Chapter 1

127 2 0
                                    

Athena POV

"Athena, you good? Kanina ka pa tulala ah," Tanong ni Clara habang niyugyog ako ng kaunti.

Nagulat pa ako sa pag yugyog nya tsaka sumagot. "Yeah, I'm good. May iniisip lang."

"Okay sabi mo eh," aniya at nag kibit balikat.

Pag tapos pa mag turo ni Mr. Santos ang aming breaktime kaya siguro ako ay naiinip na din. Hindi pa tapos mag turo si Mr. Santos ay tumunog na ang bell. Kaya nag paalam nadin ito sa amin. "Okay class, let's just continue our discussion tomorrow. You may now take your break." paalam niya.

"Tara na kain na tayo nagugutom na ako," pag aaya ni Clara

"Oo na tara na, g na g ka nanaman." pang aasar ko sakanya.

Pinalo nya naman ako sa balikat habang palabas kami ng aming classroom. Dumiretso na kami sa canteen at nagugutom na tong kasama ko umorder na din kami ng pagkain at humanap ng mauupuan.

"Grabe gutom na gutom na ako kanina bes. Akala ko ay mag oovertime pa si Sir Santos. Ikaw baket hindi ka pa kumain, di ka pa ba gutom?" Tanong nya habang puno ng pagkain ang bibig

"Huwag ka nga mag salita ng puno yang bibig mo mamaya ay mabuga mo pa saken yang kinakain mo hayst. Pero di pa talaga ako gutom wala akong gana." Naka salumbaba kong sagot.

"Ano ba yang iniisip mo? Kanina ka pa wala sa sarili."

Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaibigan ko ang tungkol sa pinag usapan namin nila mommy at daddy kagabi. Muling pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi nila kagabi "Anak, after you finish your studies you will help me manage our company." Napasabunot nalang ako sa sarili ng maisip muli iyon. I feel pressured, I want to be a licensed architect and work as a architect but as if I have a choice sa sinabi ni dad.

"Arghh! hindi ko na din alam ang gagawin ko," I said in frustrated voice.

"Ay bahala ka dyan kung ayaw mo sabihin, hindi na kita pipilitin. Pero tandaan mo nandito ako palagi para sayo." Seryosong saad niya.

Napalingon kami pareho ng nag tilian ang mga estudyante sa mga taong paparating. Ito nanaman sila, mga baliw na baliw sa mga campus crush. Si Xairron Cameron Villareal isang 3rd year law student, si Zyrrus Kaze Alvero sya ay 3rd year civil engineering student at si Zacharian Alvarez isa din syang 3rd year law student tulad ni Xairron. They're rich, smart, charismatic and ofcourse handsome they will be not called campus crush for nothing.

Napa buntong hininga ako dahil halos mabingi na ako sa tilian nila. Dumagdag pa itong kasama ko.

"Uy athena ang gwapo nila ohh! bukod dun mayaman pa! Nasa kanila na ang lahat!" Saad ni Clara habang nagpapacute na nakatingin sa tatlo.

"Hindi naman sila kagwapuhan, baka malalabo na ang mga mata nyo." pag tataray ko kahit alam kong nag sisinungaling ako.

Di maitatanggi na gwapo talaga sila kaya aaminin kong nag sisinungaling ako doon. Pero sa dami ng nakakandarapa sakanila ay hindi ko na binalak na makipag agawan pa. Dahil maganda naman ako, mayaman at matalino hindi ko kailangan mag kandarapa sakanila.

"Tsk, ikaw ang malabo ang mata Athena." Pagtataray niya ding saad at nagpatuloy ng kanyang pagkain.

Natapos na kaming kumain. I didn't finish my food wala talaga akong gana. Ni ayaw pa umalis ni Clara dahil nandoon pa daw ang tatlong campus crush pero agad ko na siya hinila palabas ng canteen nakita ko na tumingin sa amin ng bahagya si Xairron pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil dalawa pa ang aattendan naming klase ni Clara and I'm exhausted already. As a 3rd year archi student it's definitely not easy.

Oh My Ruthless Attorney Where stories live. Discover now