Chapter 3

9 1 2
                                    

Napatakip ako sa mata ko nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw!

"Mhm," naiiritang ungol ko at dumapa.

Nang makarinig ako nang halakhak ay agad akong napamulat at napabalikwas ng bangon.

"Aray!" Angal ko at hinawakan ang ulo ko sa sobrang sakit! Napapikit ako.

Narinig ko nanaman 'yung tawa ng lalaki! Bakit may lalaki sa apartment-

Agad akong napamulat nang may marealize. Iginala ko ang paningin ko sa hindi pamilyar na kuwarto. Nahagip ng tingin ko ang isang lalaki.

"Good morning," sabi niya at ngumiti. Ang mga biloy sa kaniyang pisngi ay sumilay.

He walked towards me. May hawak siyang isang baso ng tubig at gamot. Binaba niya iyon sa side table, tabi ng kama.

"Sino ka?" Tanong ko. Taka naman niya akong tinignan, sa huli ay natawa.

"Gan'yan ba epekto ng vodka sa'yo? Nakakalimot?"

Nanlaki ang mata ko nang makilala siya! He chuckled when he saw my reaction.

"Alam kong masakit ang ulo mo kaya dinalhan kita ng gamot. Sa dami ba naman ng ininom mo kagabi. Daig mo pa magpapakamatay," napapailing na sabi niya.

"A-anong ginagawa ko rito? Anong ginawa mo sa'kin?!" Sabi ko at kinapa ang sarili ko.

I am still wearing the corset, kumpleto pa ang damit ko ngunit hindi ko na suot ang heels ko.

"Hey, wala akong ginawa sa'yo. Ikaw ang may ginawa sa'kin," napabalik ang tingin ko sa kan'ya.

Ayan nanaman ang utak ko! Paulit ulit sinasabing guwapo ang nasa harapan ko! Nanliliit ang matang tinignan ako ni Soren.

"Wala ka bang naaalala?" 

"Wala," pagkasabi ko no'n ay biglang may nagflashback sa utak ko!

Hinalikan niya ako?!!

"Hmm? Mukha namang naalala mo na," natatawang sabi ni Soren nang mapansin ang reaksyon ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kulang 'yung naaalala ko.

"Hinalikan mo ako?!" Iritadong sambit ko.

Natawa nanaman siya na para bang may mali akong sinabi!

"Woah!" Hindi makapaniwalang sambit niya. Sumisilay nanaman ang dimples niya. "Correction. Ikaw ang humalik sa akin." Sabi niya, may diin pa sa salitang ikaw.

Napahilamos ako sa mukha ko. Bukod sa halik, may nangyari pa ba sa amin? MAY NANGYARI BANG HIGIT PA SA HALIK?! Hindi ko matandaan ang nangyari! Ang huli kong natatandaan ay

"You're drunk, Xianna," he said.

I stared at his almond eyes. Kaya naman palang gumawa ni Lord ng ganito kagwapong nilalang, bakit nag-iisa at mukhang babaero pa?

Oh, Soren. Just don't stop kissing me, please?

I am not Xianna tonight. I am not Citrine tonight. I am no one and I want to be free. Gusto kong kalimutan ang lahat!

Umiling ako bilang pagsagot sa sinabi niya. Inangat ko ang sarili ko at pinaglapat ang labi naming dalawa.

Do whatever you want, Soren. Just don't stop. I am not giving you any limitations. You are free just like how I free myself tonight.

"Just do whatever you want," I said in between our kisses.

Napapikit ako. Hanggang doon lang ang natatandaan ko. Hanggang saan ba ang naabot namin?!

Lost Through LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon