Moron

15 3 3
                                    

Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko, nakatitig lang ako sa unahan ng simabahan at hindi ko na maalis ang mga mata ko sa dalwang taong nasa harap. Mabilis ko iyon pinahid at umilang hakbang paatras, ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang sikip sa dibdib ko.

"Are you okay?" nagtatakang tanong ni Ardiem.

Habol hininga akong lumabaas ng simbahan at sapo ang dibdib ko, pilit kong pinigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata ko kaya naman mabilis ko iyon pinahid bago makita ni Ardiem.

"Mommy, are you crying?"

Pati anak ko napansin na rin ang simpleng paghikbi ko.

"Tears of joy baby, I am happy that we are here at the church all together." I smiled at my son at hinaplos ang pisngi niya.

Si Ardiem naman ay seryosong nakatingin sa akin at tila alam niya na may kakaiba sa akin pero agad ko rin hinawakan ang isang kamay niya at pinisil iyon.

"I am really okay, hon." Pilit akong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa.

Marahan siyang umiling at binuhat ang anak namin na five years old. I felt so contented seeing them both together pero may kirot sa puso ko sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na kontento na ako sa kung anong mayroon ako. Hindi ko alam kung bakit pero...

"Let's eat, 'cause we need to be at the airport on time."

Pinisil ni Ardiem ang palad ko at bumulong. "Are you sure na kaya mo na mag biyahe ng malayo?"

I nodded twice "Oo naman hon, I have to get used to it lalo na lumalaki na si Matthew."

He really knew what I feel right now, kabisado niya lahat ng facial expressions ko. He's really a husband material, kaya maraming naiinggit sa akin dahil sa akin napunta ang lalaking tulad ni Artdiem.

"Hon, I am totally fine." then I kissed him.

"Mommy loves you so much Daddy." Hirit naman ng anak naming habang pumapalakpak pa.

Nang makapasok silang dalawa sa sasakyan ay muli kong nilingon ang simbahan dahil sa biglang pagtunog ng kampana roon. People gathered at the entrance and I knew for sure na sasalubungin nila ang bagong kasal. I smiled and wondered.

"Hon?" tawag ni Ardiem na nagpagising sa akin.

"May bibilhin lang ako." Naglakad ako sa nagtitinda malapit sa simbahan dahil sa suman moron na tinda ng matandang babae. I was smiling the whole time while staring at it, matagal na rin ng huling beses ko itong natikman.

"Vika?"

Napatigil ako sa pag nguya nang marinig ko ang pangalan ko mula sa likuran. Isang magandang babae na may highlights ang buhok ang gulat na gulat nang humarap ako sa kanya. She's wearing a dress at sa tingin ko ay bride's maid siya doon sa kasal.

"Yes?"

She was about to step closer to me pero biglang bumusina si Ardiem, he waved his hand at me. I turned and walked towards the car, hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na makausap siya kaya ipinagkibit balikat ko na lang.

"You should have told me para naibili kita kanina." Ardiem said at pinaandar na ang sasakyan.

"I just saw it a while ago kaya bumili na rin ako agad. I miss this."

Nakangiti akong kumain sa loob ng sasakyan ni Ardiem habang nagmamaneho siya. I even share it with him, but not to Matthew. Medyo pihikan siya sa pagkain siguro dahil toddler years na niya kaya ganyan siya.

Sunset was hitting the road and I saw how it painted the sky with pastel colors. I was staring at it the whole time because I feel the comfort from it.

"Who was the girl? Do you know her?" Ardiem asked curiously.

I shrugged. "I don't know her but she called me by my name."

"I see."

Hindi na nagsalita ulit si Ardiem at mas nag-focus sa pag-drive. Then the face of the woman suddenly appeared in my mind. She's really pretty and looked like a model in a high fashion magazine. I really don't know her at kahit anong isip ko hindi ko siya maalala kung saan ko siya nakilala.

I shook my head. 'I should focus on our vacation.'

Sobrang busy ni Ardiem sa business dahil sa pag-open ng new branch ang resort niya sa Palawan kaya mas doble ang effort na binibigay niya roon. He's really committed to whatever he does and gave everything to make it successful.

I am just lucky to have him. I'll just do my best to be the best wife for him.


Pastel HeavenWhere stories live. Discover now