“Ayon ang bruha, oh!” Malayo pa lang ay dinig ko na ang sigaw ni Raia, she's with Cres and Gwy?
Fuck! Anong ginagawa nila dito?
“Ops, 'wag ka munang magtanong,” saad ni Cres na parang nababasa niya ang isip ko. “Yakap first! Group hug!”
They didn't let me react at agad nila akong tinalunan para yumakap.
“Ang bibigat niyo, ahh!” Para silang talangka na sabay na kumapit sa akin. 'Di ko nakayanan ang bigat ng tatlo at natumba kaming lahat sa harap ng gate.
Tumayo ako at nagpagpag habang patuloy na tumatawa ang tatlong alimasag. Akala mo naman ilang taong walang koneksyon.
“Fuck, ang sakit ng puwet ko!” daing ni Gwy. “Sinisisi ko lahat sa'yo, Ava, ba't 'di mo kami kinaya? Akala ko ba strong and independent woman ka na, ha?”
“May sinabi ba ako? 'Di ba wala?” pagmaang-maangan ko. I tried to look at Cres and Raia na sasang-ayunan ako, pero ang mga gaga ay tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa.
“Sige, wala kayong chocolates sa'kin.” And by just that, naparami ng 'oo' ang dalawa at plastic na nag-sorry si Gwy.
Napairap nalang ako sa mga babaeng 'to. Hindi ko alam kung paano ko sila natagalan.
“Ano pala ang ginagawa ng Ava naming fresh from Australia?”
Pinakita ko sa kanila ang mga garbage bag na supposed to be kanina lang dapat naitapon.
“Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Asan si Yaya Gen? Aba'y saan ang hustisya?”
Ngumuso lang ako sa sinabi ni Cres. “Mommy asked for this.” But it's not a big deal anyway, hindi naman umabot sa intestines ko ang mga gawaing bahay.
“Let's get inside! Pagtulungan niyo ang pasalubong ko sa inyo,” aya ko sa kanila. Si Raia pa mismo ang naunang nagbukas ng gate para makapasok. Babaeng 'to. Sa lahat siya lang pinakamakulit, e.
Pahakbang palang kami ay nasa foyer na si Raia at sumisigaw-sigaw kung nasaan na ang mga pasalubong ko.
“Ba't ba ang likot mo, Raia?” inis na tanong no Gwy. “H'wag mo nga siyang bigyan, Ava, at nang magtino!”
Among us, si Gwy itong mother-like sa amin. Medyo seryoso siya, and she's so responsible. Once in a blue moon lang nagbibiro at nakikipagkulitan.
“I'm not gonna change 'cause you say so~” parang bata na kinantahan niya si Gwy, napairap at napabuntong-hininga nalang si Gwy sa kaniya. Haist, kahit kailan.
I went upstairs para kunin ang dala ko, I asked for three chocolate frappuccino and four brioche to Yaya Gen when I saw her upstairs wiping off the dust. Syempre iba ang sa akin, I asked for an ube macapuno slushie.
Naghugas muna ako ng kamay dahil kakatapon ko lang ng mga basura. I grabbed the gift bag I brought from the duty-free store saka bumaba.
Naabutan ko silang nag-uusap at lumitaw ako sabay lagay ng gift bag sa coffee table. I took a seat beside Gwy. As expected, unang sinunggaban ni Raia ang gift bag.
“I brought only Tim Tams, jars of Vegemite, macadamia nuts, and Anzac biscuits,” I spoiled them. “I'm not really sure if magugustuhan ninyo, but I do hope so.” 'Di rin kasi ako nagtanong kasi nga gusto kong hindi magiging scripted ang mga dala ko.
“Nako naman, Ava, kahit magdala ka pa ng tae ng kambing, kakainin pa rin namin,” Raia said while crunching biscuits. I smiled.
I am so blessed to have them. I really missed our bond together noong nasa elementary pa kami. My JHS years without them by my side is a different kind of feeling, nakakausap ko nga sila via Skype pero 'di pa rin sapat. I really, really missed them.
BINABASA MO ANG
A Thousand Sceneries (Young Hearts #1)
Teen FictionMaria Amavelle Valencia is a girl living in her delusions and expectations. A nonsocial one and quiet outside, but so madly wild inside. She had no idea that returning to Manila meant so many heartbreaks, challenges, tears, and love all at once. She...