Kabanata 3

7 1 0
                                    

Wala na akong ibang hiling pa, by just seeing these people who are laughing and filled with positivity.
 
Today is the start of our classes. The two days of psychosocial were really a great help to me. Nakikipag-usap at nakikipag-ngitian na ako sa mga tao rito. Hindi pa rin madali but I'm trying to, I want to get along with them, kahit mahirap.
 
Nasa cafeteria kami ngayon nila Gwy, Raia, at Cres. Hindi mabilang ang mga estudyante na nasa canteen at ang iba ay naguunahan pa sa pagbili. Natagalan nga kami kanina dahil sobrang rami ng mga nakapila.
 
I ordered cheese quesadillas and strawberry yogurt, wala silang ube macapuno kaya medyo 'di masyadong ganado ang kain ko. Burger lang kay Gwy at soft drinks, hindi ko alam kung tinitipid ba niya ang sarili kaya binilhan ko siya ng quesadilla. Hindi niya tinanggap dahil sinadya niya talagang burger lang, busog raw siya kaya ending, ako na 'tong busog na busog.
 
May dala palang kanin si Raia at 'di man lang nagsabi, nakapagdala rin sana ako. Pinagtulungan nila ni Cres ang kaniyang baon dahil hindi rin naman niya ito maubos mag-isa.
 
“Thrilling pala dito, 'no?” Cres started a conversation. Kanina pa kasi kami tahimik habang parang may giyera naman sa counter ng cafeteria.
 
“Ay, oo. I just heard earlier na may nag-cutting! Tumalon pa sa bakod!” sabi ni Raia. 
 
I chuckled, sanay na ako sa mga balitang may nagcu-cutting, mula pa sa pinapasukan ko sa Adelaide. Minsan ring tanga ang namamahala sa school na 'yon eh.
 
“Hindi ba secured ang sistema nila dito?” tanong ni Gwy. Sure akong may bad record na ang eskwelahan na 'to sa kaniyang utak.
 
Hindi naman siguro ganoon na kapag hindi na maayos ang record ng mga estudyante ay hindi rin maayos ang sistema ng school, baka mautak lang talaga ang mga mokong.
 
“Kailan kaya bugbugan?” wala sa isip na nasambit ni Raia habang ngumunguya.
 
Gwy groaned as a sign of disapproval for Raia's statement.
 
“Bakit? Exciting kaya n'on. Looks like public is fun, wala pa akong naririnig na issue na ganito sa tanang buhay ko sa pag-aaral,“ she defended herself like she's only spitting facts.
 
“But don't say like you wished for it!” tutol ni Gwy.
 
Natawa lang ako sa dalawa, they're so cute.
 
Pinagpatuloy namin ang aming pagkain hanggang sa tumunog ang bell. Oh, it's time to go back to class again.
 
Actually, ang first day ng totoong class namin ay puro interaction lang with our subject teachers. Pinapakilala nila ang kanilang rules when it's their time, at hindi rin nawala ang story time sa buhay nila. This is indeed fun and entertaining.
 
Habang naglalakad kaming apat patungo sa room ay may sumabay sa amin.
 
It's Zach... my heart again, fuck.
 
“From Kiel again, pakiusap, just hire me as you two's personal delivery boy. Nakakahiya rin sa inyo, ako pa ang nag-effort,” pambungad niya at may binigay na supot ng McDo kay Cres.
 
Kiel? He knows Kiel? I wonder kung bakit magkakakilala sila ni Cres. Friend rin niya? Or something intimate...? Fuck. Balak ko sanang itanong kay Cres kung bakit niya kilala ang lalaki pero inunahan ako ng kaba. Baka mapansin niya ako sa—
 
Uhh, I can't explain this feeling. So fucking weird.
 
Just by watching him give that food to Cres, something inside me instantly bursts. If ever ako ang binigyan niya ng ganiyan, kahit na 'di ube macapuno ang napili niyang flavor ay may gana ko pa rin 'yung kakainin.
 
“What are you looking at?” 'Di ko namalayang nakatingin lang pala ako kay Zach habang iniisip ang mga senaryong iyon.
 
I looked away in embarrassment as I felt my cheeks burning. May sumilay na ngisi sa kaniyang labi na kagad ring binawi. Fuck, heto na naman ang baliw kong tiyan.
 
Para lang iyong balewala ng tatlo at may balak pa akong iwanan kasama ang lalaking ito. I ran just to keep up with them. Sumabay rin si Zach. Ano bang trip niya at sasabay-sabay siya sa amin?
 
Kaagad akong umupo sa aking armchair nang nakarating kami. I fell into silence again, trying to calm my mind. Alphabetical kasi ang seating arrangement kaya malayo sa akin ang tatlo. Malas at medyo malapit sa'kin si Zach, ka-row ko pa naman.
 
Uhh, bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?
 
Hinilot ko ang sintido habang naghihintay sa susunod na guro. Kung ano mang feelings 'to, 'wag sanang diinan.
 
Napatigil ako sa ginagawa nang kinalabit ako ni Maya, ang katabi ko sa kanan. “Tama ba na mula ka sa ibang bansa?”
 
Tumango ako. “Oo, sa Australia.”
 
“Matagal na?” Tumango ulit ako. “'Di ka ba nasanay mag-salita ng English doon? I mean kung matagal ka na doon, paniguradong conyo ka na pag-uwi mo sa Pilipinas.”
 
Bakit ba pati 'yan ay natanong niya? Naramdaman siguro niyang medyo nag-iba ang lasa ng mukha ko kaya dinepensahan niya ang sarili.
 
“No, I'm not pointing something offensive, ah. Sadyang naiinis lang ako sa pinsan ko sa ka-conyohan niya, super slang halata namang pilit, OA lang kung pakinggan—”
 
I don't like her statement kaya pinutol ko nalang. I don't want to hear any judgments anymore. “I'm keeping touch with my friends from here, at ang minsang kausap ko rin doon ay taga-rito lang din.”
 
Si Jera, ang tatlo, si Yaya Gen, at ang mga magulang ko lang naman ang lagi kong nakakausap habang nandoon. Siguro dahil rin sa social skills ko kaya 'di fully na nag-aadjust and pananalita ko. Magiging pipi ba naman for four years.
 
“I heard si Mr. Rivera raw ang magiging GenMath instructor natin,” rinig kong sabi ni Liana. Kinakausap niya sina Maya, Felix, Gabriel, at si Trixie.
 
Medyo may kaingayan din ang room at may kaniya kaniyang usapan ang iba. Tiningnan ko ang tatlo at may kinakausap naman sila sa kaniya-kaniya nilang seats. Habang ito ako, nakikinig lang.
 
“'Di ba siya 'yung sobrang strict? Hindi nga raw n'yan pinapalampas bawat mali,” sabat ni Felix.
 
“Ay oo, dating guro siya ng Ate Mila ko at sabi niyang talagang mahigpit siya sa klase,” Maya agreed.
 
“GenMath pa talaga.”
 
“Ay, nandiyan na siya!”
 
Kita ko nalang ang biglang transformation ng mga kaklase ko nang pumasok ang isang lalaki sa classroom. May dala pa itong meter stick, at ang tingin naman niya sa amin ay parang anong oras ay bubugogin niya kami gamit iyon.
 
Ang dating maingay na classroom ay naging tahimik pa sa mapayapang gabi. Bumalik sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko at umayos naman ng upo ang iba— katulad ko.
 
For real, ang kaniyang dating ay makakapagtahimik talaga sa'yo, kahit na ang malamig niyang tingin ay makakapagpakaba sa iyo. Nilagay niya ang dalang meter stick sa desk at sinakto pa talaga na maayos ang pagkakalagay n'on sa gitna ng desk.
 
Talaga ngang Mathematics ang subject niya.
 
Tumayo siya sa harapan at tiningnan kami habang naglalakad-lakad.
 
“I am Mister Rivera. I am your General Mathematics instructor for this whole semester,” marahan niyang sabi pero rinig mo pa rin ang bawat tuldok sa kaniyang pananalita.
 
No one of us dared to create even a scratch.
 
“General Mathematics serves as a foundation for various branches of mathematics, including algebra, geometry, calculus, and statistics. It's the timeless language of numbers and equations, revealing hidden patterns and solving life's intricate problems.”
 
“And I only have one rule, and that's is to listen to avoid complications. Any impolitic behaviors will face the consequences,” tumigil ang tingin niya sa akin. Fuck.
 
“You?” Turo niya sa akin. “Stand up.”
 
Alam kong tiningnan na ako ng mga kaklase ko. Nag-aalinlangan akong tumayo dahil inatake na ng kaba ang dibdib ko.
 
Bakit sa lahat ay ako pa? 
 
“Differentiate relation and function,” tanong niya nang tuluyan akong nakatayo.
 
I gained attention again, nasa akin ang lahat ng mga mata nila at kita ko rin ang kaba sa mga mata ng tatlo.
 
Fuck, hindi ako nakapag-advance study nang mabuti. Oo, nakapagbasa rin ako ng ilang notes and lessons sa Grade 11. And relation and function are kinda familiar to me, pero hindi ko lang mahulaan kung ano ang exact meaning.
 
I'm trying to recall that thing pero ayaw lumabas sa isip ko, tanging domain at range lang ang naaalala ko.
 
Hindi ako nanginig but I feel so uneasy right now. Napako lang ako sa kinatatayuan habang may tumutulong butil ng pawis sa noo ko. Ginawa ko ng pigain ang utak ko pero sadyang 'di ko maalala ang buong kahulugan.
 
Nakita kong tumalikod si Mr. Rivera at nagsulat nalang sa board.
 
I sighed in relief. Umupo agad ako at matiyagang pinunasan ang pawis. Fuck, that was close, ang akala ko ay papaluhuran niya sa akin ang asin, eh.
 
Ibinuklat ko nalang ang aking notebook at balak na sanang magsulat nang tinabig ako ni Maya.
 
Tiningnan ko siya at nakitang may tinuro siya sa harapan. I looked in front and realized na ako na naman ang center of attention. Nakatingin sa'kin ang guro na may nanunusok na mga mata.
 
“Did I say you can sit down?” He's peering over his eyeglasses, and his eyes darted on me.
 
Nauubusan na naman ako ng dugo habang dumadagundong sa kaba ang dibdib ko. I couldn't keep my cool nang nakatayo ako ulit. This is so embarrassing...
 
Nagpatuloy sa pagsusulat ang guro habang kumokopya naman ang mga kaklase ko. Sinulyapan ko ang tatlo na may nanunuyang ngiti sa kanilang labi. I made a face at them and rolled my eyes.
 
Mga babaeng 'to, pagtatawanan pa ako. But I admit, they at least lessened the tension I feel.
 
“Eyes here!” Kinuha ni Mr. Rivera ang atensyon namin. “Relation is a set of ordered pairs that establish a connection between two sets of values. While on the other hand, function is a special type of relation where each element from the domain is connected to exactly one element in the range.”
 
Hinarap niya kami at sinimulang suyurin ang buong klase. Tinuro niya ang kikay na kaklase ko— si Hershey.
 
“You, what's your name?” tanong niya rito.
 
“I'm Hershey Gonzales, Sir,” matamis niyang sagot habang may confident na ngiti.
 
“Gonzales, give me an example of a real-life scenario where function can be used to represent relationship,” tanong niya.
 
“Well, the number of bananas purchased and the cost of the bananas, where the number of bananas purchased is the domain while the cost is the range,” she answered. Pinalakpakan siya ng mga kaklase namin na ikinangiti naman niya ng sobra. Nahupa rin ng dumako ang tingin ni Mr. Rivera sa kanila.
 
“You may sit down.”
 
I took a deep breath. Sana ganoon nalang ang naitanong sa'kin, 'yon pa kasing nakalimutan ko.
 
“You again, give me another example.” Nakatingin siya sa banda ko, sinigurado ko pa na ako ang tinutukoy niya bago nagsalita.
 
“It can be in a school exam, the number of hours studied and the score obtained can be represented by a function, where the number of hours studied is the domain and the score obtained is the range.” I swallowed the lump in my throat. I can hear the crickets echoing throughout the room.
 
“Good, sit down,” utos niya na nagpabawas ng kaba ko. Hindi ako tuluyang nakaupo nang nagtanong ulit siya. “What's your name again?”
 
“Maria Amavelle Valencia po.”
 
Nagpatuloy siya sa pagd-discuss ng topic namin at medyo nabuhusan ng tubig ang utak ko. Dahil sa pangyayaring iyon na hindi ako makasagot ay isang leksyon na na dapat akong mag-aral, I don't want that to happen again. Never. Again.
 
I won't deny that na magling ngang magturo ang isang 'to. He doesn't move to another point hangga't 'di kami nakakaintindi. Tama nga sina Liana na strict si Mr. Rivera sa klase, but I guess, it's his way to discipline his students.
 
Natapos ang period niya na pigil hininga naming hinihintay. Nawalan rin ng time na makikipag-chika pa ang mga kaklase ko dahil agad na sinundan ng isa pang guro si Mr. Rivera.
 
Ganoon pa rin, interaction at story time ang naganap, maliban kay Mr. Rivera na agad-agad ang discussion. Ang ibang subject teacher namin ay medyo strict rin, pero madadala lang naman sila sa kaunting biro ng mga kaklase ko, but nevertheless, they always know when to flow and when to brake.
 
What I've learned today is the value of respect. We should learn to fill the gap, and build the walls. But I just don't get it, when it comes to his presence, the walls I built to protect myself will always be ruined.







A/N: Hi, end of Kabanata 3! Thanks for giving this part a time, don't forget to give it a feedback and leave a vote! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thousand Sceneries (Young Hearts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon