Chapter 9 - Revelation Of His True Feelings

51 2 0
                                    

Continuation lang toh nung Chapter 8  :) Hope you'll like it !

--

Kinabukasan may nakita akong letter sa locker ko, It's from Mark.

"Good Morning! Sorry about what happened Last Night. Kita tayo sa Rooftop after class." 

Pagkatapos kong basahin yung letter ay dumirecho na agad ako sa Classroom, pagpasok ko andun na si Mark, umupo na ako sa tabi niya. Sobrang tahimik niya, hindi ako sanay halos buong class hours hindi siya nagsasalita. Hangang sa Class dismissal na. Na-unang lumabas si Mark. Parang iniiwasan niya ko. Bakit kaya?? Hayss.

Naglocker lang ako then dumirecho na agad ako sa Rooftop.

Pag-akyat ko nakita ko dun si Mark nakatayo, at nakatingin sa malayo.

"Mark? Bhest?

Lumingon si Mark. Nakangiti pero parang hindi siya ganun kasaya.

"Andyan ka na pala bhest."

"Oo kanina pa HAHAHA! Hoy! Ikaw! kanina ka pa tahimik, hindi mo ko pinapansin may problema ba?"

"Wala naman. I just want to say sorry about what happened last night. Medyo lasing kasi ko. Naka-inom ehh."

"Ok lang yun bhest! hahaha! May maganda ngang nangyari dahil sa ginawa mo ehh."

"Ah. Talaga?"

"Oo! Nagkausap kami ni Eric! Inihatid pa nga niya ako eh. Tapos..."

Hindi pa man din ako nakakatapos magkwento ay biglang nasalita si Mark..

"Catherine. I Love you." (Seryoso ang mukha niya, kung ano ang mukha niya nung time na akala ko hahalikan niya ako, mas seryoso pa dun ang mukha niya.)

"Kaw naman bhest, andrama mo. I LOVE YOU MORE!" (Niyakap ko siya.)

Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya. 

"Catherine. You Don't Understand."

"Ha? Anung hindi ko naiintindihan?" (Ang gulo niyang kausap.)

"I-I-Love You! I Love you more than friends. Mahal kita! Gustong gusto kita!" (Sobrang seryoso ng mukha niya.)

Nagulat ako sa mga narinig ko mula sa kanya. Parang hindi kayang i-absorb ng utak ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala. Naguguluhan ako.

Nagpatuloy si Mark sa pagsasalita...

"Mga bata pa lang tayo, Ikaw na ang gusto ko. Kaya nga hindi kita matiis. Mahal na Mahal kita! Pero, pero napaka manhid mo! Sumali ako sa clubs para mapansin mo, sumali ako ng basketball para mapansin mo, kaso HINDI eh! Si Eric lang ang laging laman ng utak mo! Andito naman ako! Andito! Lagi akong nasa tabi mo pero hindi mo yun nakikita!!!"

Ramdam ko ang galit at sakit na nararamdaman niya.

"P-P-Pero M-M-Mark." (Napayuko lamang ako.) "Sorry."

"I Love you Catherine! I Love you! Kung pwede lang na maging ako si Eric kahit, kahit isang araw lang lang, para maramdaman ko kung gaano kasarap ang mahalin ng isang tulad mo."

Naiiyak si Mark habang nagsasalita, sobrang nakukunsensya ako. Ayokong nakikitang nasasaktan ang bestfriend ko pero, ako pala mismo ang nananakit sa kanya. :'(

"Mark. I'm so Sorry" (Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang tumulo ang luha ko.)

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Catherine. Can I court you?"

"Ha?" (Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya.) "P-P-Pero M-Mark we're Bestfriends."

"Please.Gusto kong ipakita sayo kung gaano kita kamahal."

"Kasi- Pero hindi pa ako handa. Hindi ako sanay."

"Please Catherine. Please. Masasanay ka din naman eh."

"Sorry." (Tatalikuran ko na sana siya pero, pinigilan niya ko.)

Lumuhod siya sa harap ko, habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Catherine.Please. H-hindi  ako umaasang sasagutin mo ko o mamahalin mo ko, gusto ko lang maramdaman mo kung gaano kita kamahal."

Naawa ako sa bestfriend ko. First time ko lang makitang umiyak ang bestfriend ko, kahit anong dumaang problema sa buhay niya never ko siyang nakitang umiyak. Habang tinititigan ko ang mga mata niya naalala ko nun ng maghiwalay ang parents niya.

"Ok lang yan bhest. Ok lang yan."

"Ok lang talaga ko." (He Smiled at me.)

"Alam mo sobrang tatag mo bhest, kasi kahit anong problema dumating sayo nginingitian mo lang."

"Iiyakan ko lang naman ang isang bagay pag hindi ko na kaya eh."

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi niyang yun. Habang tintitigan ko ang mga mata niya, unti-unti ding pumatak muli ang luha ko. Kaya siya umiyak kasi hindi na niya kaya, grabe pala ang sakit na naidulot ko sa kanya.

"Catherine. Please. Please Let me love you."

Itinayo ko siya sa pagkakaluhod niya.

"Ok. Wag ka lang magbabago ahh." (Niyakap ko siya ng mahigpit para kahit papaano mapawi ko ang sakit na naidulot ko sa kanya.) "I'm Sorry Mark. I'm so sorry."

"Hayaan mo lang mahalin kita. Sapat na yun sa akin."

___________________________

Abangan niyo yung kasunod ah.. Bibitinin ko muna kayo for now. Salamat sa pagbabasa. Baka matagalan pa bago ko mai-update tong story pero sana antayin nyo pa din yung kasunod :) Ipopost ko na lang sa Facebook or sa twitter kung may next chapter na :)

A Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon