Chapter 2

10 2 0
                                    

Tinignan ko ang mga damit kong nagkalat sa sofa. Hindi naman gano'n karami ang pinagpipilian kong mga damit pero hindi pa rin ako makapili.

"Huy, yari na kami maligo tapos ikaw hindi pa rin nakakapili ng isusuot," natatawa si Yanna'ng lumapit sa akin.

Ang buhok niya ay nakapaikot gamit ang tuwalya. Nakasuot siya ng blue na roba.

"Eh, tagal ko na kasing hindi nakakapunta ng bar. Ano ba ang maganda?" Tanong ko at ngumuso.

Pinagmasdan niya ang mga damit na pinagpipilian ko at nangningning ang mata niya nang tinignan niya ako.

"YOU HAVE THESE?!" Gulat na tanong niya. Natawa naman ako.

Nasanay na siguro silang simple ang mga damit ko. Usually pants, gano'n tapos ang kapartner ay t-shirt.

Pero ang totoo, ito talaga ang style ko. Karamihan sa mga damit ko ay nagpapakita ng too much skin.

Well, almost 2 years na rin simula nung baguhin ko ang style ko sa pananamit.

"Ngayon lang. Ano sa tingin mo dapat kong suotin?"

"Hmm," sabi niya at pinaglaruan ang labi gamit ang index finger niya. "Magiging hubadera tayo for today so ito," sabi niya at kinuha 'yung mga damit na pinili niya. A black skirt and a sleeveless white top.

Nanlulumo naman akong tinitigan iyon. Sa tagal ko ng hindi nagsusuot ng mga ganitong damit, hindi ko alam kung comfortable pa ako.

"Partnered with this?" Kinuha ko ang black cardigan. Maliit lang iyon, shoulder at collarbone lang ang matatakpan no'n. Pati na rin ang mga braso ko dahil long sleeves ito.

"Ano ka ba! Huwag ka na mag gan'yan," sabi niya at kinuha sa akin ang cardigan ang ibinalik iyon sa sofa. Ngumuso ako.

Ibinalik ni Yanna ang tingin niya sa mga damit ko at kinuha roon ang isang white off shoulder corset crop-top. Nanliliit pa ang mga mata niya habang pinasasadahan ng tingin ang mga damit. Sa huli ay kinuha niya ang skirt na katulad nung sa kanina ngunit kulay white na ito.

"Ito, long sleeve na iyan, ha!" sabi niya at inabot sa akin 'yung corset top. Maganda naman iyon pero hays hayaan na nga! Ngayon lang naman at saka baka naman sanay pa rin ako. Damit lang naman ito.

Pumasok na ako sa CR dahil wala na naliligo. Nang matapos ay doon na rin ako nagbihis. Ang tuwalya ay inilagay ko sa shoulder ko dahil basa pa ang buhok ko.

Wala ng tao sa sala kaya malamang ay magkakasama ang mga iyon sa kuwarto. Pumasok ako roon at naabutan silang nag m-make up.

"Sa'n si Pau?" Tanong ko nang hindi ko siya nakita.

"Pinuntahan 'yung nasa kabilang apartment," sabi ni Lei habang inaayos ang buhok niya. Bina-bun niya iyon.

Pumunta ako sa table ko. Sa ilalim no'n ay naroon may shoe rack. Kinuha ko ang kulay puting white heels.

It's a french Mary Jane Thick Heels. Hindi naman mahirap sa'kin mag heels since flight attendant ako. Sanay din ako sa bar at heels naman talaga ang sinusuot ko madalas.

"Wow, all white tayo, ah?" Natatawang sabi ni Lei. Ngumiti rin ako dahil naka all white nga rin siya. She's wearing a white fitted dress. Square neck iyon kaya halatang halata ang collarbone niya. Medyo kita rin ang hiwa sa dibdib niya.

Si Yanna naman ay naka black backless crop top and high-waisted denim short. Nakalugay ang straight niyang buhok.

Nag blower muna ako bago magmake up. Pagkatapos ay kinulot ko na ang buhok ko. Saktong tapos naman na ako nang pumasok si Pauline sa kuwarto.

Lost Through LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon