Chapter 1

10 1 0
                                    

I went out of our room. Sa sala nitong apartment na tinutuluyan ko rito sa Taguig, nakita ko ang mga ka-roommates ko. They are busy talking about something. Nang mapansin ako ni Yanna ay nginitian niya ako.

"Good morning, Xia!" Good mood na good mood ang pagbati niya. Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at sumunod sa'kin sa kitchen. Umupo s'ya sa stool.

Maliit lang ang apartment namin. Kaunting hakbang mula sa sala ay nasa kitchen ka na agad.

Isa lang ang CR sa apartment na 'to at isa lang din ang kuwarto namin kaya magkakasama kaming apat sa iisang kwarto. May apat na bed naman doon sa kuwarto na parang double bed ang design. Sa taas, naroon ang kama. Sa baba naman, naroon ang table namin.

"Kanina ka pa namin inaantay magising, Xia!" Ani Pauline habang binubuksan ko ang cabinet para kumuha ng cereal.

"Bakit?" Tanong ko at lumapit sa ref. binuksan ko ito para kuhanin ang gatas.

"May lipad ka sa sabado?" Nakapangalumbabang tanong ni Yanna habang nakaupo sa stool.

Umiling ako habang hawak ang cereal na ngayon ay nasa mangkok na. Umupo ako sa tabi ni Yanna.

"Wala naman. Why? Uptown mall ulit?"

Tumayo si Pauline at pumunta sa harapan namin ni Yanna. Si Lei naman ay naiwan sa sofa at pinapanood lang kami.

"Xylo tayo!"

Napaubo naman ako sa sinabi ni Pauline!

"Oh, easy!" Dinig ko ang pagtawa ni Lei mula sa sala!

Hinagod naman ni Yanna ang likuran ko.

"Xylo?! Bakit hindi niyo sinabi ng maaga edi sana nakapag-ipon ako!" Reklamo ko.

"Ano ka ba, Xia! Afford mo 'yun! Kahit 10k lang dalhin mo," Pau said.

It's not that I've never been to Xylo. I've been to Xylo! Like a lot of times! That's why I know na mahal do'n! 'Yung 10k ko? Barya nga lang talaga 'yan sa Xylo.

At hindi pa ako napopromote as a flight attendant dahil bago lang naman ako! Almost 2 years palang since naging flight attendant ako.

Maraming binabayaran kaya hindi ako puwedeng basta nalang magwaldas ng pera!

"I can't go," I calmly said and continue eating my cereal.

"What do you mean you can't? Ngayon lang tayo makakapunta roon. Deserve mo 'yun!" Pag push pa ni Pau.

"Oo nga," singit ni Lei. "Xia, please?" Nilingon ko siya. "You're going to leave this apartment by the end of this month! Last bonding na natin 'yon," ngumuso pa ang bata.

"Ewan ko sa'yo, Lei. Hindi ba malapit na exam niyo? Magreview ka nalang kaysa magbar," sabi ko at hinarap ulit ang cereal ko.

Lei is a 4th year nursing student. Malapit na grumaduate. Si Yanna ay English teacher sa Taguig City University. Si Pau naman ay accountant na.

'Yung dalawa may trabaho na kaya kung makapag-aya ay wagas! Palibhasa may pang gastos. Si Lei naman, scholar ng DOST, scholar pa ng university, kaya ayan. Kahit nag-aaral palang ay may nakukuha ng pera. Tapos may allowance pa s'ya buwan buwan mula sa magulang niya.

"Xia, sige na, please? Hindi lang naman tayong apat. Kasama rin 'yung nasa kabilang apartment, apat din sila para nakamura tayo sa table!" Si Yanna naman.

"Xia, sige na," pamimilit ni Pau. Umiling ako.

"Wala nga akong pera-"

"Table 1 lang naman ang kukuhanin natin malapit sa dance floor. 30 thousand lang iyon. Eh walo tayo. So..." tumingin siya ng tatlong segundo sa kisame at binalik ulit ang tingin sa'kin. "3,750 tayo isa-isa!" Pag compute pa niya.

Lost Through LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon