Step 3

959 22 1
                                    

**Hey, like mo ba itong story? Try mo rin iba kong gawa. Abuso ba? Haha. XD

----o0o----

Nasa 3rd step na ako which is "Prove your worth."

And guess what? Kasabwat ko pa ngayon ang pinsan ng Ex ko.

Walang pasok ngayon. Mahaba ang oras ko para sa step 3. At heto ako ngayon sa tapat ng bahay ng Ex ko. Sya pa nga ang nagbukas ng gate pagkadoorbell pero halata sa mukha nyang hindi ako welcome.

Haay, laki nga ata ng galit nya sakin? Ako dahilan kaya nagkaganito ang taong mahal ko kaya ako ang gagawa ng paraan para bumalik sya sa dati.

Tinanong nya ako at sinagot ko naman na sya ang pakay ko. Parang pagsasaraduhan nya ako ng gate matapos yon marinig pero biglang dumating ang pinsan nya at hinila ako papasok sa bahay. Parang gusto kong matawa dahil walang nagawa ang Ex ko.

Malapit lang pala talaga sila sa isa't-isa at madalas nga daw silang pagkamalang mag-on. Ngayon ko palang nakita ang pinsan nyang ito dahil nakahospital pala sya dati. Parang tinusok na naman tuloy ang puso ko dahil sa konsensya. Buti ang bait nya at pinatawad akong agad. Grabe, pag-iisipan ko na muna talaga ang lahat sa susunod bago magdesisyon.

Nandito kami ngayon sa kusina. Nagluto ako kasama ang pinsan nya ng seafood pasta tsaka kami naghanda ng sarsa para sa tacos. Mga pagkaing favorite ng Ex ko. Ang tagal naming ginawa pero hindi man sya kumain. Ni hindi man nya tinikman. Mas gusto pa nyang kumain ng cup noodles.

Hindi don natapos ang araw namin.

Nag-attempt akong yayain syang maglaro ng gaming console, manood ng horror movies, maghanapan ng puting buhok, magbilang ng bigas at kung anu-ano pang bagay na dati naming ginagawa pero lahat ay tinanggihan nya. Para na akong tanga pero hindi ko nalang inisip.

Dumating ang gabi at nagpunta na sya sa kanyang silid para matulog. Nakatulog na rin ang pinsan nya pero naghintay ako mahigit dalawang oras tsaka ako sumunod sa kanyang kwarto. Ang himbing na ng tulog nya. Nilapitan ko sya at umupo sa kama.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi hawakan ang kanyang mukha. Miss ko na talaga sya kaya naluha na ako. Impit ang aking pag-iyak dahil ayaw ko syang magising. Heto sya ngayon, napakalapit at hawak ko pa.

Pero bakit parang ang layo parin nya?

Parang hindi ko sya maabot. Nahihirapan ako pero may lakas pa akong natitira kaya ilalaban ko ang sa amin habang kaya ko pa. Hindi ako susuko. Hindi pa siguro.

Binigyan ko sya ng isang kiss sa kanyang noo bago ako umuwi.

May pasok ulit and same scenario. Patuloy kong pinapatunayan ang sarili ko sa kanya pero patuloy din sya sa pag-decline. Baligtad na nga ang mundo. Babae na ang usong nanunuyo.

Breaktime na at gusto ko syang kasabay ang kaso ang bilis nyang maglakad. Para tuloy akong batang humahabol dahil iniiwan ng parents sa bahay. Nakalabas na rin ang ibang students na naging dahilan ng pagkabangga sakin. Sinigawan pa nga ako na di daw ako mag-ingat, which is totoo naman dahil nakatingin lang ako sa Ex ko, kaya hindi na ako nagsalita.

Next thing I know is nasa sahig na din kasama ko ang nakabangga sakin. At kasunod pa non ang pagsabi ng Ex ko na di din daw sya mag-ingat. Hindi ko alam kung coincidence lang o pinangganti ako ng Ex ko pero pwede ko bang iconsider ang nangyari as achievement ng operation ko? Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Napakasimple lang non pero tinamaan kasi ako ng kilig.

Matapos non ay nagbalik na naman sya sa pagbalewala sakin na expected naman talaga kaya bago natapos ang araw ay muli ko syang hinarap. Masyado ng matagal ang step 3 at konti palang ang nakikita kong improvement. Bubuksan ko na ang pinto para magpatuloy sa step 4.

Sinabi ko kung gaano kalaki ang love ko sa kanya at wala na naman syang sinagot. Sabagay hindi naman ako nagtanong. Di ba?

Huminga ako ng malalim bago ko sinabi sa kanya na ititigil ko na ang ginagawa ko. Sinabi kong iiwas na ako kung ayaw na nya talaga sakin. Sinabi ko pa na magmomove on na rin ako.

At syempre lahat ng yon ay pawang kunwari lang. I hope na convincing ang pagkasabi ko.

This my move para magawa na ang next step ng aking Operation...

----o0o----

**Ahem, bukas katuloy. Ano sa tingin mo sa chap? I-vote na! *u*

-->BelomaCassidy

"Getting my Ex back" Operation [ Short / Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon