Chapter 4

41 2 0
                                    

Athena POV

When school is done. Clara and I decided na dumeretso agad sa bahay para masimulan na yung plates namin dahil 3rd year na kaya medyo mahirap na ang plates namin medyo matagal gawin. Hindi na ako nag pasundo kasi may kotse naman si Clara. Ayaw na mag bihis ni Clara sa bahay nila muna kaya dumeretso nalang kami sa bahay.

Pag dating namin ay wala pa sila mom and dad maaga pa naman maya maya pa siguro ang uwi nila. Kaya niyaya ko na sa kwarto ko si Clara at nag uto kay manang na ipaghanda nalang kami ng meryenda.

"Ay wala pa sila tita." Saad ni Clara

"Wala pa siguro, maya maya pa uwi nun. Tara akyat na tayo." Yaya ko sakanya.

"Ah Manang Linda pwede po makikihanda po kami ng meryenda. Thank you po." Saad ko kay Manang.

"Sige ihahatid ko nalang sa kwarto mo hija." aniya.

Umakyat na kami ni Clara para masimulan ang plates namin. Nilatag nanamin ang gagawin namin. Inuna ko na ang boarder na nirerequest ni Clara. Mabilis daw kasi ako mag boarder sabi ni Clara pero inuuto lang ako nito for sure.

"Akin na lagyan ko na boarder kakahiya naman." Sabi ko at tumawa.

"Ayy talaga you ruined kaya moment namin ni Zyrrus." Aniya at nag crossed arms.

"Sabi ko nga sorry naman ito na nga eh." Sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.

Maya maya ay may kumatok alam ko naman si manang linda dala ang meryenda namin. Kaya tumayo na ako para buksan ang pinto.

"Mga hija ito na ang meryenda nyo." Saad ni Manang Linda.

Nag dala siya ng sandwich, chips tsaka french fries may dala din itong juice. Kaya natuwa agad si Clara basta pagkain talaga.

"Thank you Manang, the best ka talaga!" Saad ko sabay kuha sa pagkain na dala niya.

"Thank you po." Saad naman ni Clara.

"O siya sige mag aral na kayo, maiwan ko na kayo." Saad ni Manang at lumabas na.

Pagkalapag ko ng pag kain, kumain agad si Clara hindi daw kasi kami nag meryenda kaya gutom siya.

"Hindi kasi tayo nag meryenda, nagutom tuloy ako." Saad ni Clara habang ngumunguya ng sandwich.

"Sige kumain kalang, malapit na ako matapos dito sa boarder mo." Saad ko at nag focus muli sa ginagawa.

Ng matapos ako ay binigay ko na sakanya, dalawa yung study table ko so we can study together nirequest ko talaga ito kila mommy.

"Ito na po Ma'am Clara tapos na." Magalang kong saad.

"Thank you. Mwa." Saad niya nag pacute pa.

"Bukas na pasahan nyan Clara dalian mo na." Natatawang saad ko.

"Okay fine." Saad niya at nag simula nang gumawa.

Makalipas ang ilang oras natapos na ako at si Clara naman ay malapit nadin matapos. Narinig ko na din ang sasakyan nila daddy at mommy kanina. Narinig kong may kumatok kaya binuksan ko agad ang pinto.

"Hi princess, what are you doing?" Saad ni daddy.

"Tinatapos lang po plates dad." Saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Okay, oh you're with Clara pala." Saad ni daddy.

"Hi tito good evening po." Saad ni Clara at yumuko ng kaunti.

"Hello sabay kana kain ng dinner. Let's go down. Tapusin nyo nalang yan later." Aya ni daddy sa amin.

Sumunod na kami ni Clara kay Daddy bumaba sa dinning area para kumain. Binati din ni mommy si Clara ng makita niya ito.

Oh My Ruthless Attorney Where stories live. Discover now