Kabanata 2

11 4 2
                                    

“Sino ka?”

I look at the person leaning against the door beside the toilet stall I used.

His manly presence makes my body shiver. Hindi ko alam na may ibang tao pa pala sa loob.

“K-Kanina ka pa riyan?” My voice cracked, dahil na rin siguro sa pag-iyak ko. Simula pa 'to kagabi, hindi ko na alam kung kailan pa ako tatantanan ng mga hinanakit sa buhay.

“I'm Zach. Nasa maling kwarto ka,” pagbalewala niya sa tanong ko. Tinuro niya ang isang sign sa gilid. “You're in male's.”

Fuck? Nasa CR ako ng mga lalaki? Ang sign sa gilid ay nagsasabing para lamang sa mga lalaki ang comfort room na ito. Bakit 'di ko nakita agad? Ngayon ko lang din napansin ang urinals sa gilid.

“At may nakalagay rin sa labas na 'MALES' if ever hindi mo nakita.”

His adam's apple protruded while looking at me with a smile on his face. Bumubulwak na 'to ng tawa sa isip, panigurado.

Gusto ko nalang magpakain sa kinatatayuan ko ngayon. I can't hold with this embarrassment at agad na tumakbo paalis, leaving him there. Sana 'di ko na siya makikita ulit. Ipagdasal ko iyon sa lahat ng mga Santo!

Kinain na naman ako ng mga luha at 'di ko na napansin ang mga pinanggagawa ko. Paniguradong narinig niya lahat ng mga hinanakit ko sa buhay. And he even answered my question.

I swear to my life, hinding hindi na ako iiyak!

Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang narating ko na ang hanay ng mga room sa STEM. Nakatingin ang mga mata ko sa ibabaw para hanapin ang room ko.

May nakalagay na 'STEM — A1' sa isang room at doon ako pumasok. Bumungad sa akin ang may katamtamang espasyo ng room, nakahilera pabilog ang mga upuan, at kaniya-kaniyang usapan ang mga kaklase ko.

I don't know any of them. By just seeing these people I'll be with throughout this school year makes me doubt if I ever survive nang walang makakausap. Kung meron lang talaga ang tatlo dito.

I don't make any eye contact with them at dumiretso lang sa upuan na bakante. Nilagay ko ang mini backpack doon at kinuha ang phone ko mula sa pocket.

I was about to chat with my quadro to distract myself nang narinig ko ang maliit na boses ni Gwy sa harapan ko. Naibaba ko ang phone ko.

“Hi, Ava!”

Nagulat nalang ako nang biglang nagsisulputan ang tatlo at umupo sila sa seats na katabi n'ong akin.

Bakit sila nandito? Akala ko ba sa Ateneo sila?

“Akala mo siguro hahayaan ka nalang namin mag-isa!” sabat ni Cres.

Hindi pa rin ako makapaniwala. I mean, I just thought na kinuha nila ang words ko sa chat na 'wag na silang mag-transfer. And now, ano ito?

“Without you during our JHS years is enough, hindi na kami makakapayag na pati sa SHS years,” dagdag ni Gwy.

I felt loved. Now I realized, nandito pa rin sila sa'kin. And I know, na hinding hindi nila ako papabayaan.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at binuka ang dalawang braso para mayakap sila.

“Thank you, mahal ko kayo,” nasabi ko habang pinipigilan na naman ang luha.

“Mahal ka rin namin!” sabay nilang tugon.

Narinig namin ang padarag na pagbaba ni Raia sa kaniyang phone. She pouted. “'Di niyo na ako love? Hindi na ako kasali?”

I chuckled.

A Thousand Sceneries (Young Hearts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon