Todo deny talaga ang Bestfriend ko. Ay Suusss!

"Kaya pala! Dun ka na sa kanya! Che!"

Inirapan ko siya, Arte-arte din para suyuin niya ko.

Pero imbis na suyuin niya ko, ito ang sinabi niya.

"Ang landi mo bhest! Konyanatan kita dyan eh! Ipakain ko sayo yung bola ng basketball eh, tapos isho-shoot kita sa ring! HAHAHAHAHAHA!! "

Tuloy lang siya sa pagtawa, grabe siya nuh! Dapat nga suyuin niya ko kaso hindi eh! Nagwalk-out tuloy ako.

After  nun, niyaya ako ng mahiyain kong bestfriend sa cafeteria para magpalibre oh di ba? Sabi ko sa inyo mahiyain siya eh. Pagdating namin dun, napansin kong nakatingin agad si Catherine sa table ni Eric, naglakad kami papunta sa table namin napansin kong malunkot si Catherine kaya tinanong ko siya.

"Oh? Bhest?  Napaano ka?"

"Anong napaano? Bakit?"

"Bakit bigla ka atang nalungkot? Kanina anlakas mong mang-asar ngayon parang bigla kang natahimik?"

"Ha? Wala." (Napansin kong nakatitig siya kay Eric.)

Tiningnan ko si Eric at tinanong ko  si Catherine.

"Dahil ba sa kanya?"

"Ha? Dahil kanino?" (Napatingin siya sa akin at nakita niyang nakatingin ako kay Eric.) Ha?! Hindi nuh!"

"Ay Naku! Kilala kita! Sus si Eric lang yan Bhest! Tara kumaen na nga tayo!

Tinapos ko na yung conversation namin, ayokong marinig na sabihin niyang nalulungkot siya dahil kay Eric. Sobrang nasasaktan ako pag nakikita kong nasasaktan siya dahil kay Eric. Tumayo na siya para umorder ng kakaini namin.

Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik na si Catherine, hingal na hingal siya sobrang gulat na gulat ako sa pagdating niya, Pano ba naman kasi ang lakas ng pagbagsak niya ng tray na hawak niya sa table. Kinausap ko siya at tinanung kung ano ang nangyari pero, hindi niya ako pinapansin. paulit-ulit ko siyang tinatanung at ng tanungin ko siyang muli, dun sumagot na siya. Nakit ko sa mukha niyang hiyang-hiya siya at dismayado. Natapunan daw niya ng sundae si Eric. Nang marinig ko ang kwento niya nasaktan ako, sobrang big deal sa kanya ang nangyari, kitang-kita ko sa mukha niya na malungkot siya. Tinawanan ko ang kwento niya para hindi niya mahalata na nasasaktan ako. Inasar ko siya ng inasar, gusto ko lang namang mapatawa siya pero nabadtrip siya. Nagwalk-out siya at pumunta sa locker area, ng sundan ko siya, nakita ko na tahimik siyang nakaupo dun, kaya ginulat ko siya, tawang-tawa ako sa mukha niya kasi ang cute niyang magulat.

Nagsorry ako sa kanya pero tinalikuran niya ako, nhalata ko sa mga mata niya na iniisip pa rin niya ang nangyari, iniisip pa rin niya si Eric. Nakaramdam ako ng sobrang selos, kaya iniharap ko siya  sa akin at isinandal ko siya sa locker, hindi ko mapigilan ang sarili ko parang gustong-gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya , pero alam kong hindi pa ito yung right time. napatingin ako sa mga labi niya hindi ko halos mapigilan ang sarili ko, at gustong gusto ko siyang halikan, kaya inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, napansin kong kinakabahan siya, kaya naisip kong hindi ko ito dapat gawin. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at tumawa ako, para isipin niya na binibiro ko lang siya. Nakita ko sa kanya na sobrang kinakabahan siya.

Tinawanan ko siya at inasar, pinagpapalo niya ako sa braso. Inis na inis siya. Hiniwakan ko ang kamay niya at pinigil ko ang pagpalo niya, ngumuso ako at biniro ko siya na halikan niya ko pero isang malutong na sampal ang inabot ko. Grabe! Ang sakit!!! sobrang gulat na gulat ako nun. Tumakbo siya papalayo at hinabol ko siya, naghabulan kami, para kaming mga bata.

Sobrang saya ko pagkasama ko siya, Tumitigil ang mundo ko pag ngumingiti siya, pagkasama ko siya wala akong nakikitang iba. Hinding-hindi ko pagsasawaang makinig sa kwento niya, kahit si Eric pa ang paborito niyang topic. Mahal ko talaga ang babaeng toh. Mahal na Mahal.

A Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon