Step 5

946 24 6
                                    

**Hey, may website pala ako. Visit mo kung may time ka. "cassidysite.yolasite.com"


SALAMAT! =D

----o0o----

Malapit ng matapos ang operation ko. Nasa step 5 na, "Bring him to the past."

Alam kong imposibleng maibalik ang oras pero pwede namang ibalik ang dati diba?

Kailangan kong iparealize sa kanya ang nasayang naming nakaraan. Dapat nyang maintindihan kung ano kami noon. Kailangan kong ipadama sa kanya ulit kung gaano kasaya ang mabuhay kasama ang taong mahal. Dahil ako namimiss ko na ang ganon.

Sobra.

Two days na ang nakakaraan simula ng sabihin sakin ng Ex ko na pansinin ko daw sya. Actually wala namang nangyari matapos non. Napatingin lang ako sa kanya at nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Hindi nya ata sinandyang sabihin yon. Tapos non, tumayo na sya at pumasok sa kanyang kwarto.

Ayun. Ganon lang.

Maganda sana kung kinulit nya ako tapos kunwari non akong pakipot. Edi may kilig factor. Kaso wala eh. Iniwan nya lang ako sa sala. Mag-isa.

Nasa mall ako ngayon para bumili ng mga kung anu-anong ginagamit ko araw-araw. Masyado ata akong nag-enjoy sa pamimili dahil pauwi nako ng mapansin kong puno na pala ng plactic bags ang big cart ko. Wala pa man din akong dalang kotse kaya ayan, bigla akong namroblema.

Pumunta na muna ako sa isang fastfood tsaka kumain at nag-isip ng gagawin. Wala kasing mga taxi dito. Hindi naman kasya dala ko sa tricycle. Sa jeepney nalang sana kaso pahirapan naman yun sa mga sumasakay at bumababa. Nakakahiya yun.

Biglang tumunog ang aking cp. Tumatawag ang pinsan ng Ex ko. Doon ako nakaisip ng gagawin. Pinakiusapan ko syang tulungan ako kung wala naman syang ginagawa. Ang bilis ng pagsagot nya ng oo at pagbaba ng tawag. Para syang naexcite.

Lumipas na ang maraming oras pero wala pa sya e ang lapit lang nila sa mall. Ano kayang nangyari? Ginala ko ang paningin ko sa paligid para makita sya pero iba ang aking nakita.

Ang Ex ko.

Para syang nabigla ng makita ko sya. Para pa ngang magtatago eh. Sa huli ay lumapit sya sa akin at niyaya na akong umuwi sabay hawak sa big cart na may gamit ko.

Anong trip nya?

Nahalata na nya siguro na nagtataka ako. Sinabi nya na pinapunta daw sya ng kanyang pinsan dahil may ginagawa ito which gave me an idea. This a chance for my operation.

Walang kibuan hanggang sa makarating kami ng Ex ko sa kotse nya. Grabe, napuno ang kotse ng pinamili ko. Nagstart na syang magmaneho. Naisip kong itaas ang dalawa kong paa sa front ng kanyang kotse at kunin ang aking cp para maglaro. Pasimple ko itong ginawa. Narinig ko sunod ang mahina nyang tawa at ang sinabi nyang wala daw akong pagbabago.

Sinagot ko naman sya na di naman talaga ako nagbago. Double meaning yon. Hindi nagbago ang manners ko at ang feelings ko sa kanya. Sana gets nya yun.

Naging natural sunod ang convesation namin. Kinumusta nya sina mama, papa at lil brother ko. Ang sarap sa feeling yung alam kong lumiliit ang wall sa pagitan namin. Niyaya ko pa nga syang pumasok sa bahay pagkarating namin.

Pinaghanda ko sya ng merienda at sinadya kong gamitin ang kanyang sariling baso dito samin. Natawa nga sya nung nakita yon. Namiss nya daw bigla. Haay, sana ako rin diba? Kasi ako, miss na miss ko na sya.

Inayos ko rin ang pagkain na parang face ng tao, na dati kong ginagawa sa kanya. Niyaya ko sunod sya sa gaming room ko sa bahay. Naamaze nga sya kasi wala daw pinagbago ang kwarto. Syempre dahil ang dami naming memory dito kaya hindi ako papayag na may mag-iba nito.

Nakipagkulitan ako sa kanya at buti ay may responce na sya ngayon. Hindi gaya nung una na iniignore ako.

Sana heto na nga ang start namin.

Dumating ang gabi kaya pinauwi ko na sya. Pero ang totoo gusto ko pa syang magtagal. Hinatid ko sya hanggang sa gate namin. Ang sabi nya bago umalis, nakakamiss daw pala ang dati.

Sa uulitin daw.

Grabe, ang saya ko! Pinanggigilan ko pa nga ang unan ko ng nasa bedroom na. Kakilig kasi eh.

Success kasi ang step 5 kaya move nako sa last step ng Operation...

----o0o----

**Last UD na bukas. Magiging successful kaya sya? Pls don't forget to VOTE. Thanks sa support! ^_^

-->BelomaCassidy

"Getting my Ex back" Operation [ Short / Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon