Step 6

1.1K 55 16
                                    

**Last na ito kaya full support na ha? I-share nyo rin o kaya i-status para maspread sya. (#GMEBO) haha. Thanks sa lahat ng sumubaybay! Muah!  ;">

----o0o----

Heto na ang step 6, "Let him fall back." 

Nakakaramdam ako ng excitement pero medyo pinipigilan ko kasi masakit ang umasa. Ang maganda nito, hindi lang ako natutuwa sa mga nangyayari. Tumawag kasi ang pinsan ng Ex ko kanina na ang kulit daw ng kuya nya. Ang lively daw nya pagkagaling samin. Ibig sabihin non hindi ako nagkakamali na may improvement talaga. 

At heto pa, tumawag ang Ex ko tsaka ako niyaya sa reunion party ng pamilya nila. Sinong hindi maeexcite diba? Ang dahilan nya, nakakainip daw ang ganun at hindi naman daw sya close sa kamag-anak nila. Eh kami close na ba ulit? Feeling ko tuloy kinoconsider nya akong part ng family. 

Nakakaloka ang mix feelings na nararamdaman ko. 

Hindi na awkward pag nandyan ang Ex ko at malaki ang chance na magkabalikan kami pero nakakatakot isipin na pang friends lang ang lahat ng pinapakita nya. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa kanyang isip kaya napaparanoid ako. Ang sarap umasa na nakakapangamba din at the same time. Yung ganon? 

Dumating ang araw ng reunion party. Niyakap ako ni tita, ang mama ng Ex ko, ng pagkakita sakin. Ang ikinabigla ko ay ng sabihin ni tita na proud daw sya sa anak nya at kami parin hanggang ngayon. Na hindi nya ako pinabayaan. Kung ganon, hindi alam ni tita na nagbreak na kami? Dapat ba akong matuwa? 

Napapaisip tuloy ako kung gusto talaga akong isama dito ng Ex ko o gusto nya akong magpanggap na kami pa. 

Gusto ko sanang itake advantage ang oportunity na ito pero parang hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay sinasakal ako ngayon kaya hindi ko kayang magsalita. Ngumiti nalang ako. Matapos non ay umalis na si tita para puntahan ang iba nilang kamag-anak. 

Gusto ko ng umuwi. 

Ayaw ko na dito. 

Gusto kong makapagisa. 

Ayaw ko munang makita Ex ko. 

Naglakad nako para makaalis sa lugar na yon pero pinigilan ako ng aking Ex sa paghawak sa aking kamay. Inalis ko iyon at hinarap ko sya. Ang ayaw ko ay ng sabihin nyang saan ako pupunta. 

Manhid ba sya o nananandya? 

We both know na break na kami. Pasalamat pa nga sya at di ko binuking ang kasinungalingan nya tapos sasabihin nyang san ako pupunta? Gusto ba nyang ituloy namin ang pagkukunwaring kami pa? Aware sya na malaki ang pagmamahal ko sa kanya at iyon siguro ang ginagamit nya para makuha ang kanyang gusto. Oo, gusto kong maging kami ulit pero hindi yung peke lang. 

Heto na nga ba ang sinasabi ko. 

Masyado akong umasa at ayan masyado akong nasasaktan. Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha at masabihan sya ng I hate him. Tumakbo na ako matapos. 

Disappointed ako sa sarili ko dahil masyado akong naging tanga at sa kanya dahil heto pala ang kanya hidden agenda, ang gamitin ako. 

Nakarating ako sa isang parte ng venue kung saan walang ibang tao. Doon ay umiyak na ako para mailabas ang sama ng aking loob. Nilabas ko ang papel na may listahan ng steps ng operation ko. 

Super fail. 

Wala naman palang kwenta ang step 6 dahil wala naman akong naachieve sa step 1 to 5. Akala ko nagawa ko ng tama. Nakakainis. Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa makaramdam ako ng kamay sa akin tyan. May yumakap mula sa aking likuran. 

Ang Ex ko. 

Nabitawan ko ang papel dahil don at kukunin ko sana pero mas humigpit ang kanyang yakap. Kita kong nilipad ng hangin ang papel. Pero bakit ko pa nga ba hinahabol yon e fail na nga ang operation? Ang laki kong patawa. 

Hindi ako umiimik. Basta lang syang nakayakap hanggang sa makaramdam ako ng tubig sa aking balikat. Lumuluha ang Ex ko. Doon ay nagsalita na sya. 

Wag ko daw syang iiwan ulit. 

Mas lalo tuloy akong hindi makapagsalita. Ang sabi pa nya, hindi na nya daw kakayanin ang mawala ulit ako. Wag daw akong magalit kung hindi nya inamin kina tita na matagal na kaming break. Kahit sya daw kasi ay hindi nya tanggap na wala na nga kami kaya hindi nya kayang sabihin sa kanila. 

Nagpasorry din sya sa hindi nya pamamansin sakin nung una. Inamin nya na nahihirapan din sya noon pero hindi pa nya ako kayang harapin kaya ganon nalang sya. Ang sarap pakinggan lalo na ng sabihin nyang miss na miss na nya ako at Mahal parin nya ako. 

Lalo tuloy akong naiyak. But this time, it's because of happiness. Tears of joy ika nga. Palpak talaga ang list ng operation ko. Let him fall back? Susme. Hindi naman pala nawala ang feelings nya sakin eh. Siguro nakatulong nga pero ang masasabi ko lang, nasa tao ang lahat. 

Malamang tapos na talaga kami ngayon kung hindi ko pinaglaban ang feelings ko. Wala talagang nagagawang maganda ang pagsuko kahit kailan. Basta tama ang ginagawa dapat go lang so you can your live life happily. 

Inalis ko na ang pagkakayakap nya sakin tsaka ko sya hinarap at hinalikan. Bakit ba? Lalaki nalang ba lagi magistart ng kissing scene sa ending ng story? 

"Getting my Ex back" Operation

SUCCEEDED!

----o0o----

Copyright © 2013 All Rights Reserved by BelomaCassidy

"Getting my Ex back" Operation [ Short / Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon