********Isang napakagandang batang babae ang naglalaro kasama ang iba pa nitong mga kaibigan, ngunit sa 'di inaasahan ay inaway siya dahil alam ng kaibigan niya na iniwan na siya ng kaniyang ama dahil sumama ito sa ibang babae.
"Kawawa walang papa, bleeee...."
"Kasi? Panget siya. Panget!"
"Tara na nga iwan na natin siya, kasi wala naman 'yan papa."
"Hahahah! Buti nga sayo!"
Umiyak lang ang isang batang babae dahil sa pang-aasar sa kaniya at iniwan ito.
Sa kaniyang pag-iyak ay halos maghalo-halo na ang kaniyang luha at sipon. Ng may nag abot dito ng isang panyo kaya naman hinangad niya ito kung sino ang batang nag abot sa kaniya ng isang panyo.
Naghikbi-hikbi ito ng tanggapin niya sabay punas sa mga luha niya kasabay ng kaniyang pag singa ng sipon sa panyo na mukhang bago pa ata dahil napakabango nito.
Ibabalik niya sana ngunit nandiri ang batang lalaki.
"Iyo na 'yan. Huwag ka na umiyak. Ang panget mo kasi eh, dapat naka smile ka lang para cute ka."
"S-salamat b-bata."
"Baby lets go." Tawag ng kaniyang ina.
Kaya nagmadali na ang batang lalaki nag paalam ito sa kaniya bago siya iwan, hindi niya nakuha ang pangalan ng bata.
YOU ARE READING
Loving You In October- On Going (Series #10)
Teen FictionBLURB Isang dalagang transferee ang pumasok sa isang sikat na university, siya ay simpleng dalaga ngunit may angking ito tapang na tinatago na nino man ay 'di akalain. Ngunit ano nga ba ang mangyayari sa kaniyang panibagong buhay sa loob ng univer...